Posted by: lilmiz on: Enero 13, 2008
nasabi ko na naman dati na mahilig talaga ako magbasa. napadpad ako sa blogosphere dahil sa adiksyon na yun. pinakauna ko na kina-adikang blog ay kay kuya badoodles. kaso nung naubos ko mga entries nya, nabitin ako at inde na makapaghintay sa mga susunod na entries haha. kaya nagkiklik-klik ako sa kanyang blogroll hanggang sa kung san planeta na napunta. ayun nadiskubre ko na andami pa palang pani pipol sa mundo ng blog. marami-rami na din akong binalikan talaga ang posts hanggang sa simula. umabot kasi yung point na napagod ako sa trabaho at naisipang gamitin ang libreng internet sa ibang paraan (walang magsusumbong! haha). hindi naman masama diba?
wahehe. heniway, makikijoin na din ako sa napakabrilliant na ideya ni kuya badz na magpacontest ng pinakanakakatawang blog. oh syaa, eto na tap payb sa aking lista:
5 points for maldito: hindi ako biased. hindi talaga! ginawa ko syang #1 kasi krash ko sya haha. krash ko sya, hindi dahil kyut at macho sya, kundi dahil nakakatawa talaga. az in! fez pa nga lang, makakalimutan mo na probs mo
. bukod sa mga kalokohang alam ng bhe ko, marunong din sya magsenti-sentihan, dinadaan nya sa joke pero mafefeel mo pa din mga sentiments nya, naks. maawa na kayo, boto nyo sya! kelangan nya talaga manalo kasi wala na kaming mapakain sa mga anak namin
hahaha i kid, i kid
pero da best nga talaga, kahit daming typo ahaha.
4 points for abad: galing! sobra! ahehe di ko lang alam kung alam nyang nakaktawa sya. ngayon alam na nya haha. unang nagcomment si abad sa isang entry ko (yung namention ko ang that 70s show ata) kaya nabisita ko site nya. at talaga naman! amazed si ako ahehe
tinigil ko lahat ng aking ginagawa at binasa lahat ng entries nya. nung nagsabi syang hinto muna sya sa pagbablog, medyo nalungkot ako. pero buti naman at nagbalik na sya ngayon
3 points for kuya gasti: idol!
mga simpleng adbentyurs sa araw-araw na pamumuhay ay nabibigyan nya ng buhay! (wow ryhme yun ah heheh). nagagalingan lang ako sa paraan ng kanyang pagsusulat, may mga seryoso naman pero natatawa pa din ako. sensya na, am shallow kasi (mababaw) heheh. nalungkot din ako nung nahuli sya ng kanyang kumander kasi napahinto sya saglit
mabuti na lang at magaling sya magpalusot at ayan nakabalik na, kasama pa si mrs. gasti (ate, totoo mabait talaga to si kuya, lalo na at andyan ka na ahehe).
2 points for ate lenggai: panalo talaga to!
wala akong maisip na entry na hindi nakakatawa. gusto ko sya maging kaibigan sa totoong buhay
gagawin kong clown wahaha joke lang ate
. may nagsabing sya daw ang babaeng version ni kuya jon, di ako papayag.. kasi ibang level din sya! ahehe kung may THE jon cabron, meron ding THE ate lenggai
tsaka, pinakaimportante, pareho kaming may pagnanasa ke adam levine..yun yun eh ahaha.. weee! malapit na march!!
1 point for THE jon cabron: kelangan pa ba ng explanation?! agree naman tayo lahat na laftrip ang blog nya. problema ko lang ay di ko alam kung kelan sya nagsasabi ng totoo or hindi haha. either way, natatawa pa din ako
isa pa, kahit matinik sya sa chix, loyal pa din si kuya jon kay mrs. cabron at kay gng. cabron
hay naku, andami ko pang gustong ilista kaya! kaso lima lang daw pwede
kaya sila na lang muna hehe. penge ako balato kung may manalo sa inyo
kahit kalahati lang, oks na yun aheheh. sa inyo at sa lahat ng bloggers out there, pagpatuloy nyo lang pagbablog ha, hindi nyo lang nalalaman, andami nyo na palang napapasaya
uHmm nAkZZ NaMaN.WaHaHa
Enero 13, 2008 Sa 12:02 hapon
Ako????? now, that’s funny. haha.