Sayt ni LilMisPasaway

Poor ako.

Posted by: lilmiz on: Nobyembre 30, 2007

ang OA talaga ng nanay ko, pinapauwi ba naman ako sa probinsya dahil dun sa coup attempt? para naman akong sino no haha. heniway, inde naman tungkol dun ang iboblog ko, nakakasawa na (buong hapon at gabi yun lang nsa tv e :( ).

gusto ko pag-usapan ngayon ay pera. yez, pera! haha. akalain nyo ba naman na sa higit na tatlong taon ko na pagtatrabaho, wala pa akong nasi-save? ni katiting? waaaah! alam ko mali pero di ko talaga mapigilan sarili ko, gastador ako. masama ba talaga yun? eh gusto ko lang naman i-enjoy lahat ng bagay kesa naman magpakakuripot ako. tapos tsaka lang magliwaliw pagmatanda na, parang sagwa naman nun ehehe. pag umuuwi ako samin, yan na lang lagi topic namin ni inay.

Mother: nagtatrabaho ka ba talaga dun? kung ganyan lang din eh dito ka na lang, libre ka pa bahay at pagkain.

Me: ma, kung d2 ako, di ako makakapaglakwatsa at makapagboys (as if may boys haha)

Mother: oo nga naman noh. (wahaha nag-agree! kunsintidor na ina!) pero bakit wala ka pa din ipon sa sweldo mo na yan?

Me: tama lang sweldo ko in manila standards kaya, kulang pa nga sa mga luho ko eh (nyahaha).. tsaka high cost of living dun (totoo naman, lahat may bayad d2, ang mahal pa amp). kung may makakapagpasweldo lng sakin ng ganun d2 satin, why not? (actually meron pero yun nga, pano na ang independence haha).

Mother: kung mag-abroad ka na lang?

Me: ok lang ba? baka umiyak-iyak ka na naman sa kakamiss sakin (char.. ako pala un umiyak haha)

Mother: oo naman, basta may limpak na limpak na salaping involved, why not? (ayun! lumabas din true colors mo inay.. may pinagmanahan pala ako sa pagkamukhang pera haha.. well, di talaga ganyan pagkasabi nya, pero blog ko to weh :P )

Me: sige, para sayo, mag-aabroad na ako bukas (haha that fast?)

Mother: pero kung happy ka na dyan, bahala ka. basta magtipid-tipid ka naman. yung iba nga na mas maliit sweldo, nakakabuhay na ng madaming pamilya. ikaw pa na tatlo lang ang anak mag-isa lang nahihirapan buhayin ang sarili.

Me: wala namang ganyanan. nabubuhay ko naman sarili ko kahit papano ah. tsaka wag mo ko icompare sa kanila. bakit? nakakapagtravel ba sila ng ibang countries? nakakapagshopping ba sila? nakakagimik ba sila? may bisyo ba sila? (wahaha). tsaka nagpapadala naman ako d2 ah! tagal kasi grumadweyt nyang isa mong anak. ako 19 pa lang, gradweyt na. eh sya bente na, 3rd yr pa din. it’s unfair, u know!

Mother: aba aba wag ka mag unfair2x jan. once in a blue moon ka lang magpadala iha. dami mo lagi palusot.

Me: kasi naman anlayo ng bangko mo

Mother: asus. dba tapat lang ng bldg mo yun?

Me: fine! fine! u win .. pahingi na lang pera, alis kasi ako pero wala akong cash d2. (nyahaha naisahan ko pa)

actuali, plan ko na magwork abroad.. pero medyo takot pa ako ngayon hehe. gusto ko lang magtravel-travel muna (domestic at international :D .. thanks to cebu pacific promos!woohoo! hahaha.. sino mahilig magtravel jan? alis tayo! :D ).. pero ang mag-stay ng matagal sa dayuhang bansa? naku goodluck! pasaway pa naman ako, baka madakip lang ako at mapugutan ng ulo waaah hahaha.

ok lang maging poor eh, pero may times kasi na kelangan talaga ng pera, like mga emergencies or mga mangungutang. sa mga ganun, naguguilty ako, kasi wala man lang akong naitutulong unless makapaghintay sila sa next sweldo ehehe. or kahit para sa sarili ko lang, tulad nung nasnatch celfon ko :( (naalala ko yun, tinext ko pa, nagmakaawa ako i-soli kasi wala akong copy sa mga contacts ko ahahah umasa pa daw).. buti na lang naimbento ang credit card! :D .. ang saya gamitin pero masakit sa loob pag bayaran na hahaha.. hmmm ano nga kaya pwede ko gawin (or di gawin) para makapag-ipon noh? :D

Mga Marka: , , , ,

15 Tugon to "Poor ako."

haha ako rin 3 years na nagtatrabaho, halos di rin ako nakakaipon. what can i say? it’s fun to burn money. :p

yeah trulalu! masaya gumastos ahaha

add kita ha

of course! :D .. tenks :D .. na-add na kita ;)

hmmmm….magkakasundo tayu diyan..hanggang ngaun wala din akong naipon..pero atleast happy ako..nakakapagpa aral ako ng 2 kong kapatid at the same time sunod lahat bisyo ko…o see?ahhhehe

ahehe.. pareho tayong poor! woohoo! :P .. ok lang basta nakakatulong at nakakapag-enjoy pa din :D

ahahahh.. pareho pla tyo. nagwowowork ako nun pero wla akong naiipon.. gastador rin ako… ngaun ko lng naicipang mgipon ngaung wla akong work.. Pareho pla tyo ng mudang ganyan ang mga side comments nya skin.. kso ayaw nya akong pafluaway sa abrod mwawalan daw xa ng anak na diyosa.. hehhehe.lol

wahaha ngayon lang mag-iipon na walang work eh, ayus :P .. ganun talaga mga nanay, pakialamera ahaha.. naks, ang anak na diyosa! ahehe :D

Yung prof ko dati ayaw niya sa credit card. hindi daw magandang habit para sa atinng mga pinoy ang gumastos ng perang hindi pa natin kinikita. lab ka ng nanay mo. what will we do without them?

mahirap nga imanage ang credit card, buti na lang mababa lang credit limit ko hahah :D .. oo lab talaga ako nun, wala syang choice aheheh :P

totoo masarap gumastos.. pero kapag la nang pera nakakapag init ng ulo. hehehe…

syempre! lalo na yung alam mo na matagal ka pa magkakapera hahaha

haha! ako nga sa abroad na nagtat-trabaho, wala pa rin naiipon, panay kasi bili ko ng gamit, damit at syempre PAGKAIN! saka na siguro ako mag-iipon, uhhhm… pag balak ko ng mag-asawa! lols

ahaha ako din eh, bumibili ng kung anik-anik lolz benta na lang natin pag wala na talagang pera wahahah

masarap talaga gumastos lalo na kapag midnight madness, hehe… pero dapat magsimula ka na rin mag ipon… masarap amuy amuyin ang lumalagong pera sa bangko man o sa alkansya :)

ganun ba yun mamakengs? kelangan amuy-amuyin ang ipon? baka nakaka-adik! ahehe.. haayz sana nga makapag-ipon :( .. new yrs resolution ko ulit to (every yr na lang haha) :D

ni-link ko pala ‘tong site mo.

salamat naman. ikaw ay nakalink na jan :D

sus… nahiya naman ako. ako nga, seven years na… lol!!! carpe diem!!!!

gusto ko yan! carpe diem! haha yan isasagot ko neks taym :D .. idol talaga kita ate lenggai! 7 yrs eh :P

Bumili ka ng alkansiya, yung mahirap sungkitin para hindi ka matuksong bawasan ang laman! Hehe!

meron ako alkansya pero di mapuno-puno, nabubuksan kasi wahaha pero cge makahanap nga ng di nabubuksan o nasusungkit :D

Makakapagumpisa ka lang magipon after mong mabayaran lahat ng utang mo sa credit card at di na uli gagamit ng card. Di ganun kadaling gawin pero yun ang isang tamang solusyon.
cheers:)

di ko kaya :( .. pano kung wala na talaga akong kapera-pera, ano gagamitin ko? aheheh pero sige pag-iisipan ko, para sayo wahaha.. tenks sa bisit ;)

Hay ang hirap kumita ng salapi. Ang daling magsunog ng pera pero sunog din ang katawan sa pagod. parang ayoko na nga din magtrabaho. namimis ko nang maging palamunin hehehe

ahehe oo nga eh. sana pwede na lang forever maging palamunin sa mga magulang haha. or sana libre na lang lahat :D

add din kita ha…ako din wala pang ipon kasi ako ang matabang breadwinner ng aking pamilya hahahahahaha…enjoy lang hanggang kaya pa

sure sure :D add din kita! malamang sayo ang http://bobkamote.wordpress.com/ ano ahehe.. tenks! :)

apir tayu dito madam!!! sa aking wala din maipons..minsan kulang pa nga,….pero masaya naman kapag nakakatulong ka…

19 years old guradweyt??? pano nangyari yun…advanced ka ba nag-aral o summer classes??..hehhehe,…ala lang.

advanced nag-aral hehe eksayted kasi ako mag-aral dati, kala ko kasi puro laro lang gagawin sa skul.. inde pala! haha

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)