Posted by: lilmiz on: Disyembre 31, 2007
medyo nadisturb ako sa isang post na nabasa ko. nagrereklamo daw si sen. aquilino pimentel jr dun sa isang linya sa pelikulang Sakal, Sakali, Saklolo.
Lola to yaya: ‘Bakit pinapalaki ninyong Bisaya ang apo ko?’
Mom to yaya: Speak to kid in Tagalog ‘para Pinoy’.
magrereact ako kahit di ko pa napapanood ang movie. blog ko toh, walang pakialamanan lolz. gusto kong isipin na mali lang ang pagkaphrase nung linya ni judy ann or baka may ibang ibig sabihin lang. hindi ako galit kasi pelikula lang naman yan pero pano na yung mga nanood nito na nagpapaniwala sa mga kalokohan sa pelikula? at ang mga bata? maiisip kaya nila na “ay so hindi pala pinoy yung mga bisaya.. tutuksuhin ko ang mga inday at dudong, hindi kami magkalahi ahaha“. sana hindi naman. bakit kasi may karugtong pang “para pinoy” yung linyang yan, pwede namang “speak to kid in tagalog” lang period. oh well, andyan na din kasi, sana lang inde na pinalaki ang isyu. kung ako lang nakapansin, matatawa lang siguro ako na nagkamali sila, malamang ishashare ko sa mga friends pero hindi naman ako magpapapresscon at manawagang ikorek sya lolz. oh ayan, senator, lalo tuloy gumulo.
understandable ang pagkakaron ng ibat-ibang kultura at madaming dialects sa bansa natin, watak-watak kasi our islands (archipelago ba) pero pinoy tayong lahat, ano ba. alangan namang kano kami? o baka aprikan? lolz. kaso na-aassume lang talaga na pinoy/filipino equals tagalog. siguro kasi nsa luzon ang capital natin at yung national language natin na “filipino” ay mostly composed of tagalog words. ayoko ng mag-explain masyado (kasi wala na ako ma-explain ahehe) basta tanggapin na lang natin na ganun talaga. hindi ma-aavoid ang pagkaroon ng pagkakaiba.. dito nga lang sa cebu, habang palayo ka ng palayo sa city, paweirdo ng paweirdo ang salita ng mga tao lolz. ang boring din naman kung pare-pareho lahat diba. pero kahit san mapadpad ang mga pinoy, makikilala at makilala natin ang isat-isa kahit sang lupalop pa tayo ng pinas nang-galing.
anlayo na ng narating ng kwento ko..at inde pa ako tapos haha nagwowonder lang ako, ano kaya ang tingin ng mga tagalog sa mga bisaya? kasi ako, honestly, galit ako dati sa mga tagalog. dati lang naman ahehe. feeling ko kasi nang-aapi sila, base sa mga napapanood sa tv. tapos nakakairita pakinggan yung mga tagalog na naliligaw d2 sa kabisayaan, tagalog ng tagalog haha eh kung kami napapadpad sa maynila hindi naman kami nagbibisaya sa inyo ah wahaha again, dati lang yun, nung bata pa ako
naalala ko nung bagong salta pa lang ako sa maynila. lagi ako napagtatawanan dahil sa kakaibang “accent” ko lolz. at andaming words na hirap itranslate to tagalog kaya minsan nahahaluan na lang ng bisaya o english. yung ibang nahihirapan magtagalog, pure english na lang. ako hindi, dyahe mag-ingles eh, kasi yun isasagot ng kausap mo tagalog lang din naman lolz. may mga words pa na iba pagkapronouce sa tagalog, tulad na lang ng mga may “dle” sa dulo. noodles ay nudels pala dapat, circle ay sirkel, etc.. so yung apple ay apel? haha
yung cover daw ay kover pala (kaver kasi alam ko), seconds ay sekonds, font ay font, confirm ay konfiyrm at madami pang iba. naweirduhan ako sa simula pero nasanay na lang din katagalan hehe. nakakainis lang pag pinupuna talaga na mali ako hmp. pero sa ngayon, nakikitawa na lang ako ahehe (although, di ko pa rin nasasabi ang “nudels” , “papsikel” at lahat ng yan hanggang ngayon
). para sakin kasi ako ang tama pero kelangan makisama kasi di ko naman teritoryo dyan ahaha
kung mga tagalog naman pumunta dito, sila naman pagtatawanan lolz
sa halos apat na taon kong pakikipagsalamuha sa mga tagalog, masasabi kong wala naman talaga silang pinagkaiba sa ugali naming mga bisaya. friendly, matulungin, mabait at masayahin din naman sila (charing! hehe). syempre may mga kaiinisan kang tao pero di naman mawawala yun kahit san parte ng mundo ka pa magpunta lolz. kung marunong lang din magbisaya ang mga tagalog, eh iisipin ko na nsa probinsya ko lang ako lolz kaya nga at home pa din feeling ko with the tagalogs
sana ganun din feeling nila samin.. teehee
.. ahh basta, mahal ko pa din kayong lahat! ![]()
1 | kengkay
Disyembre 31st, 2007 at 6:25 am
![]()
ang pagiging pinoy ay asa puso at isip, wala sa salita
nanay ko bisaya din.. happy new year!
tama
api nuyir mamakengkz!!
![]()
2 | Abad
Disyembre 31st, 2007 at 7:18 am
Naalala ko naman sa isang comment box ng mataong blog dati, pinagpipilitan ng isang tao na huwag daw apihin ang mga bisaya dahil mas marami daw bisaya kaysa sa pilipino. Pinanliwanagan ko na ang mga bisaya ay pinoy din kaya hindi niya yun pwedeng sabihin, baka kako ang ibig niyang sabihin ay mas maraming bisaya kaysa tagalog. Ayaw pa rin pumayag, minura lang ako. haha. Baka nga maraming nalilito sa konseptong yun at inuugnay lang nila ang salitang pinoy sa mga tagalog.
ahaha kulit naman nya. sya na nga mali lolz. pabayaan na lang natin sila, hirap paliwanagan ang taong masyadong sarado utak haha basta tayo alam natin kung ano ang totoo
![]()
Madalas nga pagtawanan sa maynila ang mga may accent. lalo na pag bisaya. ewan ko kung bakit.
ganun siguro kapag iba sa pandinig nila tsaka sa TV din kasi pinagtitripan mga bisaya kaya akala ng iba na ok lang pati sa totoong buhay hahaha api nuyir abad!
![]()
3 | Lenggai
Disyembre 31st, 2007 at 11:33 am
![]()
Sori ha, pero ang stupid ng linyang yun… tama nga friend ko, sayang pera sa pelikulang yun dahil maraming kakainis na eksena…
Masyadong “perpekto” mga writer nyan, hmp! Antayin ko na lang sa cable…
ok lang ate, stupid naman talaga wahaha ako din, antayin ko sa cable, sana wag icut ang part na yun
api nuyir!
![]()
4 | Banana
Disyembre 31st, 2007 at 11:36 am
![]()
anong bansa pala kami sa visayan region? germany? US? UK? ay sarap! may snow kami kayo wala, bleh!
happy new year!
ahahah sana totoong may isnow nga no
api nuyir!!
![]()
5 | Maldito
Disyembre 31st, 2007 at 5:08 pm
![]()
ahahaa/…ok lang yun bhe…mahal parin kita kahit nasa manila ka tapos ako sa cebu….gugmang giatay!lols….pabyaan mo na…mamatay din yung nagsulat..labs you bhe!
ahaha gihigugma ko sad ikaw bhe.. waah hahah
![]()
6 | eNocH
Disyembre 31st, 2007 at 5:58 pm
![]()
Tagalog/Filipino kasi ang pambansang wika natin eh, hindi bisaya! baka yun siguro ibig iparating ng nagsulat.
pwede rin hehe pero sa pagkakaalam ko ang filipino na pambansang wika ay hindi lang composed of tagalog words, may mga bisaya at ibang dialects pa ahehe, majority tagalog nga lang
anyway, wala yan hehehe happy new year!
![]()
7 | dhez
Disyembre 31st, 2007 at 7:34 pm
![]()
ayyayay Lilmiz, bsta kahit anong salita pa yan.. ang mahalaga mahal mo ang pagka pinoy mo, oks na un!
HAppy New YeAr syo!!
agree! ehehe.. happy new year din sis dhez! *beso beso*
![]()
8 | jeckyll27
![]()
hahaha..bisaya ako pero hindi ako marunong magsalita ng bisdak. nung pumunta ako sa cebu, outcast ako kasi naiintindihan nila yung tagalog ko, pero pag sila na nagbiruan ng bisaya, di ko na ma-gets. pahiya talaga ako noon. may mga tao (pertaining to the script writer ng movie)lang talaga na hindi marunong magpahalaga sa damdamin ng iba. sunugin na ang betlogs ng mga yan..hahaha..*peace*
ahaha wawa ka naman
oo dapat sunugin betlogs nila lolz ay pano pala kung babae, sunugin ang tooot~! ahahah
9 | camilleeee
talagang magrere-ak ako dto ahehe.
sunugin ang buhok nung writer na yun tas kurutin sa gilagid!! at kurutin din sa singit ng pagka pino-pino (ingat baka may madamay’ng iba)
aba’y sayang naman pagka writer nya kung ganun lng din laman ng kukote nya.
inahak jud sya! haha
being a ‘bisaya’ doesnt make anyone less of a person. sa totoo lang ha, ’sweet’ ang mga ‘bisaya’. (lilmis, kasama tayo dun, yey!)
inahak pa sa tanang inahak! bwahaha
yep, so true, sweet tayo! hahah at kyut pa hahah
![]()
10 | camilleeee
![]()
korek..
at least tayong mga ‘bisaya’ nkakaintindi ng tagalog.. eh yung ugok na writer na yun (i pressume ‘tagalog’ sya) mkakaintindi kaya sya pag minura natin sya sa wikang bisaya?!
waaahhhh halata na atang na haybald nko sa writer na yun ![]()
Mga nag-react