Posted by: lilmiz on: Enero 6, 2008
ako daw. sabi nila
. ewan ko ba, kapag may nagkukwento kasi sakin tungkol sa trabaho, lagi ko natatanong ay “magkano?”. di ko alam bakit, automatic lang sya lolz.
friend1: inofferan ako ng magandang posisyon sa company xyz
me: magkano?
friend1: secret
me: ang arte mo naman, ayaw pa ishare. di na tayo friends.
~~~
friend2: nakausap ko na si boss
me: magkano?
friend2: sira! iba pinag-usapan namin. hindi increase. asa pa tayo
~~~
boss: lilmiz, gawin mo nga to, bukas ang deadline
me: magkano? .. ayy sorry, kaw pala yan boss, hehe joke lang yun.. sige po gawin ko, maya tapos na.. gusto nyo pagtimpla ko kayo ng kape?
wala naman masama dun, right? curious lang ako. hindi naman sa yun lang lagi ko iniisip.. pero sa totoo, importante talaga sya sakin waheheh. merong iba na walang pakialam dun, parang basta masaya lang sa work or maganda ang career (pwera sweldo), ok na. mayaman kasi sila, walang problema sa pera. yung tipong kahit di siguro magtrabaho, mabubuhay pa din. tulad na lang eto isa ko na opismeyt:
opismeyt: ang objective ko is my personal growth. the longer I can stay or survive, the more it will speak for me and someday, may opportunity na darating and thats the time to move on siguro..kaya kahit hirap na ako, i just think that its an investment na I can cash in 2-3 years from now.
me: wow, that’s a lot of bulshet! ahh.. nice
.. ako kasi financial growth kelangan ko
haayz hindi na ba pwede ma-achive both personal and financial? gusto ko talaga ang kompanya ko ngayon, daming benefits at madami din naman ako natututunan pero bakit ganun lang ang bonus namin?!? bakit?! wtf. ganda-ganda ng kompanya pero tinitipid yung mga empleyado sa bonus. fine, di nyo naabot ang target profit nyo pero kasalanan ko ba yun? ginawa ko ng tama ang trabaho ko, sobra-sobra pa nga. kinarir ko masyado ang trabaho to the point na hindi ako nakakatulog hanggat di ko nababasa ang sandamakmak na emails na yan. kahit off ko, kahit nga tulog, eh iniistorbo ako sa mga isyu na kaya naman nila ayusin (libre yun, dahil mahal ko mga temeyts ko).. tapos yun lang?! pucha. pagbinili ko ng alak yun, di pa nga ako malalasing eh! nag-abala pa kayo, ako na lang magbibigay sa inyo ng “bonus” na yun. natuwa pa ako kasi mataas rating na binigay sakin, ibig sabihin narecognize mga pinaghirapan ko. nung sinabi ilang percent, di pa nagregister na sobrang liit pala. pagkatapos na nung pag-uusap namin ni boss ko nicompute. at pakenshet, ang liit nga! ganun din ang iba, kaya nawalan kaming gana magtrabaho after nun. di lahat makapaniwala, napuno ng mura ang conference namin lolz. dahil sa sobrang depressed, nagpakamatay na lang ako nag-icecream na lang kami nung frend ko. shet, ansakit talaga, inaabangan namin lahat yun kasi akala namin dun na mababawi ang mga napaghirapan namin. kami kaya ang pinaka-overworked na team, overworked na underpaid pa! dami ko plano sana sa perang yun pero naglaho na lahat huhu. sa susunod na buwan naman ay sasabihin na ang increase, di na ako umaasa nun. pero kung sobrang baba sya, wala na, ihahanda ko na resume ko habang maaga lolz sana lang kaya ko iwan mga mahal ko na temeyts, convince ko na lang silang umalis din no para sabay kami lahat hehe
ayan, nalabas ko din d2 saloobin ko haha last na to kasi napagod na ako sa kakareklamo at kakamura lolz, eh wala din namang mangyayari. susunod ko namang problema ay san ako pupunta. meron ba kayong opening ng katulong or yaya dyan? ahehe
Ako din mukhan pera, hindi ka nagiisa.
salamat. di ko akalain mukha ka ding pera
![]()
dear lilmiz,
dont you worris, im also ninoy face. but i like is dollar more.
hear always but sometimes,
utoy on the block
pano yan pababa ng pababa value ng dollar ahehe
yey! madami na tayo mukhang pera.. salamat haha
ate, alam mo namang mukhang pera ako. at ganun din ang nangyari sa kin nung dec. ayun, lumipad na tuloy ang resume ko kng san san. aside from the super baba na bonus, umalis din sa F-. yan tuloy. hehe
inde nga? pero twice a yr na kayo eh. baka kaya ka naliitan dahil hinati na heheh. wala na kasi si F, yun yun eh ahehe hirap nga lang maghanap ng mas maganda noh
ako
Enero 6, 2008 Sa 2:51 umaga
hay ako din, hirap na hirap pag usapan basta kadatungan na e yon naman talaga ang pakay ko kaya ako mag ta trabaho… there’s a subtle way of asking for a raise. kaya lang wag ako tanungin mo, kasi masunurin si kengkoy. hindi ko na kailangan humingi ng raise, mag raise lang ako ng voice e bibigay na agad yon, ahahaha