Posted by: lilmiz on: Enero 14, 2008
dahil sa katangahan ko, may napatay ako. inde ko na alam ngayon anong dapat kong gawin, tulungan nyo naman ako
oo na, kasalanan ko na pero hindi naman sinasadya eh. first time to nangyari sakin at di ko akalain ganun pala sya kahirap. kadiri pa tignan. klik dito kung gusto makita ang napatay ko. uhm, pano ba buhayin ang patay na kuko? ahehehe. inde nga, pano ba to? sa sobra ko kasing katangahan, naipit dulo ng isang daliri ko sa pagsara ko sa pintuan ng sasakyan. mga dalawang linggo na ang nakaraan ng nangyari ang kagimbal-gimbal na pangyayaring to. pakshettt! ang sakit-sakit talaga! naiiyak nga ako nun pero kagagawan ko kaya walang ibang masisi, pagdusahan ko daw waaah. nung una, kunting part pa lang ng kuko ang nangitim, kinabukasan nsa gitna na sya tapos sa pangalawang araw, buong kuko na wahaha. ang yuck talaga. ilang araw din akong injured kasi masakit kahit natouch lang sya kunti. di ko talaga alam pano nangyari na naiwan ang isang daliri pagsara ko, kawawa naman sya
. at kung minamalas ka nga naman, pinagalitan pa ako ng aking mahal na ina. ang tanda ko na daw, ganun pa din, clumsy-clumsyhan. may reputasyon na kasi ako na lalampa-lampa o tatanga-tanga o simpleng minamalas lang mula pa nung pagkabata wahaha. pag dumadaan ako sa kusina namin dati, di na sila magtataka kung madami mahuhulog at mababasag. medyo nabawasan naman nung paglaki ko pero may mga pagkakataon lang talagang bumabalik sya, tulad na nga nito pagka-ipit ko. nakaka-wa poise talaga. minus one thousand ganda points (kung meron man points in da first place hehe).
bukod sa pagiging malas sa sarili, nagdadala din ako ng malas sa ibang tao ahahah. natawa pa ako noh hehe. halimbawa na lang sa trabaho, laging nagrereklamo mga kasabayan ko sa shift kasi pag andun ako biglang dumadami ang gawain nila, yung tipong bawal magpetiks o makapag-CR man lang haha. kaya nila nasabi na may balat daw ako sa pwet hehe. para sakin, mas ok na yung ganun, ibang tao ang mamalasin kesa sa ako ahahah. hindi naman nila mapapatunayan na ako talaga ang dahilan. tsaka nichek ko na, wala talaga akong balat sa pwet ahehe
anyway, balik sa dilemma ko, pinapatanggal nila yung buong kuko para daw makalabas yung nastuck na dugo, tutubo naman daw ulit. ayoko talaga waah pano kung hindi na tumubo? ampanget! lalo na at nsa kamay pa, sana sa paa na lang, inde masyado obvious. omg, habambuhay na akong may kapansanan
mga 1/4 ng kuko pa lang naputol ko, di ko pa kaya tanggalin lahat huhu hintayin ko na lang umayos sya. pwede ko din daw ibabad sa mainit na tubig para gumaling, totoo kaya yun? di ko pa nasubukan eh, baka mapaso ako, panibagong problema na naman heheh. sa ngayon, tinatakpan ko na lang ng band-aid pag lumalabas ako sa bahay. wala pa namang nagtanong kung ano nangyari, siguro iniisip na lang nila na naputukan ako nung bagong taon haha.
ako din po, merong ganyan, pangalawang maliit na daliri sa paa.. yung gilid lang yung nangingitim, konti lang, di ko pinapansin.. ahaha! nakuha ko yun nung minsang gumising ako na kalahating pikit para mag-cr, papuntang cr, nasipa ko yung maliit na upuan.. di ko rin pinansin at bumalik ako sa pagtulog.. pagkagising ko, dun ko na naramdaman ang sakit.. mga three weeks ago na yun nangyari, at mga four days ago ko lang napansin yung itim sa gilid ng kuko ko..
ahehe tagal naman umitim or matagal mo lang napansin?
oks lang yan, nsa paa lang eh tapos kunti lang naman, kaya pa yan takpan ng nail polish
![]()
gagaling din ang mga kuko natin.. lalo na sayo, buong kuko eh.. pagdadasal ko mga kuko natin.. hehe
ahehe kawawang mga kuko
lalo na nga sakin huhu tenks sis, sali natin sila sa prayers
![]()
ingat ka na lang next time… don’t worry hindi ka nag-iisa sa sister ko sa paa pero yun sa kanya paulit-ulit na namamatay! babalik din yan sa dati.
yep, tenks ate
yoko na talaga mangyari pa ahehe grabe naman paulit-ulit na namamatay sa sis mo.. ayos yan ah hehe
![]()
Great blog.
Keep up the good work!!!
salamat. pero sa tingin ko, ispam ka hahaha.
>> lagyan mo n lang ng kyutiks para matanggal!!!:D
haha tenks sa suggestion sis pero ok na yan, tumubo na ulit
![]()
Enero 14, 2008 Sa 7:24 hapon
Sis kelan burol?? hehe!
joke lang!
maayos din yan… at babalik sa dati ang beauty ng iyong fingers.. Careful ka na sa susunod ah..