Posted by: lilmiz on: Enero 26, 2008
meron akong gustong kainan sa megamall, pangalan nya ay jipan (a japanese bakeshop). haha i know, bakeshop sya, pero di ako bumibili ng tinapay dun. meron din kasi silang japanese meals at iba pa
siguro alam nyo na din ang kainang to. nadiscover ko lang sya nung dinala kami ng isang friend at like ko na agad ahehe. although di ako lagi nakakain dun, choice ko lang, para di nakakasawa (read: di ko sya afford araw-arawin lolz). aside sa masarap ang food, di sya super mahal at pwede ako kumain ng mag-isa
maliit lang yung lugar nya, siguro mga 5 tables lang at usually kunti kumakain (pero madami silang customers sa mga tinapay nila ha
) tapos may mga magazines at newspaper na pede basahin (japanese nga lang haha. inde, may ingles din
) kaya at home na at home ang feeling ko
heniway, tama na ang pagdedescribe. kanina kasi, matapos akong nagpadala ng sustento sa pamilya at magbayad ng mga bayarin, may naiwan pang 300 pesos sa sweldo ko (haha kawawa) so why not ubusin ko na lang sa masarap na food tutal di pa ako kumakain simula umaga. bahala na si lord ano gagastusin ko sa mga susunod na araw habang ala pang sweldo
at since mag-isa lang ako, dun na ako sa jipan napadpad. galing nga eh, kasi may fafable na kumakain dun, mag-isa lang din sya ahehe. gusto ko sana makishare ng table pero may mga bakante pa amp panira haha. oh sya, eto ang kinain ko:
ahaha yan lang pala tapos ang haba ng intro noh.. ano kayo, ang sarap kaya nyan!
ang tawag sa kanya ay omelette rice or omurice, inde ko lang sure kung sino una nakaimbento nyan, mga japanese ba o koreans. basta masarap sya, nsa loob ng omelette ang fried rice. simpleng-simple lang pero rock lolz. alas kwatro na yun ng hapon pero yan pa rin ni-order ko. eh sa di pa ako nagbebreakfast eh haha. in fairness, andami nya, hirap ubusin pero sayang ang ibabayad ko at super sarap naman kaya eto resulta
magic! haha. napilitan lang talaga akong ubusin sya, pati yung mga decoration kinain ko. nagpakaglutton si lilmiz waah. sorry lord, i just can’t resist it. ahehe. tapos, kahit abot lalamunan na kinain ko, tinira ko pa din yun blueberry cheesecake (nasa upper right ng pics). waaah sayang eh, so nisimot ko din haha. after nun lahat, nahirapan talaga ako huminga. busog na busog ba naman. problema pa ay medyo fit yun shirt ko wahaha so kelangan naka-inhale sana ako habang naglalakad para inde kita laki tyan. ang hirap
bakit kasi nagpakagahaman wahaha. ayun lang kain ko buong araw pero hanggang ngayon, hatinggabi na, ay busog pa din ako lolz.
naghanap ako ng recipe nyang omurice para kung sakaling maisipan ko magluto-luto (wushu!) ay marunong na ako lolz. nahanap ko ang recipe dito. yun ayaw ko lang sa ingredients ay ang onion, so tatanggalin ko yan. tapos yun bran oil palitan ko lang ng ibang oil, di ko kasi kilala si bran ahehe. parang madali lang gawin
sounds delish. Tama yan, kain lang ng kain!
once or twice a day lang ako nakaka-kain, poor eh haha
waaaaah! my favorite omu-rice!! frank, mikong, red, tin and i used to frequent jipan for OT dinners. so far, it’s my favorite japanese restaurant.
ahaha sa inyo ko nga nadiscover yan!
sulit na sulit pala ang OT dinners nyo nun.. masarap na, libre pa
sana may jipan din dyan cebu noh
![]()
waaah!!! di pa ko naglulunch, nagutom tuloy ako.. kainggit!
ako din inde pa, alastres na haha.. tara kain tayo
.. punta ka din dyan ling kung maligaw ka sa megamall, katabi sya ng gonuts hehe
…nakakagutom naman dito. side dish pa lang natakam na ako.:p
kain na! ahehe
![]()
Enero 26, 2008 Sa 10:57 umaga
ang sarap talaga kumain.. yun ang pinaka the best in life!!