Posted by: lilmiz on: Nobyembre 22, 2007
di ko lam pano ako nakauwi ng maayos kaninang madaling araw. basta pag-gising ko, hilo pa ako tapos damit panglakad pa rin suot ko, pati bag ko katabi ko pa haha. unti-unti ko naalala ang mga nangyayari (hehe parang ano eh). nagkayayaan pala mag-inuman dun sa haus ng isa naming kateam. syempre go kami, kami pa? haha halatang mga adik eh. pero sabi ko di ako papasobra ksi may pasok pa kinabukasan. yeah right!
ewan ko ano naisip namin at andaming kombinasyon ng alkohol ang pinag-iinom, para bang wala ng bukas hahah. una ay tequila, unahin daw ang hard lolz. as usual masarap sya haha. tapos naubos na agad, lakas ksi uminom ng iba jan amp. pangalawa, ay redhorse naman haha. tapos after nun, nagmove-on na kami sa ginakolait (hindi yan yung iniisip nyo ha ahaha, mixed lang yan ng gin at chocolait
). sa puntong to, mejo me amats na mga tao lalo na kami mga babae, tawa na lang ng tawa kahit walang nakakatawa (haha naging baliw ba) pero di ko masasabing lasing na hehe. lumabas na ang mejo pagkatactless ko, di ko sure kung yun talaga tawag nun, basta yung humihirit ng nakakatawa pero nakakasakit na pala sa kapwa. heheh ang sama ba? well, kelangan nyo malaman na minsan nakakapagsalita talaga ako ng mga di kaaya-aya pero di ko naman sinasadya, pramis! may mga panahon lang kasi na nawawala ang preno, tulad nyan heheh. ok lang yan sa mga close ko kasi sanay na sila tsaka inaasar din naman nila ako, bawi-bawi lang
. close ko naman mga kainuman ko na yan kaso sinasabhan na ako ng “uy tama na yan, lasing ka na, kawawa na si <pangalan ng tao>” (actuali, di rin lang naman ako ang humihirit pero for some reason ako ang sinabhan nyan. ayun naguilty tuloy ako at kahit alam nila na joke lang talaga, nagsorry ako (sabay dagdag pa ng hirit, lolz joke). so yun balik na ulit sa inuman haha, di pa nakuntento ang mga loko, naglabas ng emperador. wat da hell, yun talaga pinaka-ayaw ko kasi parang masusunog ang esophagus mo. once pa lang ako nakainom nyan at yoko na ulitin sana. hehe sana. kaso may chaser, so oks lang, di mo mafefeel ang unti-unting pagmelt ng esophagus nyahaha. di ko na alam ano nangyari after. hahaha ganun eh. hindi, may mga fragments pa naman akong naremember pero yung tipong mapapaisip ka na bakit umabot sa ganun? hehe. basta magulo na lahat (salamat kay emperador haha). happy happy, tawa tawa tapos biglang may point na slightly naiyak ako (di ako iyakin sa totoong buhay ah, pag nanonood lng ng drama hehe). di ko exactly sure kung bakit, basta nangyari lang sya nung may nagsabi sakin na “ang sama mo talaga! ang sama-sama mo! bakit ka ganyan?”. naku, tita charo, nasaktan ako sa mga katagang yan. ganun na ba talaga ako ka-bad? lolz.. so sa mga nahurt ko, SORRY NA
, kilala nyo naman ako, wala na kayong magagawa bwahaha. joke lang. next time, tatry ko manahimik na lang. basta lang wag nyo din ako hiritan kundi makakatikim kayo heheh. lab ko pa rin kayo, sana lab nyo pa din ako ahaha as if mababasa nila to..in case lang
.
sa ngayon ay nsa ofis pa din ako kasi hapon na pumasok haha. medyo masakit pa ulo, pati tyan (nashoshock pa ksi mga alaga ko sa tyan sa mga pinapainom ko sa kanila wahaha). at higit sa lahat naduduling-duling paningin ko sa antok. amp. sige lang, 30 more minutes at pwede na lumayas aheheh.
Nobyembre 23, 2007 Sa 4:38 umaga
na dokleng ako sa post mo
walang hinto ang chika… ayan, pati ikaw dokleng na rin, hehe