Posted by: lilmiz on: Marso 6, 2008
shet, alas sais na at dilat pa rin ako.. bakit kaya? di naman ako nakadrugs ah! ahaha.. peeling ko dahil to sa coke zero na nainom ko. nainggit kasi ako kay b1 na bumili ng sandamakmak na coke zero, pinakita pa nya sakin yung nutrition facts na puro zero nga ang nakalagay.. kaya bumili din ako ahehe.. masarap naman sya, parang yung regular coke lang din pero parang mas acidic ata sya.. ewan ko, pakiramdam ko lang ahehe.. or baka iniisip ko kasi na dapat inde sya ganun katapang dahil parang coke lite o diet coke lang na parehong walang lasa lolz.. bago nauso eto coke zero, regular coke lang iniinom ko. naalala ko sa probinsya, sunday lang ako nakakainom neto at sunday din ako nakakatikim ng masasarap na pagkain ahehe (hindi to regular, kapag may datung lang ang mga magulang hehe). yung isang litro na coke, tamang-tama lang samin apat tapos minsan pagsinuswerte, samin magkapatid napupunta ang share ni tatay pag nag-iinarte sya at ayaw ng matamis lolz. sya yung kj samin eh, ayaw nya na lagi kami umiinom ng coke kasi daw nakakadiabetes daw yun. impernes, napapaniwala nya kami, nagtatakutan kami magkapatid kung sino mauna mapuputulan ng paa o kamay dahil sa diabetes dulot ng coke haha. pero kahit anong pilit ko na wag ng mag soup drinks, may mga times talaga na coke lang ang nababagay na inumin, dba? ahehe at may mga times dni na wala kang choice kasi yun lang kilala mo na drinks, tulad nung sa singapore ako, araw-araw ata ako nakacoke dahil ayaw ko itry yung mga kakaibang inumin nila. peeling ko lalanggamin ako anytime nun heheh.. pero studies show na hindi talaga sya healthy.. eh kung ganun, bakit pa nila inimbento??? tsktsk di ginagamit ang utak! ahaha.. buti na lang at dumating to si coke zero, baka sya na papalit kay regular cowk
try nyo din ahehe
at bakit naman nasa title si marimar? hehe.. peel ko lang! malapit na daw matapos yan.. haay sana tapusin na nga nila at naiinis na ako ahehe.. may nanglibre samin ng dinner kagabi sa may greenbelt at tamang-tama, kasi dun din nagdinner si marimar! haha pero kami nauna dun ah, so wag nyo sabihin stalker kami! lolz di naman ako ganun ka-atat makakita ng artista pero pinamalita ko agad sa aking mga prens thru mass texting wahaha joke wala pala akong load lolz.. ang ganda nya! nakakatibo! wahaha mas maganda sya in person kesa sa tv, di kasi ako nagagandahan sa kanya sa teebee eh so kung nagagandahan ka sa kanya sa teebee, ano na lang kaya magiging reaksyon mo in person? wahehe.. nung una, malapit sya sa table namin umupo kaso parang napansin ata nya na sabay-sabay kami sa lamesa tumingin sa kanya haha kaya lumipat na lang sya sa malayo tsk sayang! papapiktyur pa sana ako habang kumakain sya lolz.. may kasama syang lalaki, may boypren ba sya? tapos naisip namin na kunan ng paparazzi pic at ipadala sa da buzz at pablind item sana haha pero mejo chuchal sya na kainan kaya di na lang namin tinuloy, baka malaman ng mga tagadun na mga jologs kami ahehe ayun wala tuloy ako ebidins na nakita ko nga sya hehe.. awwww! nyahahaha.. sya, tulog lang ako, may pasok pala ako in 5 hrs haha
teka anu ba yung coke?
at sino si marimar?
Hindi pwedeng matapos ang marimar, natutulog yung kasama namin sa bahay after marimar kaya 10:30 ang curfew ko. paano pag natapos na? paano na ako? waaa.
Ano nagpapatamis sa coke zero? baka mamatay naman tayo sa cancer niyan imbes na sa diabetes.
napadaan lang po=)
hindi pa ako nakakatikim ng coke zero!! (Loser!)..hehehe
pwede po ba tau exchange ng links?? thanks you!!
…di ako nakarelate sa marimar, tfc lang ako nagsubscribe e.he3! sino sya?=)
di ko masyado nafeel ang coke zero…matabang e. coke regular forever!hehehe!
I like marian’s marimar, than angel’s lobo.
marimarrrrrrrrrrr! awwwwwww!
salamat nman!!! liiike ko tlaga si marian!! sobrang pretty!!!!
e nasabi mo na din na pretty tlaga cya in person huh??
Go marian!!!! Suuuper sikat talga and prettiest na artista sa pinas!
ahehehe siguro fan ka ni marian noh? lolzz.. yes mas pretty sya in person
![]()
Marso 6, 2008 Sa 7:25 umaga
coke zero at marimar, magkasingkorte lolz, xlink naman po dyan