Posted by: lilmiz on: Marso 15, 2008
sumusobra na ako ano, laging nawawala ng ilang araw ahehe. well, wala lang talaga akong gana magbabad ng matagal sa pyuter dito sa bahay dahil ang init-init na sobra.. sa opis naman, ang hirap mag extrakuri-kuri lolz. binibigyan na ako ng madaming trabaho ni bossing lately, siguro napansin nyang papetiks-petiks ako dati ahehe..
semana santa na pala sa susunod na linggo, ano plano nyo? ang saya, pinayagan ako wag pumasok sa holidays (oo ganun talaga work ko, kelangan magpaalam kung di ka papasok ng walang pasok lolz) kaso wala naman akong pupuntahan
.. di ako pwede umuwi (mahal kasi ng pamasahe), mga friendships ko may kanya-kanyang plano na.. naisip ko lang, sa mga kaibigan ko ako lang ang walang ni isang kapamilya dito sa luzon, kawawa naman ako
pwede kaya magpa-admit sa dswd para naman may kumupkop sakin? mabait naman ako, basta ba pakainin at patulugin lang nila ako, at pagamitin ng internet, solb na! ahahah.. haay, panahon na naman para magpakabait lolz holy week lang bumabait eh heheh at mangumpisal sa mga kasalanang nagawa hehe.. alam nyo ba, antagal ko na hindi nakapagkumpisal? mag-aapat na taon na.. grabe, katoliko pa ba ako? kaya pala bigat ng pakiramdam ko kasi nagkapatung-patung na mga kasalanan ko, di man lang nabawasan lolz.. mula nung nagsimula ako magwork, di na ako nakapagkumpisal. dati kasi regular yun dahil meron talaga sa school tapos pagholyweek, kinakaladkad ako ng nanay ko para mangumpisal. kaso nung dito na ako, nahinto na, kasi parang nahihiya ako ahaha i mean, parang ibang lugar na kasi sya, mas gusto ko pa rin dun sa amin lalo na kung kilala mo yung pari, mas madali mag-open up, naks hehe. at isa pa, hindi ko alam ano ba gagamitin, tagalog o english? haha baka pag nag-english ako, masabihan akong feeling sosyal lolz.. tapos pag tagalog naman, hindi ako makakapag-explain ng maayos (kelangan talaga may explanation
).. pansin ko lang kasi, masyadong maka-tagalog dito (malamang, nasa maynila ako eh lolz), kunwari yung mga sign sa kalye.. yung “no jaywalking” sa cebu ay “bawal tumawid, nakamamatay” dito ahahaha pero ok naman sya ahehe naiimagine ko lang kasi na kung ginawang bisaya din yung sa cebu, ampanget lolz.. at lumayo na ako sa kwento ko haha.. huling kumpisal ko ay 2004 pa, holy week, pero wag ka, dalawang linggo pagkatapos nun ay nakagawa ako ng isang malaking kasalanan. as in. meyjah. heheh. tapos galing nga, kasi pinagsabihan ako ng nanay ko na magkumpisal daw ako ulit bago lumuwas dito. inde ko lang alam kung alam nyang may nagawa akong malaking kasalanan talaga o nagkataon lang.. ayun, pasan-pasan ko pa rin ang kasalanang yun hanggang ngayon waaah.. at dahil lang sa hindi ko alam kung tagalog o english ba gagamitin sa pangungumpisal wahaha.. yung kasalanan ko, hindi naman grabe para sa ibang tao, inde nga alam ng iba na kasalanan yun ahehe pero sana nga next week, mailabas ko na din sya lolz.. siguro sasabihin nyo na pwede naman direct kay papa jesus ang pangumpisal, yup pwede naman talaga pero mas ok para sakin na marinig sa isang alagad nya na pinapatawad at lab pa rin nya ako in spite of my pasawayness
sige, isang mapayapa at makabuluhang holy week na lang sa inyo, mga mahal ko na blagmeyts!
happy holy week sis!!!….=)..
you too =)
last kumpisal ko ay nung hayskul, bago grumadweyt.. tagal na din ah.. last na simba ko naman ay mga 6 months ago na.. tsk tsk.. di ako mabuting anak ni jesus.. hahahaha!! (tinawanan ko pa??!!) waah!! xencia na, kung anu-anong nasasabi ko dito, sabaw na kasi utak ko.. nakakalungkot naman, gagawa ako ng term paper at magrereview ng mass media law exam sa holy wik.. kainggit talaga yung mga may pupuntahan sa holy wik… kakainggit talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
kaya mo yan ling!!! para naman yan sa iyong future eh, naks ahehe
wag mo kami kalimutan pag sikat ka na ha!
.. haay oo, sinabi mo pa, kainggit talaga mga may pupuntahan!!!!!! aheheh
Marso 15, 2008 Sa 7:08 umaga
naks. sama ka sa amin sa holy week. lahat ng bawal gagawin namin. hahahaha
bakit ba tinawag na holy week sa ingles? di ba hindi naman ‘banal na linggo’ ang tawag sa tagalog kundi ‘mahal na araw’ dapat ‘love week o love day’ ang tawag. o pwede ring ‘love sun’
ang gulo ko. hehehe