Ano ba talaga, ate? February 3, 2008
nagchichikahan ang dalawang magkaibigang si jen at abby sa kwarto nila..
abby: nasan ba si mark?
jen: wala pa. siguro may date sila nung boylet nyang si don.
abby: hahaha
jen: feeling ko may something sa kanila. bakit kasi hindi na lang mag-out yang si mark.
abby: baka inde talaga sya bading
jen: asus. bakit, naniniwala ka bang lalake sya?
abby: hindi ko alam. di ko na alam sino bading o hindi sa panahon ngayon. pero dati nung unang kita ko sa kanya, akala ko talaga.
jen: sana mag-out na sya para inde na sya mahirapan
abby: bakit mo naman nasasabing nahihirapan na sya
jen: yang kay don. lagi silang magkasama. baka may gusto na sya dun.
abby: ano ba ang sinasabi ng gaydar mo sa don na yun. bakla din ba?
jen: ay hindi. hindi talaga. lalaki yun.
abby: ganun ba. bakit sya nakikipagclose kay mark? feel ba nya na totoong lalake din si mark? siguro parang coffee prince yan noh. si don si arthur tapos si mark naman si andie hahaha
jen: aamin na lang ni mark na hindi sya lalaki
abby: hahah sabihan mo si don na si mark ang andie ng buhay nya haha pero instead na babae ay bading eto haha.
tawanan ang dalawa.. tapos may bigla silang narinig na ingay sa labas ng kwarto..
jen: ano yun, andyan na ba si mark?
abby: hala, tignan mo. shet, what if narinig tayo? patay!
binuksan ni jen ang pinto at dumating na nga si mark. nang marinig ni abby ang pag-uusap ni jen at mark ay nagtago sya sa ilalim ng kumot at nagpanggap na tulog.. sa totoo ay nahihiya sya na natatawa..
jen: ay mark! dyan ka na pala, san ka galing?
mark: opis. kainis, overtime na naman.. o ano nangyari dyan kay abby?
jen: nagdadrama lang
mark: bakit? ano problema?
jen: wala daw syang date sa valentines heheh
mark: ganun? abby, tayo na lang, ako na lang date mo
lalong natatawa si abby pero pinigilan lang nya habang andun si mark, si jen naman ay tumatawa na pero kunwari dun sya natawa sa pagdadrama ni abby..
hindi pa nakuntento ang dalawang to ay pinag-usapan uli nila si mark pagkatapos ng ilang araw..
jen: badtrip na badtrip si mark kanina.. lam mo bakit?
abby: oh bakit?
jen: dahil hindi sya nakasama sa inuman sana nya kasama si don. malakas na talaga kutob ko na mahal na nya yun
abby: hahaha.. langya ka, baka marinig na naman tayo.
jen: hindi nga.. iba na talaga eh. siguro gusto nya sana na magkalasingan sila tapos may mangyayari after.
abby: ang sama mo talagang kaibigan. di naman siguro magagawa ni mark yun.
jen: malay natin, baka di nya mapigilan sarili nya kung lasing.
heheh. ang kulit ng dalawang yan, lalo na si jen, talagang iniinsist na bading si mark. siguro eto naiimagine nila:
pano nga ba nila malalaman? pwede kaya nila tanungin to ng diretsahan? ano ang mangyayari kung malaman ni mark na pinagchichismisan sya ng dalawang to?
a) tatawanan lang ni mark at idedeny.
kung eto nga ang mangyayari ay sa malamang patuloy pa din yung dalawa sa pangchichismis hanggang sa magalit si mark at mangyari ang letter c) hahah
![]()
b) aamin na sya. mangyayari na sa wakas ang pinaka-aasam ni jen na pag-out.
masaya lahat. maliban siguro sa pamilya at mga ex-gf ni mark.
c) magagalit sya bakit iniisip ng dalawang kaibigan nya na ganun sya. masisira ang friendships. di na sila mag-uusap habang buhay.
ang pinaka-ayaw nila mangyari kaya hindi pa rin matanong ang million dollar question na “bading ka ba, bakla?” lolz
ang hirap noh. hehe. tanggap naman daw ni jen at abby kahit ano pa si mark. ang sa kanila lang ay sana, kung totoo mang brokebacker sya ay aminin na nya haha. kung hindi man ay.. kelangan nila ng proof na hindi nga.. ahaha



hmm.. dapat i-open na lang nila ang topic ng kabadingan kay mark.. pagkatapos, tingnan nila yung reaction ni mark.. tingnan nila kung pwede na ba nilang itanong ang pinakamahiwagang tanong na: “bading ka ba, bakla?”
pero feel nila na di pa nila maitatanong yun kay mark.. yaan lang nila.. dadating din ang panahon kung kelan magkakaalamanan na.. hehe
ay di aq mka relate.. bat gus2 nila malaman kung str8 o bading? meron b cla crushy kay mark?
bwahahahah..grabeng tsismisan to….
mga walang hiya kayo!!! oo nah, aaminin ko na….Gusto ko sya!!! Gusto ko si…don!! Pero hindi ako bakla…si don..sya ang nagtatakip ng maskara at good actor…kaya wala na kayong pag-asang makachever mang lang sa kin!! vavush!
~mark~
chismusa naman ang mga kasama mo…masama yang pinag iisip ng barkada mo..kung ano man si mark na yan, wala slang paki. Mayaman ba si mark? i reto mo naman ako…baka naghahanap siya ng scholar…lols….bka kung wala ka ikaw naman ang topic nila…miss u bhe ko..i back.
omg! wtf! ^_^
mas naiisip siguro nila yung sa lalake sa parola. heheheeh.