Posted by: lilmiz on: Enero 8, 2008
isa..dalawa..tatlo..kaya ko pa..lima..anim..shet parang mamatay na yata ako..labing-isa..labing-dalawa..ahhhh air!! *enheyl ng madaming air* .. tapos tsaka ko napansin na malayo pa pala ako. wtf. nasa gitna pa rin ng pool waaah. oh mehn, nauubusan na ako ng hangin. mag-dalawang bilang na nga lang ako. isa-dalawa-enheyl (repeat multiple times) ahaha. ayun, sa wakas nakapag-langoy din ako kanina yey.
nagising ako ng tanghali dahil dumating na si b2 galing sa bakasyon nya (kung di sya dumating, di ako magigising haha. ang tamaadd!!). nakipagchikahan unti, tapos lumabas na ako ng bahay ng walang ligo (maliligo ako sa pool eh, tapos ligo na naman pagka-uwi.andaming ligo, sayang sa tubig wehehe). pagdating ko sa sports complex, may mga tao sa oval at parang may mga crew ng abs, siguro may nishoshoot sila. gusto ko sana umekstra pero dalawang oras na lang at magsasara na yung pool kaya sorry na lang sila heheh. pumunta na ako sa pool, bwisit andaming tao, akala ko masosolo ko sya. may nagta-training na mga totoong swimmers tapos meron naman mga koreans na nagpapaturo magswim. buti may isang lane sa gitna na walang tao. so ayun langoy-langoy, ansarap! 48yrs na ksi ako inde nakalangoy ng ganito, nakaka-beach nga ako pero inde naman paglalangoy pinupunta dun hehe. kaso andaming istorbo pakshet. una, yung mga koreano, tumatawawid-tawid across sa pool at naglalaro kaya napapahinto ako sa kalagitnaan para padaanin sila. anubayan, pangpropesyonal to na pool, lumangoy kayo ng maayos sa tamang direksyon! sa awa ng diyos, umalis na din sila hehe. yung sunod naman na istorbo ay yung dalawang lalake na nakishare sa lane ko. ako nauna dun eh, wala sanang agawan mga pre! ayoko makishare kasi mabagal ako lumangoy bwahaha papunta pa lang ako, sila ay nakapunta at nakabalik na. tapos kelangan umiwas-iwas kasi magkakabangga-an amp. nabangga nga talaga ako ng isang beses, ambilis lumangoy nung tao dahil may something sya sa kamay nya (ano nga tawag nun, basta yung pan-training ata), di ko namalayan nsa likod na pala sya at natamaan ako nung something sa kamay nya. aray, masakit yun ha. nagsorry naman sya pero dapat umiwas sya noh, kita naman nyang mabagal un nsa unahan hehe. mga lampas isang oras din ako dun, walang pahinga-pahinga, sayang din ang 40pesos na entrance fee wahehe. kaya ngayon, nararamdaman ko na ang sobrang pagod waaahh. shet, may pasok pa naman ako bukas, alas syete lang naman ng umaga. gisingin nyo ako plis!
etong paglalangoy ang kaisa-isang talent (kung talent man sya) na alam ko. sa madaming pina-aral sakin dati nung bata pa (kasali na ryan gymnastics, karate, ballet, pati nga singing haha) eto lang ang naiwan
tapos di ko pa nadedevelop talaga, nakakapagod sya in fairness ha hehe. buti nga kahit matagal ko syang di nagagawa, marunong pa din ako
ang di ko lang talaga alam ay pano magligtas pag may nalulunod. ewan ko ba, di ata ako nakinig nung tinuro samin dati. naalala ko lang ay hilahin daw yung buhok hahah. kaya pag may nagsasabi na sakin sasama sa languyan, sagot ko ay “naku magsosorry na ako ngayon pa lang ha. kasi di kita maliligtas, sarili ko lang kaya ko iligtas”
Ako swimming lang ang physical activity na kaya kong gawin kahit maghapon. Good luck sa work mo, sana nakapasok ka kanina!
apir!
pero ayoko dalasin kasi nakaka-itim
inde ako nakapasok haha work from bahay na lang ako kasi late na nagising. sakit ng buong katawan ko, nibigla ko kasi sya hehe
okay lang yun kahit mabagal ka lumangoy at least marunong ka diba?
kakainggit ka naman, hindi kasi ako marunong lumangoy! ahehe
aral ka din, madali lang ahehe
![]()
Enero 8, 2008 Sa 11:33 hapon
hala, hala. delikado pala pag sumama ako sa iyo magswimming.
kalbo ang aabutin ko
ang alam ko magandang sport ang swimming para sa mga taong hikain.
kaso ako… topakin