Posted by: lilmiz on: Pebrero 13, 2008
kunwari tapos na ang balentayms (bitter lolz), ano ang susunod? eh di holy week at summer vekeyshon!! woohoo! hehe. gustong gusto ko talaga ang summer dahil may rason para magpunta sa beach lolz. eye so lab da beach!
may nagtanong nga sakin kung sirena ba daw ako dati dahil gustong gusto ko magbabad sa dagat. sagot ko, “hindi naman, tumatambay kasi ako before sa pier at nakikijoin sa mga batang sumisisid tuwing magtatapon ng barya ang mga peeps” .. at naniwala naman ang loko. must be becoz of mah blond hair lolz. mula pa daw nung bata ako ay di daw talaga ako umaalis sa dagat unless uwian na.
naks. kelangan may pruweba na nakapagdagat ako nung bata haha. para akong batang lansangan dyan. di ko rin sigurado kung dagat ba talaga yan, baka sa baha lang pala hehe. kevz! basta may tubig, masaya na ako lolz. ilang beses na ako na-sunburn at nagpapalit ng balat nun (di pa afford ni nanay ang sunblock hehe). may panahon nga na natakot akong maubusan ng balat kasi sabi nung isang titser, 7 layers lang daw skin natin, eh pang-6th sunburn ko na ata so isang layer na lang natira sa skin ko hahah uto-uto. sa kabutihang palad, may skin pa naman ako, medyo makapal nga eh lalo na yun sa fez hahah. pagsummer uso din ang outings at eto nga nagpaplano na sa ofis namin, nakapagdecide na sila sa date, lugar at theme. oo, leche! may theme pa talaga at kelangan sumunod kundi inde ka papakainin lolz. nuong unang taon ay hawaiian nitheme namin, ang nakakahiya pa ay kasali ako sa pinasayaw sa group namin dahil medyo bago pa. ang sinayaw namin ay “kembot” (oo tama, yung “sige ikembot.. sige ikembot..ikembot mo all around” nga lolz), hawaiian na hawaiaan ang dating bwahaha. sobrang kahihiyan inabot namin nun pero in fernez, 1st runner-up! sa taong to, makakabawi na ako sa mga baguhan ahaha. may iba akong friends na nag-outing na last week (ang advanced ng summer nila noh hehe). may pumunta ng bohol at as expected maganda pa rin talaga dun hehe. akshuli, nakapagtour ako dun last yr. ilang beses na ako nakapunta ng tagbilaran dahil may tita ako dun pero last year lang ako nakatapak sa chocolate hills, mga friends pa from manila ang kasama hehe. parang gusto ko nga bumalik, lalo na dun sa “virgin” island, da best sya! as in! natural talaga ang ganda! di pa nagagalaw kaya tinatawag na “virgin” ahehe. eto ibidinsya:
ako kumuha nyan weeh kinunan ko habang paalis na kami sa isla, kitang-kita ang sandbar na nakapalibot sa kanya. haay, heaven na heaven!
ang nakakatuwa nyan, nakaabot kami sa isla mga before lunchtime tapos wala pa kaming kain kahit agahan dahil nag isnorkel at nood dolphins pa bago pumunta sa isla. chichirya lang bitbit namin sa bangka hehe. pero nung nakita namin ang island, nawala ang pagod at gutom. mapapawow ka talaga eh! tiniis na lang ang gutom at nagphotoshoot kami dun lolz. as in feeling may-ari kami sa isla haha ang only living thing na nakita namin ay isang pusa, duda nga namin tao yun dati haha. ang ganda pa ng beach nya dun sa isang side (sa kabila kasi madami seaweeds), clear na clear ang tubig at hindi mabato. eto pa ibidins oh:
ayan, may multo in da bitch na haha. ang ganda talaga .. nung isla!
kelangan may burahin sa pic para inde ma-overshadow yun kagandahan ng lugar nyahahah.. sana maganda yung pupuntahan namin sa marso, isang resort daw sa cavite. may beach din naman daw pero am sure inde sing-ganda nyan hehe (yung last yr kasi sa subic, panget yun dagat). eto yun isang pic ng pool sa o-outingan namin sa march
in fernez nakaka-engganyo
eksayted na ako! nognog ever na naman to! hahaha
wow! nice naman ng island.. makapunta nga rin.. wahaha! pero in fairview, gusto ko rin ang beaches.. hehe.. ganda kaya ng feeling ng sumisid.. waheheh..
hrmm may dobol meaning ba yan? sensya na, am too inosent eh ahaha
nice talaga sya, punta ka!
![]()
…hayup sa picture nung kabataan..classic ah!hehehe!
ganda naman ng pupuntahan nyo this march…dapat pamatay na 2 pc ang suot mo!!=)
wahehe halatang matagal na yung kabataan ko, mga 10yrs ago hahah
plano ko talaga mag 2pc.. yung tsinelas at kwintas lang suot, o dba dalawang pc na yun.. tignan lang natin kung inde mag-armageddon hahaha![]()
kainggit naman! gusto kong magpunta sa beach pero hindi ako lalangoy kasi hindi ako marunong! hehe! pangarap ko din na makapag-out-of-town with friends kaso hindi lagi natutuloy kasi may isa o dalawa o tatlo o apat sa barkada namin ang hindi pinapayagan ng magulang.. hopefully, after naming grumadweyt sa college eh makakapag-out-of-town adbentyur din kami.. hehe!
naku pwede naman pumunta sa beach kahit di ka lumangoy eh, rumampa ka lang dun lolz!
.. ganun talaga pag estyudents pa, bawi na lang kayo pag naka-grad na
parang ako, eto mga lakwatsa ko sa kung san-san ay di alam ng mga magulang ko, kala nila nagtatrabaho ako ng matino dito sa malayo wahehe
Pebrero 13, 2008 Sa 5:11 umaga
wow ang ganda naman sa island na yan, tsk ‘di ko pa yan napuntahan… ang dami talagang maipagmamalaki ang pinas. sigurado ako enjoy ka nyan sa outing niyo, hanep sa ganda ng pool eh!