Sayt ni LilMisPasaway

Bakit ang complicated ng mundo?

Posted by: lilmiz on: Nobyembre 19, 2007

“she loved me at may worst, u had me at my best.. but u chose to broke my heart”
awww..linya ni john lloyd yan sa one more chance, nanood kasi kami (oo jologs na kung jologs). nice naman da movie kaso syempre can’t relate ang beauty ko. nakakatats sya pero hindi yung sobrang nakakaiyak, tawa pa nga ako ng tawa eh (mas parang comedy kasi kesa drama, try nyo panoorin para magets nyo ko hehe). ang part lang na napaluha ako kunti ay yung kay maja, kawawa kasi sya sobra :( (or baka magaling lang talaga sya mag-act hehe). ganito kasi yun (spoiler alert hehe), nung nagbreak si johnlloyd at bea, si maja ang naghelp na makarecover si johnlloyd at sobrang lab nya ito kaso nung sa huli sinaktan lang din nya si maja (bakit johnlloyd? bakit? ginamit mo lang si maja, langya ka! lolz). bakit kung sino pa yung nagmahal ng tapat, sya pa ang kawawa?

may friend ako na malapit na ikasal sa lalaking di nya mahal pero sobra mahal naman sya nung guy. si friend ay may ibang mahal pero di sila pwede (at dapat lang kasi medyo alang kwenta yun eh). magwowonder cguro kau kung bakit papakasal pa rin sya, pwede naman single na lang muna. ako man din ay nagwonder hehe. sabi ni friend na matutunan din naman daw nyang mahalin ang papakasalan nya (nye ganun ba yun? anong mangyayari while di pa nya yun mahal? tiis muna?). tsaka for everyone’s sake na din daw (wala kasi syang mapapala kung dun sya sa tunay nyang lab). naisip ko, ang selfless naman ng babaeng to, ok lang na di sya masaya basta ibang tao ay napasaya nya. parang di ko yata kaya yun, parang lang ha.

eto malufet..friend ko na girl nainlab sa friend ko na bading, hindi yung discreet or pa-men na bading ha, yung cross-dresser talaga. syempre di sila pwede..ano yun, lesbianism? ahehe. pano kaya nangyari yun no, sobrang hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan, parang imposible kasi eh. pero andun ako, nafeel ko talaga yung pagtingin ni girlfriend kay gayfriend. kadiri nga eh haha. dahil dun nagkasira-sira na ang friendships, nadamay pa ako, pero sige lang nakakaawa din ksi si girl (araw-araw mo ba naman makita yung kabadingan ng lab mo dba, maiiyak ka talaga lagi hehe). ngayon ok na naman, nakamove-on na sya, tinatawanan na lang namin (pero may duda pa din ako na sa loob-loob nya may pagtingin pa rin sya. eww.)

sabi nila kaya ko di magets mga yan kasi di ko pa naranasan, na swerte daw ako at di ko pa nafeel ang mga ganyang kadramahan sa buhay. kaya ayan, ayaw ko na tuloy umibig (charing!). bakit kasi kelangan maging kumplikado pa. di ba pwede na yung mahal mo ay mahal ka din tapos u live happily ever after? ahehe. kala ko ba may naka-assign na na partner para satin lahat si lord? eh di hanapin or hintayin mo na lang yun (lord, wag naman po sana bading ipartner nyo sakin baka mag-agawan pa kami sa mga guys haha). pag-ibig nga naman talaga o. tsktsk. gugmang gi-atay. :P

Mga Marka:

7 Tugon to "Bakit ang complicated ng mundo?"

gugmang giatay jud!pastillan!ahhaa…..ganun talaga..related to sa lates post ko ah..lols..putang john lloyd niyan!!sinaktan niya yung mahal ko na si maja???amputcha!!!!mapuntahan nga lahat ng sinehan at papasara ko…lols

oo nga no parang related. meant talaga tau mwahaha.. yeah, i hate john lloyd, masyadong user-friendly (manggagamit) lolz.. ay teka sa pelikula lang pala nangyari yan no, muntik ko ng dibdibin ahehe

ahehhee..ako dinibdib ko talaga yung ginawa nyu kay maja ko…i hate him…lols

“may friend ako na malapit na ikasal sa lalaking di nya mahal pero sobra mahal naman sya nung guy. si friend ay may ibang mahal pero di sila pwede (at dapat lang kasi medyo alang kwenta yun eh).”

-asus, eklats lang ng friend mo yung di nya mahal ang pakakasalan nya. gusto din nya yun, at lalo pang magugustuhan sa susunod na mga araw. eh kasi naman madalas ginagawang big deal ang maliliit na mga bagay, feeling John Lloyd at Bea sa totoong buhay. we tend to romanticize everything, OA tuloy.

di ko napanood ang movie (at wala din balak panoorin), but if i were John Lloyd and i have to choose between Bea and Maja, pipiliin ko si Maja kasi mas cute sya para sa akin! toinks! i’d choose Maja’s character kasi siya yung ngayon, yung kay Bea kahapon lang. isang mapait na kahapon. Aruuuuu….

salamat sa pagbisita, pagcomment at paglink. andun ka na rin. welcome ulit! :-)

(aw, bisaya man diay ka nuh? pastilan!)

korek, minsan nadadala tayo sa mga lab-lab na yan ahehe eh di naman nakakain yan lolz.. matanong ko lang, may bea at maja ka din ba sa buhay mo kuya jun? :P .. naulipon na sad ba ka sa gugmang gi-atay? uyyy wehehe.. tenks din sa pagbisita ;)

ahehhehe..natawa naman ako sa post mo. grabe. kaaliw. pasaway ka nga.

wahaha.. pasaway ka din daw sabi ng nanay mo. lolz parang kilala talaga eh noh ahehe

ako din….ako yung ….*crossed-fingers*…nananakit….ewan ko bisyo ko to…trademark ko pa!! oo..i am a player…ang sakit ng ganti nito sa future pero bakit ganun??? ginagawa ko parin….

bakit kasi kelang maging komplikado …kundi mo na sya mahal…sana di ka na din nya mahal..para quits na lahat..wala ng masasaktan!!!

heheh naku player ka pala :P well at least inaamin mo haha.. baka sobrang lovable ka lang talaga kaya kahit di mo na mahal ay mahal ka pa rin :P

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)