the best night you’ll never remember.. February 6, 2008
ang bilis ng araw. parang kakanew year lang eh, tapos ngayon magbabalentayms na naman. waaah balentayms lolz. ilang years na ba akong walang kabalentayms? ah tama. since birth ahaha. ang lungkot isipin noh? pero inde naman, kasi inde ko pa naranasan ang meron kabalentayms kaya wala din akong macompare-an hehehe. tuwing buwan ng mga puso, usong-uso yung magpapadala ng bulaklak o kung anu-ano pang kasweetan na maisip ng mga lab birds. required ba talaga yun? bakit ba? wala lang, makikiuso ka lang lolz. tapos kung bibigyan ka, otomatik dapat magbigay ka rin. at syempre kelangan magkasing-mahal pa yung mga gips nyo sa isa’t-isa kundi may magtatampo. parang nag-exchange gips lang din kayo, nyeh hehe.
naalala ko nung college, every balentayms, for sure may kanya-kanyang pakulo ang mga clubs/grupo sa skul tulad ng papadala ka ng plawers or pakakantahan mo ang iyong special someone or iyong crush. may teacher yung friend ko na matandang dalaga. inde naman talaga super tanda, mga late 30s to 40s siguro. kung ganun edad mo at singol ka pa rin, empre lagi kang magsusungit. napag-iinitan lagi yun class ng friend ko, maingay kasi sila hehe. kaya isang balentayms, naisipan namin na padalhan ng bulaklak at pakantahan si miss matandang dalaga. wahaha. para naman bumait sya kahit isang araw lang, inisip namin na dahil sa sobrang saya siguro nya ay ididismiss nya ang class ng maaga at inde sya magpapa-exam lolz. nag-hire kami ng isang taga-gitara at tagabigay ng flower. eh medyo mahal yung bulaklak, so isang rose lang papabigay namin wahaha. kunwari, ang meaning nun ay “you’re my one and only” pero sa totoo wala lang kaming datung haha. so ayun, game na, kinantahan nga sya (kung di ako nagkakamali ay “is it ok if i call u mine” yung kanta. hahahaha.) at hala ka, nagfeeling si miss matandang dalaga lolz as in super blush at tuwang-tuwa sya sa nangyari. pers taym daw kasi yun. tinanong nya yung nagbigay ng flower at ang kumanta sino nag-utos. syempre bawal sabihin, pinipilit pa nya haha. nagpangalan pa sya ng mga lalaking faculty members. smile lang yung mga inutusan namin, secret lang daw hehe.naku! kung alam lang ni ma’am. sigurado, ibabagsak kami nun, masasali pa ako kahit inde nya ako under hahah. never naman nyang nalaman, kaso after ng event na yun ay nagbago sya. inde na nagsusungit at masayahin na. siguro, inexpect nya na may magcoconfess sa kanyang lalaki anytime.. pero syempre wala, eh kami lang yun eh haha. kaya yung kasungitan ni ma’am ay unti-unti ding bumalik. hanggang sa naging terror teacher sya ulit haha. tsktsk. kaya ayaw na ayaw ko makatanggap ng mga ganyan eh, iisipin ko may nangloloko lang sakin hehe. so kung magpapadala kayo sakin ay lagyan nyo ng pangalan ha, tsaka cash na din hahah
isang balentayms na di ko makalimutan ay 2 years ago. bakit? kasi una, may bangs ako. full bangs ha wahahah. na ako lang gumupit! lolz. kasal kasi ng isang kaibigan ilang araw bago magbalentayms, eh naboringan ako sa buhok ko kaya naisipan ko maglagay ng bangs by myself haha. pinapansin tuloy ako ng mga tao. may nagsabi pretty naman daw.. yung bangs, inde ako ampft ehehe. last time ako nagbangs before nun ay grade 3 pa, nanay ko lang din nag-gupit ahehe. tapos pers taym ko nalasing dito sa manila nun. inde lang basta lasing, napakalasing talaga. ang loser noh, sa balentayns pa naglasing haha. ang lakas pala ng tama ng mumurahing tequila at libreng jägermeister hehe. masaya ang gimik na yun, kasama mga friends na mga singol or wala dito ang pakners ahehe. di ko na lang maalala bakit ako nalasheng. basta ang huli ko matandaan ay tinanong ako kung sino namiss ko sa cebu. ang sagot ko ay ang aso namin bwahaha. tapos bigla na lang daw ako umiyak, yakk. at inde daw ako humihinto. sinasabi ko daw na di ko alam bakit ako umiiyak and i can’t stop it. lolz. tapos nung naubos yung magagandang tissue ay binigyan ako ng magaspang, inaway ko ang nagbigay sakin kasi masakit sa mata. haha it’s so me. eh di nila alam pano ako patahimikin so umuwi na lang kami, ang problema daw eh hindi ako makatayo ng mag-isa. grabe nakakahiya, dami pa naman tao. buti na lang lasing ako at di ko nafeel ang hiya wahaha. nasa cab na kami ay nagsosorry daw ako kay manong drayber kasi inde ko mapigilan ang pag-iyak. lolz dinamay pa ang drayber. dat time, sa ibang apartment pa ako nun na ako lang mag-isa sa unit so kelangan talaga may magbukas ng pinto at pahiga-in ako. buti na lang dun matutulog yung bespren ko nung college, tinulungan nya si b2 na pa-akyatin ako, lumabas ang pagkalalaki ng bading na si b2 haha. habang binubuksan ang pinto ay pinaupo nila ako sa corridor pero humiga daw ako. eh ang dumi ng semento dun, hinayaan lang ako ng mga loko, kaya pala ang dumi ko kinabukasan. syempre, sakit ng ulo at tyan ang resulta kinaumagahan kaya sickleave ang drama haha .nikuwento na ni bespren ang nangyari at ayaw ko pang maniwala kasi ilang beses na ako nalasing dun ko lang narinig na umiyak ako lolz. pero ala talaga ako ma-alala so di ko makontra. tapos, nakita ko may polaroid pic pala kami nung pinainom kami ng libreng jägermeister. at hulaan nyo ano ang caption sa baba nung pic.. yes, may tama ka.. “the best night you’ll never remember” nga. hahah.


wahahaha, ako ang dami ko ring ganyang the best night you’ll ever remember e… mabuti na lang walang pektyur! kasi remember na remember ko sila talaga e
naku! parehong pareho kayo ng friend ko pag nalalasing.. napapahiga sa mga lugar na di dapat higaan.. hehe! ako din, umiyak na once sa inuman pero di naman ako ganun kalasing.. naging masyadong emosyonal lang.. masaya siguro pagkwentuhan yung nangyari sayo.. hehe!
haha ako di nila kayang palisingin kasi sinisugurado kong mas mauuna sila kesa sakin.. ahahah wais yata to!
xaio!
ang bilis talaga ng panahon. sana feb 15 na. nang matapos ana ang mga kaeklavuhan ng valentines. haha. bitter.
haha naalala ko din nung perstaym ako nalasing. ang kulit ko daw, pati tindero ng mani, hinarana ko daw nyahaha!
malaking tulong talaga pag kasama mo mga barkada mo sa inuman. (taga akay, taga hatid pauwi at taga rekord ng pangyayari)
wait lang haba nito ah… maya ko na basahin.. ingat
…ang kulit mo pala pag nakakinom…tara shot tayo!!hehehe!!!
ayy off topic, katakot yung sidebar widget mo! Lols
girl bkit tumutugma sa akin ang mga panyayri sa iyo.. tuwing valentines.. lalo na ngaun full bangs rina ko.. hehehehe… since bert rin akong walang kabalentong.. hayyyss… buti na lng dyosa pa rin ako.. aww!
never pa naman ako nalasing ng ganyan but i’ve seen my friends get drunk a hundred times. ako kasi usually ang designated driver/taga-ligpit/ taga-hatid sa bahay, etc. in short, sila lang ang nag-eenjoy hehe
puro babae pala ang nagcocomment dito… (ui, c geisha nagfifeeling lols).
bakit pag kaming mga boys walang ganyan? o dahil lahat ng best night namin eh natatandaan namin. ang galeng!
hehe! hidni ko pa naranasan makalimot kapag lasing…buhay na buhay pa rin ang diwa ko kahit nakainom…buti na lang at dinamayan ka ng mga frends mo at hindi ka pinagtripan..lols! umiiyak kapag nalalasing? nakakatakot ka kainuman.
arekupup…… ayan tuloy, pinagisip mo rin ako kung ano rin ba ang best night ko……
*maniac grins*
parehas kayo ni gi ep ko. pag nalalasing, nawawala sa katinuan. darating din siguro yun balentino mo sa tamang panahon. sana lang wag kayong magkasabay malasing. balita ko kasi nag-iiba ang anyo ni maldito pag lasing eh..nagiging monster..hahahaha!
hahahah kakatuwa naman ang moments ng kalasingan mo….
pero tlgang wala kang maalala kung bakit ka umiyak???
ako nung nalasing ako parang nabingi ako.
ay sayang sana may picture ka para remembrance ba nung nalasing ka.. ay bisita ka skin ah, may ibibigay ako syo!
Ang Valentine’s Day ay isang produkto lang ng komersiyalismo. Salamat.
Ako pangalawang taon ko na ‘tong walang kabalentayms pero may natatangap naman ako na card at pagbati sa mga kafafahan hahaha… Lika inom na lang tayo sa 14, hehe. Bakit ka nga kaya napaiyak? May friend ako na ganyan din kapag nalasing na, iiyak na lang basta.
re: puro babae pala ang nagcocomment dito… (ui, c geisha nagfifeeling lols).
abah! hinahamon aking 10 % na natitirang male hormone!
nyahahahah…ang saya naman nun!!! kung nandun ako…nirecord ko talga mga pinagagawa mo!!! hahaha..ibabalandra ko talaga yun!!! nyaahahhah..
bakit bah maraming bitter at sweet sa baleyntayms!!!! Bakkeeeeetttt?????…basta ako…kever!!!!!!! isa pa. KEVVVVEEEERRR!!!!
hahaha….bakit indi mo ako isinama bhe?ang saya mo apalang kainuman…sa mga ganyang tao nauubos pasensya ko…..kinakaladkad ko yan, dinuduraan at tinutulak sa higway..joke lang bhe….wew…i missed my ex gf before….madrama pag umiinum..pero feel ko siya.kasi pany ang hug saken….tapos….tapos…tapos….yun lang!wahaha
hello ebliwan! hihi
@ate lenggai
amen.
@misyel
tara lets! ahehe ewan ko din ano ang nagtulak sakin nun na umiyak. pers and onli taym lang yun in da history of my alkoholism wahaha.. yung friend mo, di rin nya alam bat sya iyak no?
@geisha
go ate! fight fight! haha
@random
.. inde ako bitter lolz.. kever lang!! ako din, isa pa.. KEVERRR!! hehe
ahaha ambaet mo namang kaibigan kung gagawin mo yun!
@malditz my lab
.. aww, sure ka hug lang??!! kilala kita, di ka pumapayag sa hug lang! haha .. tamang-tama pala kasi may tag ako sayo tungkol sa mga eks 
may ka-deyt ka nun bhe eh.. hmm, yun ata rason bakt ako umiyak ahaha.. ang sweet mo talaga bhe, may patulak-tulak ka pa sa highway haha.. gawin ko din yan sayo ah