Sayt ni LilMisPasaway

Am tired… but happy! :)

Posted by: lilmiz on: Disyembre 7, 2007

it’s supposed to be my rest day today but wala ako time magrest, kelangan mamili ng gips. kakastress! sino ba kasi nagpa-uso ng exchanging gips na yan! haha although mas ok na din kesa required ka magbigay sa lahat ng tao waaaa. bukas may eksmas parteeh ako jojoinan, at madami pa neks week. masaya naman mag-attend, libre kain at inum haha yung preparasyon lang nakakapagod. bukod sa dapat may gip, kelangan pa mag-isip kung ano susuot, mahirap din magdecide ano isusuot noh, kung bibili ba ng bago or magrerecycle :D ).

oh sya balik sa araw na to. imemeet ko ang friend ko (tago nalang natin sya sa pangalang “mimi”) sa mall na malapit sa kanila, game lang ako kasi di pa ako naligaw sa mall na yun. ampakshet, kalayo pala ng lalakarin galing mrt papunta sa mall! umuulan pa! pero sige lang, test lang yun lolz. after kain, nagstart na kami maghanap ng gips para sa baby namin (dbah baby ang tawag sa nabunot sa kris kringle? :D ). may wishlist na binigay at sobrang specific pa so kampante lang kami.. after 48 yrs ng pag-iikot, naknangtipaklong wala kaming mahanap! phased out na yung wish ng baby ni mimi. habang sakin ay walang nakakakilala (CD ng sino ba yun ang wish), yun pala inde pa daw nakakarating sa pinas ang album na un. amf. pinatanong na lang namin ulit kung ano pang ibang kahilingan nila.

paalala sa mga magwiwishlist: siguraduhin nyo naman na mabilis mahanap yung hiling nyo! wag pahirapan ang inyong mommy/daddy. hmpft! ahehe

limang oras din kami naglakad-lakad at madami na din nabili na gips pero shet, sumakit ang paa ko! kasi naman yung shuz na suot ko ay pers taym ko sinuot na panshopping, tiniis ko lang huhu (at least alam ko ng di ko na sya susuotin again sa pangmatagalang lakad ahehe). natapos din kami at nagdecide umuwi. sa pauwi, may dadaanan talaga akong isa pang mall at lakaran na naman ang eksena. eh hindi ko na talaga kaya, sobrang its hurt na my feet lolz na feeling ko dumudugo na. so ayun, napabili ako ng tsinelas. whew ansarap magtsinelas! at dahil nakapahinga na ang paa ko, pinagpatuloy ko na lang shopping kahit mag-isa, for myself naman ngayon wahaha. pag-uwi sa bahay nkatulog ako sa sopa dahil sa sobrang pagod. pero masaya naman at natapos din. sa lahat ng mga gips na nabili ko (a total of 3 nyahaha), eto pinakagusto ko:

bb.jpg

gip ko yan para sa sarili ko my one and only inaanak back home. ang kyut-kyut no? mana sa bumili (ganyan pala hitsura ko ahahah). makabili nga ng isa pa para sakin naman lolz.

eksayted na ako sa mga parteehs! may ekskyus na naman kumain ng madami at magpakalasing. yahooo! im just worried bukas, kasi may work ako sa sabado ng hapon :( sana magising ako, gudlak to me hahah. advans meri krismas sa inyong lahat! :D

p.s: hmm 1am na pala, dapat pangyesterday to na blog. eh nakatulog ako eh haha. at matutulog na naman ako ulit. night! :D

Mga Marka: , , ,

11 Tugon to "Am tired… but happy! :)"

Teddy Bear ba yan o Ewoks? Di masyadong clear ang itsura eh? hehehe. pero tama ka. cute nga.

waah teddy bear yan! :P nakasuot lang sya ng parang bunny na jacket/damit ahehe

party naaaah! sarap uminom! doblehin ang inom mamaya (isang tagay sa yo, isa sa kin, kasi wala ako diyan, huhuhu). pakisabi sa kapatid nating girlalu na congrats. :)

ahehe inde ako kasama kina girlalu, ibang parteeh un pinuntahan ko, pero dinoble ko naman ang inum hahah.. di ko lang alam if natuloy sila girlalu kasi umaga na ako umuwi wahaha tulog unti, tapos eto pasok na kahit bangag, hahay buhay lolz

natawa naman ako sa yo, bagong sapatos ang suot mo sa shopping, dapat nagbaon ka ng tsinelas, haha. nangyari na rin sa akin yan, aba ang kengkay, nag-paa kamo, hehehe

inde naman talaga super bago mamakengks, di ko pa lang nagamit sa walkathon ahaha. oo nga, ala ako backup, di ko na-anticipate kasi ahehe ok yan naka-paa! pero baka palabasin ako ng mall kung ginawa ko haha :D

That bear is so gay…lols…anyway ur ryt…she/he/it is so damn cute…but im cuter that him/her/that.

but ur not gay, right? ahehe juz kidding :P

same experience tau sa paghahanap ng wish nung baby ko.Mantakin mo ba namann nalibot ko na ang buong glorietta wala naman dun ung gusto nyang gift.to think na nakaspecify pa na sa glorietta raw mabibili yun…

heheh wawa ka naman :D yun nga, sila na nga yun bibigyan, pinapahirapan pa tayo :P

waaaah! buti na lang ako wala akong pera pang shopping at pang bili ng gift! ahaha! ang hirap din mamili ah.. Torture! gusto ko yung istaph toy! arbor! hahaha! joke! :D

ahahah ako din gusto ko arborin! sakin na lang siguro yan, di ko na ibibigay sa bata hahah

Hello Lilmiz! Si Pinoy Blogger pala ito.

Salamat din sa pagdaan sa http://www.pinoyworld.wordpress.com. Member na ako dun as online digger.

Kita kits…

haller :) walang anuman.. sige kitakits! ;)

Kaya sa susunod yung comfy shoes o tsinelas na lang suotin mo sa pagsha-shopping para makarami ka ng mabibili! Hehehe! Sigurado marami-raming shopping pa ang gagawin mo bago magpasko. :)

oo nga eh ahehe haay korek kuya kiks, dami pa talaga ako kelangan ishopping kaso ala ng datung hahah

Sigurista na talaga mga tao. Hindi magreregalo kung hindi siguradong may kapalit. haha. badtrip magbigay ng regalo sa “baby” mo pag hindi mo gaanong kakilala.

syempre haha. yep, mas ok talaga kung kakilala mo, lam mo na ano gusto :D

kyut kyut naman. waaaaaaaaaah.

me ba? aww thanks.. hahah ayy ang stufftoy pala :D

thanks for the addy…I already added u up too!

np boy, tnx 2.. seeyah round ;)

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)