Ipinaskil ni: lilmiz noong: Enero 10, 2008
hindi ako, syempre lolz! unless pwede magpakasal ng mag-isa? ahaha. kung kinasal ka na or skedyuld na ikakasal, wag mo na pagpatuloy ang pagbasa ng entry na to, baka masapok mo ako heheh. etong 2008 andaming magpapasakal. ano bang meron? dahil sa 8? malamang puno ang lahat ng simbahan at mga chapels nyan sa 8/8/8. sa buwan lang na eto ay may tatlo akong kakilala na magpapasakal, dalawa nga lang pupuntahan ko kasi inde ako invited sa isa haha. sino ba nagpauso na kasal-kasal na yan? at bakit kelangan magastos? balita ko, half mil eh pang-ordinaryong sakalan lang sya. waah, kung ganun never na ako masasakal, ibibili ko na lang ng mga kung anu-ano or itravel ang halagang yan noh haha. at para san ba sya? para pamukha mo lang sa world na afford mo magpasakal? lolz! joke lang. ang gastos lang talaga nya (haha parang nakasal na eh noh) tapos sa hiwalayan lang pala mauuwi ahehe yung iba talaga ang bongga ng kasal, yun tipong mga thousands ang bisita, pero ano nangyari? nagpakasal pa sila! ahaha. anubayan, parang ang bitter ko pakinggan lolz.
yun lagi ko tinatanong sa mga magpapakasal ay kelan nila nalaman na handa na sila. kelan nga ba talaga? pano nila napagtanto na yun na yung taong gusto nila makasama habambuhay (naks!). sigurado ba silang sigurado na din ang mahal nila? sigurado ba silang di sila magsasawa? naiisip ko lang kung ako nsa kalagayan nila, ilang buwan pagkatapos ng kasal, ganito siguro usapan namin ng maswerteng napangasawa ko:
me: ikaw na naman? araw-araw ka na dito ah!
maswerteng napangasawa: asawa mo ako, remember?
me: sino nagsabi sayo pwede ka din tumira dito?
maswerteng napangasawa: hindi ba sinabi ng paring nagkasal satin?
me: ano ka, wala yan sa kontrata. maghanap ka ng sarili mong bahay! will call u na lang when i need u.. ok, honey?
bwahahah. sana pwedeng ganun. hindi ba dumadami problema mo kung kasal ka na? kasi may isang tao ka na namang kelangan alagaan at alalahanin bukod pa sa sarili mo. limitado na mga galaw mo. lahat ng desisyon kelangan mo pa ikonsulta sa kapares. di ka na pwede magtatamad-tamad (wehehe). parang ang effort! lolz. sabi nga ng iba, gusto lang nila makasama tumanda ang mahal nila at at least may kasama daw silang tumanda. sagot ko naman ay kung di mo na kayang mag-isang maging matanda, magpakamatay ka na lang. haha biro lang.
iniisip ko nga dati na ok lang walang asawa basta may anak lang. kasi yun talaga ang pinakamagandang pamana mo sa mundo, ang anak hehe. pero dami namang kontra, kesyo daw kawawa ang bata if ever, wala daw kikilalaning ama, ganun. fine. ahehe.
pero hindi ako magsasalita ng tapos. baka kainin ko lang din lahat yan haha. ano na lang, kung sakali ikasal ako, gusto ko mahal yung wedding ring (pwede na platinum), mahal yung wedding gown (preferrably vera wang or monique lhuiller) at tour around da world ang honeymoon nyahahahah.. WISHHH!!
Enero 11, 2008 Sa 1:56 umaga
Oo nga madaming nagpapakasal ngayong start pa lang ng taon… Mahirap, magulo pero masarap ang buhay may asawa…..yan ang sabi nila! nyhahaha di ko pa kasi naekspiryens
Pero ako kung mag-aasawa syempre yung aalagaan ako at di siya ang aalagaan ko! hahaha, ang shellfish!