Sayt ni LilMisPasaway

Wala ako maisip na title. suggestions? :P

Posted by: lilmiz on: Disyembre 16, 2007

tagal na pala akong di nakapost dito, mga tatlong araw, matagal na yun in blog years haha. di rin ako nakapagbasa ng mga kablogan nyo and sa ibang mga importanteng bagay (see chismax blogroll :P ). so kamusta na mga friends? namiss ko kayo infairlalu ah haha sa mga fans ko (hi ma and pa! :D ) na nag-aabang sa mga alang kwentang entries ko dito, pasensya na at busy-busyhan dot com dot ph ang drama ng inyong lingkod. lam nyo naman pag pasko, in demand ako ahaha

sa kasalukuyan, madaling araw ng linggo dito, gising na ako since 2am. masakit ang ulo at inuubo na parang matatanggal na ang lalamunan. so bakit ako gising? wala lang, trip ko lang parusahan sarili ko lolz sana yun na lang ang dahilan no. hindi eh, gising ako kasi kelangan magtrabaho. sa kasamaang palad, napili ako para mag-cover sa mga walangyang kateam ko sa kabilang side ng mundo habang nagpaparty sila. pakshet na buhay naman oh, wala naman sa usapan to ah, kaya nga ako lumipat sa trabahong to dahil sa pag-aakalang fixed ang sked, walang overtime at walang madaling araw na work. nagkamali ako :( naku, dami pa namang namatay sa maling akala lolz napapa-overtime kaya ako lagi, kahit off nagtatrabaho pa rin tapos eto madaling araw? syettt.. kami dito, nagxmas party last week at nung isang araw pero nagpacover ba kami? hindi! pagkatapos ng party namin, yun iba dretso na nga sa work kahit lasing lolz kasi ba naman, anong klaseng party yun sa kanila, tanghaling tapat? ano sila, hiskul? hmm, di kaya kami niloloko ng mga yun?! heheh buti na lang tahimik, ala masyado gnagawa. sana tuloy-tuloy na to. kung hindi, baliw na kakalabasan ko nito (yan ay kung di pa ako baliw ngayon haha).

masakit pala ulo ko dahil nasobrahan sa pag-inom sa xmas party nung isang gabi. akala ko wholesome lang na party yun kasi sa buong department sya at andun ang mga bossing, kaso may mga pasaway na nagdala ng mga alcoholic na inumin lolz syempre bawal tumanggi, kami pa heheh pero di pa dun sumakit ulo ko. pagkatapos ng party kasi, di pa satisfied ang mga loko at lumipat lang ng bar. may nag-order ng drinks na di ko alam ano pangalan pero ansarap nya, parang juice lang ahehe may cherry at lychee pa na kasama. yung isang friend ko di uminom, sabi nya magaling lang magtimpla mga tagadun kaya masarap pero sigurado sya malakas tama nun. di ako nakinig, uminom pa ng madami lolz mejo sumakit ulo ko pero keri pa naman. naglights off na ng alas kwatro so napilitan din kami umuwi haha pag-gising ko nung tanghali amp ang sakit talaga ng ulo ko :( ambigat nya at hilo pa ako. inde lang yun, inuubo pa ako. inubo naman ako dahil nakahithit ng dalawang yosi, di naman talaga ako nagyoyosi sobrang minsan lang. nabigla siguro katawan ko, nagdalawa pa kasi sana isa na lang haha ayoko na, bakit ba kasi daming side effects ng bisyo? ahaha sana inde na lang inimbento yun dba. siguro di na ako magyoyosi ulit, inom na lang ng kunti (kunti daw wehehe) para atay lang ang delikado, safe ang lungs hahah (dba nagreregenerate yung atay kung masira?lolz). sana gumaling na ako kasi may party ulit next week haha whole company na, sana manalo ako ng kotse :D asa pang kotse paparaffle ehehe mlamang hindi, buti pa yung ibang kompanya no kotse or 1million pesosesoses ang grand prize. kung sakali manalo ako ng mga ganun na level, magreresign ako :D

thought of the day: “vice is such a hideous creature, that the more you see of it the better you like it.” (ang bisyo daw ay parang panget na tao, pag lagi mo nakikita lalo mo nagugustuhan. nyeh parang mali. hahaha)

6 Tugon to "Wala ako maisip na title. suggestions? :P"

Okay lang maglasing sa krismas party. Wag lang araw araw krismas party. hehehe

title???hmmmm..pwde atay sa ibabaw ng kalan..ok na yun..lols…..hinay hinay sa inum….mahirap pg sabay tayung madehado dahil sa inum..walang mag aalaga sa baby natin..lols

taytol ba kamo? magandang taytol ay basta lang… :D

@ice
oo nga baka inde na umabot sa new year haha

@mylabs
haha kaya kelangan magsipag ka sa work mo para maka-afford tayo ng yaya para sa baby ahehe :P

@ate kengks
maganda nga yan, parang wala lang haha :D

bwahahaha! resign agad pag nanalo ng kotse, dito sa amin sa office, ‘goodmorning towel’ ang first prize sa raffle. o ano, laban ka? bwahahaha!

nyahaha ganda nyan, goodmorning towel!.. sana makuha mo ahahah :P

magbaon kla kasi lagi ng liveraide..hehe! saka para iwas yosi dapat lagi ka merong lollipop

ahehe oo nga kelangan na ng liveraide :D .. mgandang suggestion yan lollipop ah, sige yan na lang gawin ko hehehe :D

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)