Sayt ni LilMisPasaway

We can never can tell.

Posted by: lilmiz on: Nobyembre 25, 2007

bored ako. kelangan ko kasi mag-aral para sa pinapa-take na exam sa work pero wala talaga akong gana. haaayz..ganito ba naman kakapal ang kelangan basahin?

take note, part 1 pa lang yan, may 3 pa na singkapal ang naghihintay. huhu. parusa to, di naman kasi ako mahilig mag-aral, since birth pa haha. matalino lang talaga ako kaya ako nakagradweyt :D . anyway, syempre nakaharap ako sa pc while nagbabasa daw at may time pa ako magbrowse ng friendster haha. tapos may nakita akong hiskul klasmeyt , may boypren na sya at naka 2 pc sya sa pic. wala namang masama dun tsaka maganda at seksi naman sya. so bakit natin sya pinag-uusapan? hehe.. kasi tandang-tanda ko pa, tibo sya nung hiskul! as in t-bird, lesbo, gay lolz madami pa syang naging jowang girl na mga skulmates lang din namin. ano pala yun, phase lang? di talaga sya totoong tibo? siguro nga. pinag-aral ksi ako ng mga magulang ko sa isang all-girls catholic skul nung hiskul. di ko alam kung bakit ksi di naman ako malanding bata haha at masaya na naman ako dun sa public skul nung elementarya. sobrang iba yung babae lang kau lahat, walang makukulit na boys at wala kang crushes(walang inspirasyon para pumasok sa skul haha kaya yata lagi akong late ahehe). yun siguro ang dahilan kung bakit nagpakatibo na lang ang ibang girls. ikaklaro ko lang, di ako ksali sa mga babaeng yun haha never ako naging tibo or pumatol man lang. pag may nanunukso, umiiyak na lang ako. gusto ko pa rin kasi ng lalaki ahaha. andaming rules sa eskwelahan na yun na sa tingin ko ay di naman kailangan kasi babae naman lahat. eto mga sample:

  • dapat at least 2 inches below the knees ang palda
  • hanggang gitna ng binti ang medyas
  • longsleeves ang top at nakasara dapat lahat ng butones (ang init nito pramis)
  • bawal ang colorful na bra
  • kelangan nakasando pa (para di kita bra? lolz)
  • bawal may kulay ang buhok at nakaporma yun kilay

ang weirdo dba? syempre may mga pasaway pa rin na kumukontra, suki ng principal hehe. again, di ako kasali dun lolz wala din namang sense, kevs na lang. nilalabag ko lang mga yan, pagkalabas ng skul :D

we can never tell nga talaga. pwede pa rin magbago ang tao. kahit yung sexual preference wahaha. sabi nga nila, u just have to find ur true self. curious lang ako, pwede din ba mangyari yan sa mga lalaking gays? may kilala ba kayong bading na naging totoong lalaki eventually? ako wala talaga, kabaligtaran madami. may mga in progress pa nga hahaha. bakit kaya? mas masaya ba talaga maging babae? :D

Mga Marka: , , , ,

13 Tugon to "We can never can tell."

oo nga we can never “can” tell bwa haha. may naalala akong linyang ganyan, si Melanie Marquez ata yun hahaha.

oo possible din na maging tunay na lalaki ang isang badinggerzie, mga tatlong kaibigan ko na ang ganoon. nakapag-asawa at nagkaanak – iba talaga pag dumating na ang TRUE LOVE! bwa hahaha!

yep, hiniram ko yan ke tita melanie, tama naman dba? nyahaha.. inde nga? nangyayari din sya sa badingerz? wow, good for them, i guess aheheh.. may pag-asa pa pala ako, dami ko ksi crush na bading hahahah :P

langya, naalala ko bigla yung readings for STS nung freshman ako nung college – makaapal! at malabo pa yung print-out kasi pipiliin mo talaga yung pinaka-mura na seroks! wehehehe.. ayun, di lang wala akong natutunan sa STS… nakalimutan ko na din kung ano yung ibig sabihin ng “STS” :-) (salamat sa dalaw sa blog, kapatid)

ahaha.. hmm, ano kaya yung STS? lolz .. wlang anuman kapatid, tenks din sa dalaw.. add kita sa link ko ksi mahilig ka sa RH hahah

nag-aaral ba talaga? :P peace tayo! gud lak sa review!

langya ka talaga haha jok tenks sa goodluck :D

nakaw… ayos lang yan… galingan mo na lang sa exam.. ;)

ahehe tenks sistah :D

naku. galing din ako sa exclusive girls school. prep to high school. pucha, muntik na ngang umabot hanggang college, buti na lang napigilan ko magulang ko. sabi ko gusto kong makaranaas ng sex… este, makaranas na makasalamuha ang opposite sex!

lol!

gudlak!

wahahaha so naranasan mo din nung college ka na? haha joke! pag may anak ako di ko papaaralin sa exclusive girls or boys school talaga ahehe.. tenks sa gudlak ms lenggai :D

nung napasali ako sa xtian church, marami akong nakilalang gays na nagpakalalaki. pero yung kilos at isipan nila, gay na gay pa rin. well, yung iba talaga matindi ng kapit ng berde sa dugo nila kaya ang nagsitiwalag at sinunod ang pagnanasa..bongga..hahahaha..

ahaha kanya-kanyang diskarte din siguro yan.. baka nagsawa na yung ibang gays kaya nagpakalalaki na lang ulit? lolz .. tapos yung iba kulang pa kaya sali muna ulit sa federasyon? ahahah :D

pinapatunayan lang to ung kasabihang there is no permanent thing in this world except change…lahat may chance magbago i believe in that ;)

thanx nga pala sa pagdaan sa aking bloghome.ill link u up to keep in touch :)

yep yep anything is possible :) .. sana lang di too late yung iba na magchange no ahehe .. sureness, will link u up as well.. tenks sa bisit :D

naku.. kakawindang naman nyang babasahin mo mapapaaga k nyang maligwak ah!

sinabi mo pa! yung fiktyurs na nga lang tinitingnan ko eh, kaso unti lang waaa.. haay pakensyet na buhay to hahaha

May kaklase din akong tibo nung highschool na mas malakas pa mambabae kesa sakin. Nakasabay ko sa bus minsan naka skirt naman na sya saka may humahabol na lalaki. Boyfriend pala niya, gulat na gulat ako. ang sweet pa nila. pero mas maayos na din siguro na ganun siya kung doon sya masaya.

oh dba? ehehe.. alam kaya nung boypren nya na naging “boypren” na din ng mga babae yung girlfriend nya? hahah.. pero tama ka, kung san sila masaya, suporta-an na lang natin aheheh :P

Ayoko na lang magtrabaho kung magbabasa din ako uli.haha.

hay naku, mas masarap talaga mag-aral, may allowance ka pa lagi haha.. sana nagpabagsak na lang pala talaga ako dati, excited kasi ako magwork :( .. ayan tuloy haha

hehe! naalala ko tuloy HS days ko.. ganyan din ang patakaran bawal ang mahabang palda etc.. catholic din kase mga madre pa may ari.. o di ba? wala ka tlagang kawala! haha!

tapos useless din naman mga patakaran na yan, nabubuntis pa rin ng maaga mga ibang girls hahaha :P

i agree! haha! Marami na sa batch namin ang may mga anak na! haha!

ay naku wala akong problema nung highskul sa 2inches below the knee na haba ng palda kasi 2inches above the knee ang paldo ko, hindi dahil malantod ako noon kundi dahil wala akong pambili ng bagong palda. hahahaha!

ahahah ayus na palusot yan :D .. so nakaminiskirt ka na sa skul mo nyan ahaha :P

tulad ni lenggai, kaya ako naging USTe a dahil inayawan ko na ang maging under ng mga madre mula grade school hanggang heyskul, ayun, sa mga padre naman ako napunta, hahaha

buti naman mamakengs, kundi inosente ka pa rin sana hanggang ngayon pagdating sa mga boys wahahah inde rin :D

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)