Posted by: lilmiz on: Pebrero 21, 2008
natapos na din ang tatlong araw na training namin. walang araw na hindi ako late. hindi talaga natuto bwahaha. pero at least pa-aga ng pa-aga dating ko, 10minutes late lang ako nung pangatlong araw, aga na nun lolz. kung umabot siguro ng apat na araw, malamang hindi na ako late hehehe. impernes, madami akong natutunan tungkol sa sarili ko. tulad ng pagka-adik ko sa mga salitang “uhm…” at “ahh..” pag nag-sespeech. pinagsalita kasi kami ng dalawang minuto each at sa maiksing panahon na yun ay may oras pa ako magsabi ng dalawaput-dalawang uhms at apat na ahhs. nag-yey pa ako ng inannounce to ng trainer, kala ko kasi goodnews sya. hindi pala haha, dapat ko na daw tanggalin. pano kaya? uhmm.. ayan na naman lolz. kelangan lang daw maging conscious ka at pag napansin mo na papunta ka na sa mga non-words na yun ay isara mo na lang ang iyong bibig. sinubukan ko, ok naman pero mahirap sya at nawawala ako sa iniisip ko kapag masyadong conscious. sa totoo lang, wala naman talaga akong masyadong pakialam basta ba na-express mo sarili mo ng maayos kahit sangkatutak na uhmms pa yan. hihih depensib
so ayun, dapat back to regular programming na ngayong araw. kaso inde ako pumasok. may sakit kasi ako. di ko alam ano tawag sa kanya. yung tipong wala ka lang talagang ganang pumasok at ang gusto mo lang gawin ay ang matulog buong araw? ganun sya. hehehe. ang sarap kasi matulog sa lamig ng panahon ngayon. kahit tanghali na ang lamig pa din, walang elektrikpan yun ah at nakabalot na ako sa kumot. sino pa ba makakabangon nun dba? ahehe. pero hindi naman dahil dun lang, may valid reason naman ako mag-siklib. sumasakit kasi yun lalamunan at nauubo ako. dyahe naman kung tumatahol ako sa opis diba at baka makahawa pa ako. ganun ako kabait, iniisip ko kapakanan ng aking mga opismeyts
at yung may sala neto ubo ko ay yung kinain ko na kupkeyk kagabi. pagkatapos ng training kahapon, dumaan ako sa floor namin at tamang-tama na nagpakain yung boss ng boss namin. pumunta na kami sa pantry at nag-aagawan sa mga pagkain, ng may mapansin kami ng kasama ko na isang box na may dedication “to <pangalan ng boss ng boss> happy bertdey!”. kala ko nung una keyk sya pero nung binuksan namin kupkeyks pala! (ay keyk din pala yun, nsa cup lang? wahaha) ang sarap nila tignan. dalawa na lang natitira kaso nagdalawang isip pa kami kung kukunin ba namin kasi may pangalan nga. sabi nung kasama ko “eh bakit nidisplay dito sa lamesa? baka pinamimigay talaga”. sagot ko naman “tama, sige kunin na natin, tig-isa tayo”. kinuha na nga namin at wala ng laman ang box. pagbalik sa pwesto, nagtaka yung ibang mga opismeyts kung san namin nakuha yun kupkeyk. proud na proud pa kami sumagot na dun sa box at dalawa ng lang natira kaya di na nila naabutan. sabi naman nila “yung may pangalan ni boss ng boss? hala kayo, inde yun kasali eh!”. hindi ko alam kung nagbibiro lang sila or naiinggit lang na may kupkeyks kami basta kinain pa din namin at inde kami namigay bwahaha. ang sarap nga nya lolz kaso kamo sa sobrang tamis, nagsimula ng sumakit yun lalamunan ko. kahit uminom na ko madaming tubig, may mga nararamdaman pa din akong nagwewelga sa lalamunan at nahihirapan na ako lumunok. eto pala yung tinatawag nilang karma. pero ok sya ha, may nagamit akong ekskyus para magsakit-sakitan wehehe.
…hehehe! ang karma daw kasi ngayon, nakaFEDEX na kaya mabilis!!joke!!
..get well soon..or ipasa mo sa akin sicksickan mo, para makaabsent din ako!heheh!
oo nga noh! di ko pa nga naubos yun kupkeyk nakarma na agad ahaha.. ok naman ako
.. oh sige, hawaan kita.. *ubo ubo ubo* .. nakuha mo na ba ang virus? hehehe
![]()
Pebrero 21, 2008 Sa 11:12 hapon
hala ka!! di nagalit boss mo??? ang tawag diyan sa sakit mo ay katams syndrome.. wag kang magpacheck-up kasi walang gamot jan.. hehe!