Posted by: lilmiz on: Disyembre 29, 2007
iisa lang kapatid ko haha nag-agawan kasi kami sa internet kanina, magchachat daw sila ng nobya nya lolz eh parang galing lang sya sa pakikipagkita dun at may txt/landline naman so bakit kelangan mag chat pa tsktsk tsaka may kelangan lang din talaga akong gawin sa work.. medyo nakonsensya naman ako kaya eto gagawan ko sya ng entry
mas bata sya sakin ng tatlong taon. andami naming pinagkaiba pero sobrang close kami dati, wala kasi akong choice hehe kahit anong pilit namin sa nanay at tatay na gumawa pa ng ibang mga kapatid (gusto ko girl tapos si bro gusto lalaki), eh ayaw talaga nila, mahal daw kasi. at isa pa, ang gulo at ingay na ng bahay kahit dalawa lang kami, ano na daw kaya kung dadagdagan pa. hmp. kaya ayun, pinagtiisan ko na lang sya. nung mga bata pa kami, walang araw na di kami nag-aaway, wala na akong maalalang dahilan sa mga pinag-ugatan ng away pero in da end nagkakabati din naman. daming beses kami napagalitan dahil hindi magkasundo. kahit nakaluhod na sa asin, nakadipa habang may mga libro sa kamay, nag-aaway pa din kami, nagsisisihan lolz ansaya nun. may pagkakataon na nagiging pisikal din ang away, suntukan o batuhan ng kung anu-ano, hanggang sa may umiyak (kadalasan ako hehe). mas napapagalitan nga lang din ako kasi daw ako ang ate so dapat intindihin ko sya. BS! ayaw pa sabihin na mas paborito nila sya lolz hindi naman ata talaga nawawala ang awayan sa magkapatid pero ang importante ay nagdadamayan sa oras ng pangangailangan ahehe kung kelangan nya ng tulong sa school, tinutulungan ko sya basta may bayad haha pag may nililigawan sya nagpapatulong din sakn, parang ako na nga nanliligaw eh ahaha at sya din sakin. nakakamiss ang mga araw na yun. syempre medyo iba na pag malaki na kayo pero close pa din naman
eto kami nung nakatapos ako ng elementarya:
mas matangkad pa ako sa kanya dyan pero ngayon baliktad na, di ko na sya mareach sa tangkad, kainis. feeling ko, di na ako tumangkad since nikuha ang pic na to. lolz.
nung nagwowork na ako, minsan ko lang sya nakakausap kaya di na ako masyado updated sa buhay nya. yun ang mahirap pag nasa malayo tsk. tuwing umuuwi ako, sinasabi nya sakin na dito na lang daw ako magtrabaho, madami naman mahahanap dito. sagot ko naman, “wala ka lang mapagtanungan sa mga assignments mo eh” hehehe pero sa totoo, namimiss lang ako nun, di lang nya masabi ahahah. kanina, nauto ko syang gayahin ang zoolander pose
kuha ba nya? para lang syang nananakot na holdaper sa kanto eh haha sana lang di nya malaman na nipost ko dito ang pic nya lolz at least sisikat na sya
maghello kayo sa kanya pag nakita nyo ha hehehe .. ang pose pala na yan ay ang official pose ng team ko sa office, required na dapat marunong ka, di ka “in” kung di magaya nyahaha. ang hirap kaya, try nyo pa
tapos send nyo sakin heheh
sa kapatid ko, sana gumradweyt ka na dong. parang antagal mo na sa kurso mong yan. maawa ka naman sakin heheh hindi madali ang maglakwatsa magtrabaho. pero lab pa rin naman kita kahit sobra kang pasaway (san ka kaya nagmana? wehehe)
1 | defpotec
Disyembre 29th, 2007 at 10:05 am
![]()
OT: type ko mata mo, mapungay!
tenks! inde naman masyadong malaki noh.. aheheh
4 | lilmiz
Disyembre 29th, 2007 at 11:30 pm
![]()
@mylabs
*sniff sinff* .. lolz
@linglingbells
yup ganun daw talaga ahehe mas ok na din kesa di nagpapansinan ano hehe ![]()
5 | mydz
Disyembre 31st, 2007 at 12:41 am
uu talagang ganon kasi walang spice sa family kung walang away
trulalu
![]()
6 | randomdemeanor
![]()
wahahaha…natawa ako dun sa pose ng kapatid mo!!! ..wid matsing panyo on the forehead pa ha!!! parang gayang-gaya!!!
wokei na yang ganyang klaseng kapatid..kahit papano may kwenta..di tulad ng kuya ko..lolz!!!
yes, feel na feel ng mokong ahahaha.. uto-uto yan eh!
.. wag ka namang ganyan sa kuya mo, baka may kwenta yun, di pa lang nya pinapakita aheheh
![]()
Mga nag-react