Posted by: lilmiz on: Pebrero 25, 2008
tagal ko nakapagpost ulit ah. hiatus, isdatchu?ahehe.. hindi? so ano tawag nito? ah.. katamaran? eh kung sapakin kaya kita dyan?! ahaha.. at sino kausap ko? lolz. dami ko lang talaga ginawa, like tulog, kain at tulog ulit hehe. tsaka nagkaron din ako ng oras na maglinis-linis, minsan lang to mangyari, siguro may sakit ako.. ayy.. may sakit pala talaga ako, kaya pala! haha. natapos ko na din yung libro ni bob ong na pinamagatang “ang paboritong libro ni hudas”. sobra nakakatawa sya. pero may mapupulot namang aral. paborito ko na nga eh..hala! so das dat meyk me a hudas? wahahah. tapos nakaladkad na naman ako sa isang inuman at pers taym ko naranasan yung pamahiin na magtapon ng kunting alak bago magsimula, alay daw yun sa demonyo para inde malasing. di ko lam kung totoo yun or gusto lang talaga nila magsayang ng alak ahaha. at lahat ng mga nasabi ko ay walang kinalaman sa pamagat ng entry na to hehehe.
naramdaman nyo na ba ever na mas blessed ang ibang tao sa inyo? ako oo, lalo na nung bata pa ako (which is like 2 yrs ago.. yeah right ahehe). makapagklasmeyt ka ba naman ng mga may-ari ng malls, may-ari ng shipping lines, may-ari ng restaurants, may mga sariling private beach resorts, tapos nagbabakasyon twice a year sa ibang bansa? sino ba naman hindi maiinggit nun diba? ahehe. samantalang pamilya ko, yung bahay lang namin pag-aari namin ahaha, meron din kaunting lupa sa bukid na may mga puno ng mangga (pero madami sila magmamana neto, so siguro mga isang puno lang ng mangga mapupunta sa tatay ko ahaha). muntik na ako hindi makapagkolehiyo, nagkaproblema kasi sa pamilya.. so nung pagkagradweyt ng hayskul, pinakiusapan ako ni nanay na pahinga daw muna ako sa pag-aaral, kahit isang sem lang. syempre di ako pumayag at lam nyo nirason ko? kasi maiiwan ako ng aking mga kabatch. ganun kasimple at kaselfish hehe. naisip ko nun ang malas ko naman, bakit di na lang naging mayaman pamilya ko para wala kami problema sa pera lolz. matatanggap ko pa ang di mabigay yung mga material na bagay na gusto ko, pero pag-aaral? ibang usapan na yun. pagkatapos ng ilang araw ng pag-iiyak, pina-enroll din ako. sabi tinitest lang daw nila ako kung desidido ba talaga makatapos ng pag-aaral. at di naman sila nagsisi kasi nakagradweyt naman ako ng maayos, with honors, san ka pa (yabang noh hehe). sa kolehiyo ko na naging klasymeyts mga filthy rich kids, pinipilit namin ng mga normal friends ko na wag mainggit pero hindi yun mapipigilan talaga especially kung hindi ka pa namumulat sa realidad ng buhay. alam ko kasalanan ang mainggit, isa nga yun sa nakamamatay na kasalanan (deadly sins) hehe. pero over na naman ako nyan kasi mayaman naman pala ako..sa mga kaibigan ahaha
medyo seryus ang dating ng post na to, sensya na hehe. narinig ko kasi ang maala-ala mo kaya-ish kwento nung bagong kateam ko. sya lang nagpa-aral sa sarili nya. hindi naman to bago na kwento talaga, meron din kayo kilala malamang na mga ganyan. pero kakaiba sa kanya eh (tawagin na lang natin syang jr), tsaka ramdam ko ang mga pinagdaanan nya, naks. sampung taon ang inabot ni jr bago matapos ang kurso na kinuha. grabe, nakaya nya yung sampung taon hehe. kelangan nya kasi huminto paminsan kung inde na kaya ipagsabay ang trabaho at aral. nasubukan nyang magtrabaho sa mga fastfoods para lang talaga kumita. tsaka yung kita nya inde lang para sa sarili, sya pa sumusuporta sa pamilya. nakapagtrabaho din sya as utusan sa isang IT company, dito siguro sya na-inspire na pumasok sa IT. pero buong akala namin dati, IT work yun gnagawa nya, inde pala kasi di pa sya tapos sa iskuling sa panahong yun. ngunit, sa kabila ng lahat, pinilit pa din ni jr tapusin ang kurso na kinuha kahit tumanda pa sya sa kaka-aral. at tignan nyo ang resulta, dito na sya nagtatrabaho sa isang multinational company..galing!
ano ba ang nagtulak kay JR na magpursigi? sabi nya, ayaw lang daw nya matulad sa mga kamag-anak na walang natapos at walang ibang ginawa kundi magpadami ng lahi. imbes daw na makatulong sa pamilya at sa bansa, dagdag pabigat pa. oo nga naman, may point sya. at ganun din naman ang naramdaman ko nung muntik na ako di makapag-aral, pero inde pumasok sa isip ko na paaralin ang sarili. iniisip ko kasi na dahil sila mga magulang, responsibilidad nila pag-aralin ang mga anak.. napakamakasarili
pagkatapos nya magkwento, sinabi ko na nahihiya ako kasi inde ko man lang masyadong nabigyan ng importansya dati ang mga hirap na dinaanan ng mga magulang ko. dun pa ako sa mamahaling unibersidad nag-aral. alam ko nagsikap sila, ako din naman, pero sa tingin ko kasi hindi ako masyado nakapagpakita ng gratitude sa kanila (dahil na nga siguro sa mentality na responsibilidad nila). sa totoo nga, everytime may flat 1 ako na grade, nagpapabayad ako. wala lang, bwahaha, hirap kasi mag-flat 1, lalo na sa P.E. hehehe. and i never had to work para lang sa pag-aaral. nakapagsummerjob ako minsan at may allowance din yung OJT work pero pinanglibre ko lang sa kanila at sakin hehe. tapos naalala ko, may mga panahon na nauutusan akong maglaba dahil walang labandera, pumapayag lang ako pag may bayad, kahit karamihan ay mga damit ko lang din (kasi unfair naman, kapag labandera naglalaba may bayad eh). hehe, ganun ako kalala. at yun nga, hindi ko man lang inisip na swerte ako sa pamilya ko na willing kami ikayod sa aming pag-aaral. di gaya ng iba, tulad nila jr, na sariling sikap talaga. tapos, naiinggit-inggit pa ako nun sa mga mayayaman tsktsk. napakainspiring ng kwento ni jr. noh? bilib na ako sa kanya, i think mahal ko na sya bwahahah joke. pero dapat palakpakan natin ang mga taong tulad ni jr.. **palakpakan**.. at iboo ang mga taong gaya ko.. **booooo!!**.. hehe.. kaya mga bata, wag nyo ko gayahin ah.. let’s count our blessings lagi and be grateful sa mga yun
anu ba yan, (wala lang) ayokong makirelate. kc ako nagpapaaral din ako. (bwahahaahah)
lan nio na yun. hehehe, wag ng manintriga. sheet. at least me nakukuha ako kapalit. subrang sarap!
hehheeheheeh. (teka nga lilinawin ko baka isipin nio meron ako boylet na pinapaaral)
ako po yung nagaaral at hangang march nlang ang skul, bwahahaha sarap!
hahahaha.. oi, di ko inisip na boylet yun ah! wahehe
.. wow, pagradweyt ka na pala, congratzzz!!
![]()
bwahahahaha, geisha, nakalimutan mo yata meron kang sariling wordpress. wag makisawsaw kay lilmis,
pero teka, tama ba na dito tayo magchikahan sa comment box nia, nyeta! magmumukha shang sikat pag nakitang maraming comment, choze! bwahahaha
nakalimutan nga nya, nalilito na yan.. nakadrugs siguro wahaha
![]()
oo, tama naman na dito magchikahan, wala naman akong nilagay na babala na bawal magchikahan hahaha.. oisst, sikat ako ah, meron akong average of 5 hits per day.. kaya mo yun? hahahahah
sis.. naiyak rin ako.. buti pa nga u.. napilit mo clang ganyan ako.. di pwede pag cnving hinto- hinto.. bwal ang humadlang kya.. paistop-istop ako.. huhu.. grabe.. naalala ko ung panu mgpagod pra mkapagaral uli.. ayan nagkweto tuloy ako.. bsta be thankful what god give to you.. and always couunt ur blrssing
awww.. minsan talaga walang nagagawang paraan, hindi natin sila masisisi.. sige lang sis, basta nagsisikap ka naman eh
gawin mo na lang inspirasyon si jr, 10yrs bago natapos ahehe ikaw, gawin mo 48yrs haha biro lang
.. anong nagkwento ka, isang sentence nga lang yan, tignan mo yung comment ni geisha, yun ang kwento wahaha
yupyup, pasalamat talaga lagi dapat, para ma-appreciate natin mga kablessingan
![]()
ako din, naiinggit din ako sa mga klasmeyts kong ubod ng yaman.. pang-mayaman kasi talaga ang course ko, hindi kami mayaman pero gusto ko talaga yung course ko kaya pinipilit ko.. madami ring mga nagttrabaho na klasmeyts ko, sila yung mga katulad ko na di rin kayaman pero gustong mag-film.. gusto ko man magtrabaho, di ako pinapayagan kaya ang ginagawa ko, super tipid ng baon at hanap ng kung anu-anong raket..
pag gusto mo naman talaga ang isang bagay, magpupursigi ka talaga! mabuhay ka junior! at dahil diyan, gagawin kong pelikula ang buhay mo!
ahehe sana magpa-ulan ng pera yang mga mayayaman na yan no? lolz.. go lang dyan iha, buti yan sinusuportahan ka ng iyong perents
![]()
isali mo ko sa pelikula ah, mag-iisip na ako kung sino gaganap sakin wahaha kung wala akong maisip, ako na lang! hahaha
![]()
aba, nagyabang ng hits. hehehe
tignan mo sakin.
bah. 10 hits yata ako,
(in one month) bwhahahaah
ahahah! sige, mas sikat ka na! ahaha
![]()
..haaay, katouch naman ang post mo. galing din pati sa comments dami nakakarelate. ako dun sa part na naiinggit nakarelate…kasi likas akong inggitera!bwahahah! kahit meron na ko pag merong mas maganda ang iba, inggit na ako…bad ako e! pero ang nagiging mantra ko na ngayon pag naiinggit na ako…i can’t have everything.:)
apir! inggitera din ako eh nyahahah
yep ok yan na mantra
sakin, eto lang naman sinasabi ko sa sarili ko “iha, wag kang ambisyosa, di mo yan afford..” ahaha
![]()
hi lilmiz, i just transfered to http://www.naptimerocks.com. pa-update naman ng link ko, please?
if you have already, super thanks!
oki na, updated na.. walang anuman
![]()
[...] anu-ano dyan na nakalimutan ko kayo (chos! ahehe). eto na nga at magpopost na, nabasa ko kasi ang comment ng labs ko (yihee!!), di ko sya matiis kaya dali-dali ako nagsulat. inde din ako matutulog ngayon [...]
wow..
mas wow.. ahehe..
![]()
Pebrero 25, 2008 Sa 6:31 hapon
ang buhay ko ay buhay din ni JR..ahahhaa……ganun ako….single blessedness pagdating sa pag aaral….buti nalang pinagpala ako..nakatapos din dahil sa paghihirap ko ng 4 na taon sa kolehiyo…..2 ang work ko nun at nagsksuskul pa ako,,,,kamusta naman ang katawan ko?wahhaha..pero the best ang peeeling pag nagkapagtapos ka..proud ang family ko, at syempre proud din ako sa self ko…kaw bhe, proud ka din na saken?wahaa