Posted by: lilmiz on: Disyembre 26, 2007
naenjoy nyo naman ang pasko nyo? ahehe sana nga. huli na ang greeting ko pero better huli than wala
MERRY CHRISTMAS!
mabuti na lang at nakauwi ako matapos yung airport nightmare na yun, worst talaga sya pero over na ako ahehe masaya talaga ang pasko pag kasama ang pamilya noh? kahit mga weirdo to mga kapamilya ko, ok lang.. kasi ako din naman (san pa ba ako magmamana dba? haha). sa mga mag-isa lang sa pasko, ok lang yan guys, madami pang chances na makakasama family nyo
last yr, di din ako umuwi, pinakaunang pasko yun na di kasama pamilya, medyo malungkot nga pero medyo lang haha buti at may kasama ako, yung ex-roomie ko na di rin umuwi. ayun, binisita na lang namin ibang friendships at nakikain sa bahay nila haha tapos nung new yr, pumunta kami sa countdown jan sa may ayala corner paseo, masaya din so kung wala kayo magawa, yun na lang gawin nyo
anyway, pagkauwi ko dito sa bahay, may bagong puppy na sumalubong sakin. nakabuntis pala ang abnormal naming aso. tatlo ang anak, binigay samin ang isa kasi di daw kaya buhayin ng bitch nilang nanay lahat ahaha kaya tuwang-tuwa ako kasi may mapaglalaruan na naman. yung aso namin ay abnormal talaga kasi minsan lang nagsasalita lolz kaya nakakatakot na pag nag-bark na sya kasi ibig sabhn may nakikita syang mumu lolz tsaka yung ipin kasi nya sa baba nakalabas kaya tinatawag kong abnormal pero lab ko sya. namimiss ko lagi to, mas namimiss ko pa sya kesa sa mga tao dito ahaha eto sya:
pangalan nya ay neo.. coz he’s the one! wahaha kapatid ko lng nagpangalan, idol siguro nya si mr. anderson (diba bakla yun
). bigay lng yan nung friend ng nanay ko, ewan ko anong breed nya, half-askal half-something wahaha simula nung dumating ang puppy, di na sya masyado napapansin kasi may mas kyut na sa kanya, wawa nga eh, feeling ko nagtatampo ahehe. eto ang anak nya:
hirap piktyuran, ang likot eh. mga isang buwan pa lang sya, pero nung weekend lang daw dinala dito. ang kyut kyut talaga, parang stuff toy na gumagalaw ahehe sana wag na sya lumaki lolz. mukhang inde naman sya abnormal pero anlakas kumain. kahit laki na ng tyan, kain pa din. ang kulit pa, sinusundan nya tatay nya at kinakagat yung buntot, nagtatago na nga lang si neo, natatakot sa liit nyang yan haha. haay, sarap dalhin sa maynila pero di sya mabubuhay dun, mapapabayaan ko lang. tsaka bawal din pala pets sa apartment
wala pa syang matinong pangalan, kung anu-ano tinatawag nila, nalilito na siguro sya heheh. hmm, ano kaya magandang name..
Belated Merry Christmas din! Wow aso, ayoko ng aso. o kahit na anong hayop. pero cute yung puppy mo.
thanks
bakit ayaw mo ng hayop? ahehe ako, ayaw ko mag-alaga, gusto ko lang may mapaglaruan
![]()
Disyembre 26, 2007 Sa 11:12 hapon
belated christmas greetings din! ako nga rin di pa nakapag libot sa mga blogs na pinupuntahan ko, to greet.
cute ng puppy. i’m considering getting one, too. yung kaya lang dito sa bahay, maliit lang ang space. a vet friend recommends a min pin.