Sayt ni LilMisPasaway

Bhaaaad day.

Posted by: lilmiz on: Nobyembre 28, 2007

lord, ano ba meron kahapon? napakapakshet talaga eh. lahat na lang ng kamalasan sumalubong sakin. isa-isahin ko ha..

una — pag-gising pa lang ansakit na ng puson ko, nanghihina ang kalamnan ko na parang mamamatay na ako. dysmenorrhea po tawag nyan baka ano na iniisip nyo :P . gusto ko magsickleave pero wag na, kasi dami kelangan gawin, matatambak lang sa susunod na araw tsaka kelangan ko din umalis at magbayad ng bills hehe

pangalawa — lumindol habang naglalakad sa mall. kala ko nahilo lang ako sa gutom, lindol pala ampucha.

pangatlo — magtetext sana na may lindol pero wow naiwan pala ang celfon sa bahay. kaya di na rin makatext na baka ma-late sa trabaho.

pang-apat — na-late sa trabaho

pang-lima — di na nakalunch, dahil late nga at andaming issues (kaya mejo unti lang time magchat at magchek ng blogs pero may time pa din haha)

pang-anim — nairita sa isang ofismate dahil nangungulit. wala ako sa mood makipagkulitan. galit ako sa mundo! (may hormonal imbalance kasi lolz)

pang-pito — nakalunch nga pero 5pm na so luncher na yun, lunch+dinner. saya.

pang-walo — tinamad magcommute kasi depressed (hormones ulit) tsaka umuulan din. naisipang magtaxi. kapal ng drayber, nagpadagdag ng 30 pesos! gusto ko murahin ang drayber pero di ko magawa (nagmumura lang ako sa totoong buhay kapag nabibigla or kung mag-isa lang hehe). leche ka drayber! :)

pang-siyam — pagdating sa bahay, walang cable! di daw nya masearch ang signal. perstaym to ah.. waah wat da pak is going on?! .. nag-net na lang ako kasi may kelangan din tapusin sa work(at may time ulit magbasa ng blogs :D )

pang-sampu — naputol bigla ang net at ayaw ng kumonek kahit anong pilit. sinigawan ko na “magkonek ka naman! kahit once lang please! may kelangan lang ako tapusin sa work!! nakasalalay dun ang pambayad ko sayo! hindi ako magbablog.. pramis!” . ayaw pa din. eto ang error:

ano ba?! nag-usap ba kayong lahat para sirain ang araw ko? tumawag na lang ako sa globe customer service, yung 211. walang kwenta! wala daw silang alam sa visibility, nagbigay lang ng isa pang #, 7301000 daw. tumawag ako, isa pang walang kwenta! nabawasan lng load ko, pamprepaid lang daw kasi sila, nagbigay ng isa pang #, 7518888. ayun ang pinakawalang kwenta! walang sumasagot. #@$@#!!!

sa kabila ng lahat, aylabyu pa rin lord, poreber and eber. pero sana naman wag na akong malasin today. ang mambwisit sakin ay magkakaron ng tooot sa noo. ahahah.

15 Tugon to "Bhaaaad day."

naku lilmiz.. wag na ma bad trip, normal lng tlg ang ganyan minsan… Bwisheet kasi e!! hmp!~&%$) anak ng tipaklong!! hmp! hmp!

ay sori… nakikibadtrip lang para may kasabay ka dyn..

haha tenks sa pakikiramay :P .. ok na naman ako ngayon .. kahapon lang talaga bwisit :D

oks lang yan. isipin mo na lang, kahit late ka, ndi ka naman mawawalan ng trabaho. LOL! :D

ay shet sorry! :( .. ang heartless nila .. actuali, di talaga ako nagresign dati, pinalayas ako dahil sa dami ng lates haha joke .. pero heartless pa din noh? tsk tsk

ayos lang yan ‘day..atleast nakapag-blog ka pa rin..when it rains, it’s wet..

ahaha korek, ang pagbablog ang pinaka-importante eh hahah

ang kamalasan 3 lang magkakasunod pero hija kinabog mo ang kasabihan! ginawa mong sampu! hahahaha!

nyahaha yun lang! tinalo ang kasabihan.. baguhin na lang natin yan hahah

Relaks lang! epekto yan ng hormonal imbalance eh… pag may ganyan talaga lahat nkaka badtrip! kahit yung langgam na kumagat sa pwet mo mumurahin mo.. haha! :D

sinabi mo pa sis hahah kawawa naman tau mga girls .. buwan-buwan pinparusahan :( .. ehehe :D

…ahahaha.. kalma lng.. gnyan tlaga tyong mga gurl.. hirap pag sumasakit ang puson… gnyan tlga pag hormonal mdaling mairita.. nagkasabaysabay pa…

oo nga eh! kung kelan wala sa mood tsaka pa sabay-sabay ang malas arghh.. hahahah

you had abad day? everyday is abad day for me. ahaha, korni amp*ta. Sana sinuwerte ka ngayong araw!

buti alam mo na korni! pero in fairness, funny sya! wahaha .. ok naman ngayong araw, may kaguluhan lang sa makati area amp buti pinayagan ako wag pumasok ;)

hinihintay ko ang pang eleven…sana indi malas ang pagkalagay mo ng name ko sa blogroll mo..ahhaa

ahehe inde naman.. kaw pa! yihee! hahah :P

hmmm… tas nag coup attempt pa today! you’re on a roll yata, kapatid. hehehe… ano kaya pwede gawin to reverse the trend? :-)

oo nga! may balat talaga ako sa pwet waaa.. hmm baka ngayon lang to, bukas mas malala pa pala no hehe wag naman .. pero sana walang mahurt sa coup attempt na yan :(

Di bale pagkatapos ng ulan, lumalabas naman yung rainbow. Kaya malamang puro good naman ang mangyayari sa ‘yo sa susunod. :)

ay ang galing!:D yan ang status ko ngayon eh “if you want a rainbow, you gotta put up with the rain..” , o dba? hehehe tenks kuya kiks :D

Bad Day nga. Pa bless ka kaya sa pari. hehehe.
cool site you got here. Ill add you on my roll po.

waaaah para naman akong nasapian nyan hahaha.. pero sige magsisimba ako :D .. sure add me lang, i added u na din.. tenks sa bisit! :D

hay naku nakakarelate ako. ganyang ganyang ang araw ko madalas. May balat kase ako sa pwet. kaw din dba? hahahhaha. isisi sa balat ang lahat

lecheng balat to! patanggal na natin! nyahaha

[...] kamalasan, manila domestic airport kanina was the worst day of my life. mas malala pa sa post na to. pakengshet talaga. ampucha. PI. pesteng yawa. dapat sa mga oras na to ay nasa cebu na ako [...]

wokei lng yan…kung malalaman mo buhay ko…ehehehh….wala pa sa kalahati ang nangyari sau sa kamalasang (kadalasang) inaabot…

pero naappreciate ko din minsan…all things are meant for our good sabi ni GOD…

haha that was funny. Jinx eh. anyway malay mo swertehin ka naman the next day. =)

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)