Posted by: lilmiz on: Enero 18, 2008
wala naman akong sikretong sasabihin, kala nyo ha! lolz. naalala ko lang yung isang seryosong usapan with deedee and b2.
deedee (nakatingin sakn, mas possible kasing may alam ako sa mga bagay-bagay kesa kay b2, wala kang mahihita dun ke b2 lolz): alam mo na ba yung “the secret”?
me: ha? anong secret yan? bakit may “the”?
deedee: napanood ko lang sa oprah. madami na palang nakaalam nun.
me: hano? bakit napunta sa usapan si oprah? kung secret sya, bakit madami nakakaalam?
deedee: tangek. tinatawag lang nilang “the secret”. yun daw yung, pag-naniniwala kang mangyayari sa iyo ang isang bagay, mangyayari talaga sya.
me: di ko gets. pano naging secret yun?
deedee: yan nga din sabi ni oprah, ginagawa na nya daw kasi yan buong buhay at di nya akalain na secret pala yun hehe
me: oh ok, siguro parang think positive lang yan.
deedee: oo yun nga at kelangan ko talaga yan ngayon. maging positive. mahirap sya pero kaya ko to. sabi nga ni…
ayun nagkwento na naman ang deedee tungkol sa krash nya haha. at mga kaproblemahan sa buhay. yun krash nya kasi daming inspirational quotes lagi. kaya pala si deedee naghahanap din ng inspirational quotes para may masagot din sya lolz anyway, balik sa usapan..
deedee: sabihin mo lang sa universe ang gusto mo. di mo lang mamamalayan, nagkatotoo na pala.. may mga nagsabi ng testimonials sa oprah. tulad nung isang tao, may nakita syang picture ng bahay sa dyaryo nung bata pa sya at sinabi nya sa sarili na magiging bahay nya yun balang araw. nakalimutan na nya yung piktyur. nakita na lang nya ulit sa mga lumang gamit nung tumanda na sya at guess what? yung tinitirhan nyang bahay ay yun mismong nasa piktyur!
me: ows? galing naman! talagang nakalimutan nya tapos nakuha pa din?
deedee: oo, kaya tayo sigaw lang natin sa universe mga gusto natin mangyari. dapat buo lang ang paniniwala mo. walang pero pero kasi malalaman yun ng universe.
me: sige, matry nga.. universe, bigyan mo ako ng boyfrend!
at sa maniwala kayo’t sa hindi, may isang lalaking biglang sumulpot sa harapan ko.. multo pala. waaahh.. haha joke
me: totoo yan. may nabasa ako sumwer “when u really want something, all the universe will conspire to make it happen” daw. pero syempre kelangan may gawin ka pa din dba
tapos nagchange topic na kami hehe pero bumalik pa din sa “the secret”
b2: hindi na ako makakahanap ng lalaking magmamahal sakin (lolz ang drama ng baklang to)
me: ay wala na, narinig na ni universe ang pagkanega mo, magkakatotoo yan
b2: hala oo nga, sorry universe.. ibig ko sabhn, sana makahanap ako ng lalaking magmahal sakin ng tapat.
me: wala ng bawian, yun na yun. haha. kawawa ka naman.
kelangan ko i-apply ang sikretong yan ngayon. as in now na lolz. problema ko lang ay kulang ako sa paniniwala sa sarili waah sana inde mapansin ni universe. hindi ko alam bakit ako ganito, di ko lang talaga maalis, shet. lagi ako may pagdududa sa sariling kakayanan. kasi naiisip ko lang, baka kung maging masyado akong bilib sa sarili tapos inde ko makuha ang sinusubukan ko makuha baka masaktan lang ako. mas ok na yung mag-iwan ng kunting hesitation, dba? teka, naiintindihan nyo ba pinagsasabi ko? hahaha.
universe, please bigay mo to sakin, pramis di na ako magdadrugs! lord, pakisabi kay universe, maawa sya sakin.
p.s.: just to be clear, inde po ako nagdadrugs aheheh pero di naman alam ni universe yan lolz, secret lang natin ah
dear lilmiz,
are yopu drugs? ala akong naintindihan sa iyong mga tinuran. kunsabagay wala ding katuturan ang mga pinagsususulat ko sa king blog.
nga pala kung meron ka naman jang juts pehenge naman. mukhang high ka na kasi….sali ko…sige na plssss…
nangungutang ng juts,
utoy (nakapangalumbaba dahil alang juts)
dear kuya,
no, am not drugs, are you? wag ka sakin manghingi ng juts, madamot ako este wala ako nyan ahaha. goodgurl me, inde pa ako nakasubok ng damong yankung gusto mo talaga, punta ka sa baguio.. inde ko lang alam kung may juts dun, basta punta ka lang
![]()
high na high pa rin,
lilmiz
Enero 18, 2008 Sa 12:43 hapon
hmmnn, The secret pala yun
kc sa desk ko, may note ako sa sarili ko..
MINE, na super ganda at super sexy
*** paulit ulit basahin pra magkatotoo
nkalagay xa sa ilalim ng salamin sa desk q na pinapatungan ng fone kya di kita kung di aalisin yung fone, nakita nga ng messenger namen, lukaret daw ako !!! nyahaha
la lang, nkaka gaan ng feeling Lols
at malay mo magka totoo nga ang power of postive self affirmation