Sayt ni LilMisPasaway

kung anu-ano lang ba

Posted by: lilmiz on: Enero 7, 2008

babala: walang ka sense-sense ang entry na to. ganito talaga ako magkwento, magulo :D

tatlong araw pa lang mula nung huli ko nakita pamilya ko pero namimiss ko na sila. lalo na ang bagong tuta namin ahehe. namiss ko ang kakulitan nya :cry: ako pa naman ang paborito nyang kalaro, sana namimiss din nya ako wahehe. kelan kaya ako sunod makakauwi? bakit ba kasi ako andito? kapagod na magtrabaho, burned out na ako. hmm, i feel an early 20’s crisis on the way. haha na naman, parang nung unang taon nagkacrisis-crisis din ako, yearly ata to. pero wag muna kayo umalis kasi inde naman ako magdadrama ngayon :D . parang puro nsa pakshet category na rin kasi yun recent posts ko, pansin nyo? :P not good noh ahehe.

wat if isang araw pag-gising mo, wala kang maalala? as in wala. ano gagawin mo? tapos nalaman mo pa na isa kang masamang tao (inde naman kriminal, yung biyatch lang). na ilang taon mo na inde kinakausap mga magulang mo. na niloko mo ang boypren mo at nakipagrelasyon ka sa lalaking may asawa na? hindi pa naman nangyari sakin yan heheh pero ayan ang gist nung kwento ng bago ko na namang kinalolokohang tv show, ang “Samantha Who?“. mga bida sina christina applegate at barry watson (yung kuya sa 7th heaven, di na sya sing-gwapo as dati). gusto ko din pala ang gossip girl at bionic woman pero di sila nakakatawa tulad ng samantha who, puro tsismis (gossip girl) at aksyon (bionic woman) kasi mga yun. balik sa samantha who, ayaw ni sam yung dati nyang pagkatao kaya lahat ng kasamaan na nagawa ay sinisisi nya na lang sa dating sam, ginagamit nyang palusot ang pagkakaron ng amnesia. parang ang unfair ng ganun noh? halimbawa, ikaw yung boypren na niloko nya, dahil sa wala naman syang maalala so inde mo sya ma-aaway o magagantihan. kaya parang automatic na wala syang kasalanan sa mga nagawa nyang kasalanan. saya hehe. ang downside lang nun eh pati mga magagandang bagay ay nakalimutan din nya, tulad ng pag-do the deed wahaha. basta maganda ang series na to, mababaw lang at nakakatuwa, may unti din drama.. pero may makukuhang leksyones :) .. nood kayo ;)

may away pala ang GMA at ABS-CBN? kanina lang ako nakanood ng matino ng tv at nalaman ko na lang na nagdedemandahan na pala sila. nubayan, simula pa lang ng taon, war na agad hehe wala ako papanigan (as if importante ang opinyon ko hahah) basta eksayted ako sa mga bagong aabangang palabas ng dalawang network, parang madaming maganda :D . sana lang masundan ko mga yun dba. kadalasan, yung una at huling episodes lang sure ko napapanood eh aheheh. at sana din maayos na yun isyu nila sa ratings. wag na kasi mag-away, pareho naman silang sinusubaybayan ng mga tao. sige kayo, baka sa RPN at IBC na lang kami manood ahaha anong channels nga sila sa sky? lolz. ay naku yang skycable na yan, tinaggal yung jacktv. waah san na napunta? pano na ako makakanood ng madTV, southpark atbp nyan? :(

eto na naman ako sa sakit ko, inde nakakatulog hangga’t walang araw, gising na gising pa din ako kahit mag-alas kwatro na amp. siguro bampira ako sa aking previous life. buti na lang wala ako pasok maya ahehe. pero gusto ko sana gumawa ng something productive eh, yung walang kinalaman sa kompyuter (tanggal na ang pagbablog) at yung walang gastos (di na rin pede ang shopping) at yung magagamit buong katawan ko (tanggal na din ang nood ng tv o dvd). so ang pwede na lang ay.. no hindi yan iniisip nyo, u dirty pipol ahehe.. sports! baka magjogging ako sa highway o lumangoy sa pasig river lolz or kung may maayang magbadminton. sana lang wag ako tamarin na naman. iniisip ko pa nga lang tinatamad na ako. argh. i hate being tamad. :x

11 Responses to "kung anu-ano lang ba"

1 | jeckyll27

Enero 7th, 2008 at 9:20 am

ayos yan. wala akong mahilang magbabadminton eh..sama ako!

wala din ako makaladkad ngayon waah bukas na lang daw ampft. tapos sarado ang pede pagjoggingan o languyan grr. kaya eto balik sa mundo ng blog wahahah kainiz

2 | YouAreYou

Enero 7th, 2008 at 10:33 am

abangan mo yung patayin sa sindak si barbara sa ch.2.. papanoorin namin yun ni kuya eh, aabangan namin yung ending kung mamamatay nga si barbara ng dahil sa sindak! nyahaha! :D

ahaha onga noh! parang nigaya lang din nila yun la vendetta ng gma. baka pass ako nyan, matakutin ako weh haha pero kung may kasama manood, oki lang :D . parang maganda yung kungfu kids, galing mag-act nung bata, nakakaawa talaga sya at nakakainis si wawi wahaha.. papanoorin ko din yung palos, dahil lang sa andun si fafa jake cuenca ahahah.. yung ke angel at piolo naman, gusto ko malaman bakit before sya naging lobo may damit sya tapos pag nagtransform sya from lobo to tao eh hubo’t hubad na sya nyahaha..

3 | iceyelo

Enero 7th, 2008 at 11:31 am

maniwala ka sa network wars. pampataas pa rin ng rating yun. hehehe

hahaha pagalingan ng pagkuha ng sympathy ng tao amp. nililipat ko nga sa ibang channel pag pinapalabas na nila yun eh ahehe

4 | repah

Enero 7th, 2008 at 12:50 pm

ako rin ayokong maging tamad pero ang satap nyang maging libangan.. hehehe..dti rin parang bampira ako.. kc ganyan rin yung mata ko di mkatulog.. ginawa ko nagbibilang ako ng tupa.. para mabilis..

korek, sarap talaga.. tignan mo ako ngayon waa andito na naman imbes na mag-iisports haayz. gusto ko din sana magbilang ng tupa kaso tinatamad ako hahah kaya intay lang talaga dumating si antok wahehehe

5 | Kiko Matsing

Enero 8th, 2008 at 7:19 am

Subukan mo rin magtennis para laro tayo pag-uwi ko! Hehe!
Nababasa ko nga dito sa internet yung awayan ng gma at abs-cbn. Sana tigilan na nila yun at pagandahin na lang nila lalo ang mga shows nila.

6 | Lenggai

Enero 8th, 2008 at 8:52 am

oo nga. sana tigilan na nila yan! paking network pipol!

7 | Raymond Lee Quijano

Enero 8th, 2008 at 9:44 am

tsk… wala ngang kwenta yung post. ^_^

kidding aside, yung war between those two network is a good thing na rin. at least, nagkakalabasan na sila ng sama ng loob. hehe

8 | MisyeL

Enero 8th, 2008 at 12:51 pm

naku pareho tayo, lately umaga na kung makatulog ako… gusto ko man maagang matulog, di naman ako makatulog ano ba yun!

9 | kengkay

Enero 8th, 2008 at 9:33 pm

halika dito, mag chiki chiki bang tayong dalawa, ahahaha

10 | lilmiz

Enero 8th, 2008 at 10:20 pm

@kuya kikz
mahirap tennis, bigat ng raketa :( ahehe sana nag-aral din ako nyan dati noh. baka naging ala-maria sharapova ako haha asa :D agree ako sa opinyon mo re network war ahehe

@ate lenggai
nyahaha. churi po :P

@raymond (di ko sure kung kuya kita or ate.. mo ako hehe :P )
sana sila na lang mag-usap-usap ba, sabihan na lang tayo after kung ayus na haha

@misyel
bakasyon hangover ata to haha. sana bakasyon ulit :D

@ate kengkz
ahaha chiki-chiki bang is a bagolbam! :D … sinira ko na talaga haha..

11 | linglingbells

Enero 11th, 2008 at 9:46 pm

san pinapalabas yung samantha who? parang maganda..

sa fanpop ko lang pinapanood :D search mo lang dun “samantha who episode [episode number]” hehehe nice nga :D

Comment Form

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)