Posted by: lilmiz on: Disyembre 12, 2007
matagal ko ng di nakikita mga dati kong barkada, sa friendster or multiply na lang ako nagdedepend sa updates ng buhay nila, tapos di pa sila lagi nag-uupdate (ano bang klaseng mga IT people kayo? lolz). yung isa, nagmessage sakin, buti naman! hehe parang ganito ang takbo ng kanyang mensahe:
..bat di ka na umuuwi dito?.. ang yaman mo na siguro no!.. ano ginawa mo, bakit pumayat ka?.. kamusta lablayf?.. baka nag-asawa ka na, di ka lang nagsasabi ah!..
nainis tuloy ako instead of matuwa. di ko naman sya masisisi, ganun naman talaga ang usual na pangungumusta ng mga tao, pati ako ahehe.. explain ko na lang bakit ako nainis
“ang yaman mo na”
haaay ilang beses ko ba dapat sabihin na POOR AKO at WALANG PERA! hahaha. ini-expect nyo ba na dahil nakapagwork ako d2 eh magiging milyonaryo na ako? well, ganun din inexpect ko hahah pero di ganun kadali yun at alam naman natin na di tayo yayaman kung d2 lang magtatrabaho sa mahal nating bansa pwera na lang kung may sarili kang negosyo.
“pumayat ka”
ang sarap pakinggan! pero hindi totoo eh lolz lahat na lang sinasabihan ako nyan, nang-uuto lang siguro para malibre hahah kung everytime may nagsabi sakin nyan ay mababawasan ako ng 1lb, malamang anorexic na ako ngayon ahaha. ano ba, di ako pumayat.. 120+ lbs pa din, healthy pa din
. totoo, inde ako nakakakain ng 3x a day pero di yun diyeta, talagang tamad lang magluto o kaya walang pera pambili ng pagkain wahaha pulubi pala. gustuhin ko man makamit ang aking ideal weight, di ko pa talaga magawa, baka neks year
“musta ang lablayf”
pagod na ako sa kakasagot ng “ano yun?” lolz. wag na kasi ako tanungin nyan, pwede? magpapa-announce naman ako sa tv at radyo kung sakali magkakaboypren or asawa ako, pramis wahehe. wag kayo mag-alala, darating din ako sa point na yan, sa ngayon inde pa rin talaga marunong mainlab ang puso ko (parang gusto ko na masuka sa pinagsasabi ko, ang cheezy ahaha).. pero kelangan ba talaga magkalablayf ha? para sakin hindi eh wahaha siguro pangsatisfy lang sa mga makamundong pagnanasa yung mga lalaki pero kahit di mo boypren pwede naman makuha yan ah, tama ba ako? nyahahah
syempre hindi yan ang sinagot ko. sabi ko lang pag-usapan namin pagka-uwi ko sa pasko ahehe. weeeh uuwi ako!
ang yaman mo na lang yung naririnig kong pangungumusta heheheh lanya di pa totoo tsk tsk tsk!!! sabi ko kung mayaman ako e di na ko mag papa alila dito no lol!
Disyembre 12, 2007 Sa 3:34 hapon
hay naku sis, masanay kana tlga… gnyan usually ang mga tinatanong pag matagal kana ng d nakaka uwi.. atlst makaka uwi kana man db? ihanda mo nlng ang pag sasabon sa knila, pag mag tanong ulit…