Posted by: lilmiz on: Disyembre 24, 2007
kanina was the worst day of my life. mas malala pa sa post na to. pakengshet talaga. ampucha. PI. pesteng yawa. dapat sa mga oras na to ay nasa cebu na ako naghahappy-happy with da familia pero nooo, andito pa rin ako sa maynila. bumalik ako ng bahay galing airport, hindi ako nakaalis. shet.
may tiket na ako, 6:35am dec 23 ang alis. tumawag ako ng taxi para magpasundo mga 4 kaso wala pa daw available, sabi ko kahit until 5 kaya pa kasi mga 30mins lang naman byahe since alang trapik. naligo na ako at mga quarter to 5, ala pa rin daw. waah san ang mga taxi ba? ke aga-aga eh naubusan sila? so lumabas na lang ako, habang pababa ng hagdan at dala-dala maleta, mga 5 steps na lang, shet nahulog ba naman ako. feeling ko may mga pasa-pasa at pilay ako pero keri pa naman. ayun pala ang unang masamang pangitain sa pinakamalas na araw ng buhay ko.
nag-abang na ako ng cab at pucha wala nga talaga, may sakay lahat ng dumadaan. san ba galing ang mga taong to?! party magdamagan? wadapak. mga 15 mins na hintay din yun at may dumaan na basic taxi, alam ko pag tumawag ka sa kanila may add na 70 pero kung para ka lang, meter lang dapat. anong 70 at meter? 400 hiningi sakn! sabi ko wag nya ako lokohn add 70 lang, mga 150 lang un galing samin papunta airport kung meter. sabi nya ganun daw tlga rate nila kung airport. tapos sabi, o sige 375 na lang para sayo. wow, anlaki ng discount ah, 25?! pero since wala na talagang choice, go na lang ako. pamasko ko na lang sa kanya (sana makarma eheh).
nakarating ako ng airport mga quarter to 6, inisip ko kaya pa to, 45mins naman sabi sa tiket at usually inuubos naman talaga nila ang magchek-in. kaso, holy shet! ang haba ng pila sa labas pa lang ng terminal! anobah, kaya nga maaga kinuha ko para kunti lang tao. pagkapasok na, haay pila na naman sa xray churva tapos yung iba sobrang dami ng dala so ang tagal-tagal. mga almost 6 na nung nsa chek-in pila ako pero sa napaka-kasamaang palad, closed na daw! nagtaka talaga ako kasi confirmed naman yung ticket ko eh, bakit ayaw ako tanggapin? sabi standby na lang sa next flight, mga 8am. eh di pa nga nagboarding ang original flyt ko eh, mga tao nsa terminal fee pa (na sobrang haba din ng pila, actually puno ng tao sa buong terminal). inde talaga ako pinagbigyan, yung mga sinundan ko din pala dineny. tapos akala ko naman yung sabi na standby ay sure in na. hindi pala, ibang tawag sa standby ay “chance passenger” (CP). at alam nyo pang-ilan ako na chance passenger? SIXTY-FIVE! maderpaken sikstipayb! may chance ba yun ha? may ma-le-late kayang 65 na tao sa mga susunod na flights? jusko, imposible. heniway, naghintay pa din ako ksi nsa 22 na naman daw eh, so 43 to go lolz. andaming tao dun sa tambay area at sa mga nabalitaan ko, sabado pa daw yung iba. shox, ibig sabihin na-late lahat ng taong yun? hindi sya normal! bakit naman umabot sa ganun? at ayun sabi nga nila, lahat nagclose ng maaga ang chek-in counter. pakenshet naman pala sila eh! alam nilang andaming tao at ang haba ng pila, hindi pa pinagbigyan? wala talagang konsiderasyon! hindi lang yun, kung chance passenger ka, may additional bayad sa tiket mo. yung sakin, mag-aadd daw ako ng 2.8k+ waah kala ko naman mga hundreds lang. mas mahal pa sya sa one way ticket ko! chance passenger ka na nga, magbabayad ka pa. ang saklap talaga. pero kelangan ko talaga makauwi, magkamatayan man lolz. nagpahanap na ako ng tiket samin kaso fullybooked na din talaga lahat, sa 25 na daw ang may pwede. shox, pasko na yun, panget ng nsa byahe ka sa pasko.
habang nangungulit ako sa counter, may grupo na kumausap sa mga tao dun sa counter. mga CPs din sila, siguro mga studyante yun or yuppies (mga bata pa sila tignan eh). obyus na mga bisaya kasi nahirapan magtagalog (nag-iingles na nga lang hehe) at medyo nagsagutan sila nung taga cebupakenshetcific. yung problema nila ay sasakay pa daw sila ng barko pagdating dun sa cebu so kelangan makahabol or makakuha ng ibang tiket ng barko.
cebupac staff: tinry na po namin tawagan ang sa barko, busy po eh pero ok na po to sir, basta makakarating kayo ng cebu, pirma lang kayo nito.
yuppies: ha? so ganun lang? pagdating namin ng cebu, bahala na ano mangyari samin? what kind of service is this?!
cebupac staff: wala na po kami magagawa sir
yuppies: where’s ur manager? sya dapat humarap samin kasi we know u can’t do anything naman talaga. we understand u pero we’re really frustrated!
cebupac staff: makakarating naman kau, pirma na lang kayo dito
yuppies: no, we can’t sign this. may nakalagay na we can’t complain or sue this company. bakit may waiver?
wow may waiver2x pala, i smell something fishy. kaso hindi ko alam ano ang ending, nagCR ksi ako hehe pagbalik ko wala na sila, baka pinadakip hala hehe. heniway, nagdecide ako maghintay-hintay pa as CP wala naman mawawala, buti na lang may libro akong dala para may magawa. 11am na, nanghingi ako ng update. hala, wala pa din daw! nsa 22 pa rin, wala daw nakapasok na CP sa tatlong flights na dumaan. medyo nainis na ako pero ano ba pwede ko gawin? magwild dun? andami na din kasi nagrereklamo, di na ako nakisali, umupo na lang ako ulit at nakatulog. lolz. may nakilala ako na CP na papunta din cebu, mag-isa din sya so kami na lang nag-usap, in bisaya syempre. nikwento nya nangyari sa kanya, medyo similar sakn. andami din na-late, may nagwawala nga daw sa labas, sumisigaw ng “it’s not our goddamn fault that we’re late!”. at may nakita din syang girl na umiiyak pauwi, naisip namin siguro wala yun pambayad sa pandagdag, kawawa naman
. buti na lang nakilala ko ang CPmate na yun kasi mababaliw ako sa kakahintay mag-isa at baka umuwi na lang dn ako (pero di naman umiiyak lolz). nagkwentuhan na lang kami tapos nag-iisip ng anong pede gawin para makasakay.
naconclude din namin na kaya nagakakaganito kasi nagte-take advantage ang cebupac sa peak season. kung magsara sila ng maaga sa chek-in, syempre yung mga chance passengers ay makakapasok na tapos may additional bayad dba? so may “ginansya” (profit) sila. tapos yung mga na-late ay magiging chance passengers na din at makakabayad na naman ng additional kung makapasok na din. galing naman nila.
nauubusan na kami ng pag-asa, kasi hapon na at wala pa din daw available :(. ang maganda lang na nangyayari ay pakunti ng pakunti ang mga tao, nagcancel na ang iba, di na makapaghintay. kami ay di nag give-up, halatang uwing-uwi na. may napansin nga lang kami, dumadami ang bagong chance passengers, mga plus 20 na mula sakn. hmm, bakit ganun? kung na-late ang mga to, bakit di nakapasok yun mga nsa taas ng list na mga CPs? at ayun nga, may kababalaghan pa lang nangyayari, meron kaming nakitang nag-abot ng tiket at pera nya sa guard. maya-maya, nakapag-chekin na sya. tapos sabi nung iba, may mga tinatawag daw na pangalan eh wala naman sila sa taas ng list. wtf, pati ba naman dito may bayaran? di ba sila naaawa sa mga nauna? alam ko yung CP 1 at 2 ay dalawang araw na dun sa airport at di pa rin nakasakay. binantayan na nga namin at ayun may nakita na naman kami, isang nakabarong na lalaki wid ID ang kumausap sa isang pamilya of CPs at binigay na nga nila mga tikets sa kanya at voila nawala na sila. oh shet, totoo nga. ang unfair, pano na yung mga nauna? kami-kami lang din nagrereklamuhan sa isat-isa, mga duwag eh lolz. pagod na din ako, nkakastress ang maghintay ng walang kasiguraduhan.
last 2 flyts na ng gabi at wala pa din balita, wala na din tao sa airport, kami-kami na lang. tinanong namin ilan na lang naiwan na CPs at pang-12 na daw pala ako haha kasi nagcancel nga ang iba. di ako naniniwala nagcancel lahat, nakasakay na yun. pero at least malapit na, siguro naman kinabukasan pasok na lolz. may nagsabi samin na mahirap maging chance, magtry na lang daw kami magrebook baka may naging available, may iba nagcacancel ng last minute sa booking. pumunta kami sa ticketing ofis, nsa labas pa yun ng terminal. lima kami pumunta dun, nauna yun dalawa mag-asawa at wow may nakuha sila kaso magkahiwalay nga lang sa anak nila. pwede na din bsta makauwi daw. tapos may isang slot na lang sa 5am dec24, naawa naman ako dun sa nakilala ko kasi may work pa daw sya at sobra pinapagalitan na so pinaubaya ko na sa kanya kahit ako nauna sa prio # hehe. nung turn ko na, may 1pm na open pero bigla nawala, buti na lang maya-maya may isang naging available sa 4pm. whew muntik na! at wala pa akong dagdag na babayaran, yung rebooking fee lang na 560. mga kasama ko ay nagbayad ng either 2.8k or 3k. yung last na kasama ay wala ng bakante. ay ang swerte ko naman, last na at mas mura pa, yun nga lang hapon pa, sila umaga mga flight. ok na din, basta andun ako sa pasko. sobrang saya ko kahit drained na, 14hrs ka ba naman sa airport. nagsayang lang ako ng oras at effort tsk. dami ko pa naman dala huhu, bumalik na ako d2 sa apartment, ako lang umuwi, mag-oovernyt na lang sa airport ang iba para sure na di daw late haha yung mga nikwento ko dito ay nikwento ko sa taxi driver, sa guard dun sa lobby at kay anna (dito magpapasko si anna, sya lang mag-isa, wawang bata, may work ksi), sobrang nagalit din sila sa mga pangyayari, sana daw pinagmumura na lang namin mga cebupac staff para mataranta or tumawag kami sa mga news channels lolz at higit sa lahat, wag na daw magcebupacific ever hahaha
nagpapasalamat ako ng madami sa kung sino man na nagcancel ng 4pm flight nya mamaya, i owe u one. salamat din lord, di mo ako pinabayaan
inde man nagkatotoo ang wish ko na may animnapu’t-limang tao ma-late after sakn, sa ibang paraan ka naman tumulong
. 12nn pa lang maya punta na ako airport, wag na wag na nila ako gaguhin, pag di ko na-kayanan, gagamitan ko sila ng powers ko lolz.
2 | alphasensei
Disyembre 24th, 2007 at 7:32 pm
![]()
merry xmas! nasa naughty list ka siguro ni santa noh? ahehehehe
3 | ris
Disyembre 25th, 2007 at 1:41 am
yikes, badtrip nga talaga yun. i have a friend who was stuck there also. sana nakauwi na kayo pareho!
merry christmas!
4 | inin
Disyembre 26th, 2007 at 10:52 am
ano ba yan lola…kaasar super. kng ako yan nagwarla na ako, nagiiyak, nagsisigaw at lahat dun sa airport. sana’y nakauwi ka at merry pa rin ang Christmas…:)
ate, napunta sa spam comments ang comment mo ahehe, ngayong gabi ko lng napansin
may bug sya! haha haay oo nga muntik na din ako nagwarla pero inde na din masasayang lang
nakauwi naman ako at merry naman xmas ahehe sana kaw din (with ur fat paycheck haha
)
5 | repah
Disyembre 26th, 2007 at 4:27 pm
![]()
… NAKU ANU LNG YAN…gift ni santa sa iyo.. mga embarassing moment para di mo xa. maforgot… hehehe.. merry xmas..
7 | lilmiz
Disyembre 26th, 2007 at 9:03 pm
![]()
meri krismas sa inyo lahat din! ahehe
@ris
yep nakauwi naman ako, tamang tama lang christmas eve
@repah
wahaha sama naman ni santa
@def
yep sinabi mo pa. dito yata nila binabawi yung sa piso fares hehe panget talaga service nila eh, kasi mura.. kung mayaman lang ako di ko papatulan mga promo nila haha
8 | gasti
Disyembre 27th, 2007 at 9:44 am
![]()
potek! walang patawad! ginamit ang kapaskuhan paar makadilihensya ng pera…merry xmas na lang sayo! mabuti na lamang at nakauwi ka pa rin ng cebu nung pasko.
oo nga, bad nila
.. tnx kuya! ayy di na pala ako dapat magkuya sayo, kala ko ksi dati magkalayo tayo ng age, kaka25 mo lang pala haha haberdey ulit
![]()
9 | jeckyll27
Disyembre 27th, 2007 at 3:49 pm
![]()
wahahaha..ang saya. buti na lang hindi ko naranasan yan nung sumakay ako ng cebupak(shit)…hehehehe
ahehe buti na lang.. over sila talaga dat time.. madaming beses na din naman ako nakasakay, natanggap ko na yung walang snax at bumpy na sakay pero yan, sobra sobrang parusa.. gawa na lang kaya ako ng sariling airlines hehe
10 | Pey
![]()
what a real nightmare…in the morning at that!
you may want to read about our experience too with cebu pacific (or pakshit hehehe) in my blog: http://peycanlas.wordpress.com/
down with capitalist greed! hehehe
- pey
hey pey! yup, ’twas really traumatic
.. just read ur blog, i never thought it has happened before. freakin capitalist pigs!!
11 | Ryan
Pebrero 19th, 2008 at 11:18 am
![]()
That’s weird, I’ve never had trouble with cebu pacific in all the flights I’ve taken with them. That sucks, hopefully it doesn’t happen again.
good for u
that was the first time i experienced it.. well yup, hopefully won’t happen again or else.. hehe
![]()
12 | Yuki-jane
2ngkol prin sa chzmAz cOmmEnt niO Ah
ha? spam ka ba? lolz..
13 | respe
Setyembre 2nd, 2008 at 11:39 am
OMG sana di ku yun maexperience huhuh
kaya i built this site
http://wehatecebupacific.webs.com
visit kayu ha
Mga nag-react