Posted by: lilmiz on: Pebrero 17, 2008
natupad ko na din kahapon ang isa sa mga frustrations ko in layf heheh.. ang magkaron ng piktyur with jollibee! yung buhay na jollibee, inde yung istatyu lang wahaha..
ayan! pero parang ang sama ng tingin nya sakin. siguro iniisip nyan “kawawa naman ang babaeng to, wala pa rin bang nakapagsabi sa kanya na hindi ako for real? na costume lang to suot ko?” lolz. eh sa crush ko sya eh! bwahaha. never pa kasi ako nagkaron ng bertdey parti sa jabee
kaya kahit piktyur lang ksama sya, ok na ako lolz! inimbayt kami sa bertdey parti ng anak ng kaibigan ko, so hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na makapiling sya wahaha.
at napaisip tuloy ako sa mga pinaka-memorable na bertdeys ko (hehe ganun eh no). nung bata pa ako, naalala ko pag may nagbertdey samin, may excuse din yung mga matatanda na mag-inuman hehe pero may isang bertdey na di ko talaga malimutan. 7th bday ko ata yun, as usual, nag-iinuman mga matatanda tapos kami mga bata ay kain at laro lang inaatupag. pero nainis ako kasi gabi na ay di ko pa rin natanggap ang gustong-gusto ko na regalo. sinabi ko naman kay mama ano gusto ko eh, tawa nga sya ng tawa pero ipaparating naman daw nya kay papa. kaso parang nakalimutan ni papa kasi nakikipag-inuman lang sya sa mga kumpare. kahit sinabi ni mama na kung sakali di bibigay yung gusto ko ay bibilhin na lang daw namin kinabukasan, inis pa din ako at sabi ko na wag na lang kasi tapos na naman bertdey ko kinabukasan, its now or never (hehe andrama). maya-maya, lumapit na tatay ko
papa: oh anak, bakit ka nakasimangot? bertdey na bertdey eh! di ka ba masaya sa mga natanggap mo regalo?
*hindi ako sumagot.. naiiyak na ako na di nya mabibigay gusto ko*
papa: pasensya na nak ha, wala kasing pera si papa.. pero di naman ibig sabihin na wala ako regalo sayo..
*kinuha nya ang regalo*
mama: baka yun na yun..eksayted ka na ba?
me: hindi eh (lolz arte)
papa: eto na.. eto na.. suprays! happy bertdey!!
ayun tapos na kwento ko. hulaan nyo na lang ano ang ending. hahah joke.. uhm, ang binigay sakin ay isang pambatang skateboard na neon pink ang kulay.. at yun nga ba ang gusto ko? oo naman! wahaha.. oo, weird ako, walang pakialamanan lolz
ang saya naman talaga kapag nisusurprays ka sa bertdey ano. tatlong bertdeys ko na ang dito niselebreyt sa malayo at dalawa dun ay nasuprays ako ahehe. yung una ay yung pinakaunang bertdey ko.. sobrang aga pa lang, may kumatok na sa apartment, di pa nareregister sa utak ko nun na bertdey ko pala hehe, antok na antok pa ako binuksan ang pinto ng biglang kumanta yung kumatok ng “happy bertdey to u” haha at may maliit na keyk wid kandila pa syang dala ah. yung nagsurprays sakin ay ang bespren ko nung college ahehe. di ko inexpect na pupunta sya ng ganun kaaga sa bahay para lang kantahan ako ahaha may work pa kasi kami ng araw na yun lolz. pareho kami dito na nagwork pero ibang kompanya at malayo yung tinitirhan nya. tuwang-tuwa talaga ako! how totful naman netong mare ko. eh ako nga, muntik makalimutan bertdey nya lolz watta friend.. tapos yung bertdey ko din nung unang taon. sinurprays ako ng mga friendships ko.. ang nakakatawa lang nun ay maaga ako nagising, eh hindi pa sila tapos magdedecorate wahaha hindi tuloy natuloy ang plano na sila gigising sakin at lulunurin ako sa balloons lolz. ang sweet talaga nila noh hehe
so yung naiiwang wish ko na lang na mangyari sa bertdey ko ay ang magkaron ng bertdey special sa ASAP or sa SOP man lang bwahaha. naiinggit ako sa mga artista na kinakantahan ng kapwa artista at mga kapamilya nila eh, tapos may mga VTR greetings pa ahahah pwede kaya ako magkaganun kahit di ako artista?
oh sya, basta greet nyo ako sa bertdey ko ah, hulaan nyo na lang kelan haha clue: aries ako hehehe
oo nga eh.. wish ko din na mataba na lang talaga si sam milby.. hangkyut talaga!
mamahalin pa rin kaya sya ni fafa P kahit mataba sya? LOLz!
![]()
bwahahaha. ako din aries.
wala lang.
hehehe, happy birtday sayo mula march 21 to april 19. pili ka nlang jan
apir! magaganda talaga mga aries lolz!
.. ay tenkyu sa pagbati, pangalawa ka ng nag-greet wahaha..
tenks pala sa pagbisit.. add kita ah at bubwisitahin ko bahay mo maya-maya ahehe
![]()
Ako, hindi ko alam kung bakit sa tanda kong ito, takot pa rin ako lumapit kay Jollibee.
Or sa kahi na anong mascot, at lalong lalo na… sa mga clowns.
ang tawag dyan ay phobia lolz! alang-alang sayo, niresearch ko ang mga pangalan ng phobias mo
fear of jollibee or mascots –> Masklophobia
abnormal or exaggerated fear of clowns –> Coulrophobiapatingin ka na sa doktor haha
![]()
bwahahahaha. salamat. hindi ka ba naumay sa pikturs ko, bwahahahaa. pasenhsa na, inlove ako sa maganda kong mukha, pede na nga akong pangperya kaya lang hindi na uso perya ngayon, clown nalang daw kaya lang mahina na rin ang bentahan. walang gustong tumanggap sakin na clown. heheh
hindi pa naman. siguro sa neks bisit ko wahaha
.. asus, inde naman pamperya o clown yan byuti mo, pwede ka nga mag MG (Miss Gay) eh.. naks!! ahehe.. nga pala, medyo malabo to mata ko haha jk
![]()
bwahahahaha. hindi ako pang MG, una kc hindi ako gay, im transgendered.
pangalawa, wala akong talent,
pangatlo. wala lang, pangit nman kung dalawa lang reason ko
ah ganun.. eh di sa MT ka na lang sumali.. Miss Transgendered! ahahah
![]()
helo! salamat sa pagwelkam ha.
cute nga ng tingin sayo ni jalibi. hehehe. invite ka niya na magbirthday party sa jalibi with games atbp.
bisita ka ha http://www.ganjasinta.wordpress.com
lang anuman
sure bisitahin kita
![]()
aba ang kyut tlga ni joliibee khit sang angulo… infairful sis.. ganda ng pic mong burado… wahahaha.. ang swit naman ni pudang mo..
lumalabas pa din ang kagandahan kahit burado pa ano? lolz mag-oo ka na lang wahaha.. swit talga yun si pudang, nung bata pa kami, kyut pa kasi eh.. nung tumanda na, kyut pa din naman, pero puro sermon na ang abot hahah
…happy beerday…kung kelan man yun between now and april 19!hehehe!!!
…sarap ng feeling pag pinagplanuhan ka ng surprise bithday party noh? grabe, maiiyak ka sa tuwa. (parang nung surprise bday party para sa akin, miyak ako!whaaa!)
yup! as in! aheheh tenks
galing mo manghula ah! pano mo nalaman na between now and april 19 bertdey ko? wahaha
![]()
Pebrero 17, 2008 Sa 5:43 hapon
ang saya talaga noh pag sinurprise ka! yaan mo, pag sa ASAP na ko nagtratrabaho, gagawan kita ng bertdey special dun.. hahaha!! ipagdasal mo na dun ako mapunta after graduation.. di naman masama tingin ni jabi, ang cute nga niya! naaalala ko tuloy yung matabang sam milby! hangkyut lalo na pag nagpapakyut!
ps. di ko gusto si sam milby pero gusto ko yung matabang version niya.. hehe!