Posted by: lilmiz on: Marso 21, 2008
kanina pa ako nag-iisip ng pwede iblog. pero wala talaga pumapasok sa kukote ko. naka-hiatus yata ang aking genius na brain haha. parang ang kokorni kasi ng mga topic na pwede ko sana isulat (as if hindi korni yung mga dating entries lolz). gusto ko din sana yung akma sa biyernes santo, pero ano? baka ma-bore lang kayo at maging biyernes santo mukha nyo lolzzz..
ako lang mag-isa ngayon dito sa bahay (maliban dun sa magjowa sa baba pero di sila counted kasi lagi naman nagkukulong sa kwarto mga yun, di ko na nga alam ano hitsura nila o buhay pa ba sila lolz). si b1 ay umuwing ilocos, si b2 ay either nasa mga kapatid nya o sa “boypren” (kelangan may kowt yung boypren), tapos si anna ay may trabaho (tsktsk loser.. hehe at nagsalita ang loser din). sana talaga umuwi na lang ako
.. kanina naisipan ko lumabas para icheck kung totoo ba talagang walang tao sa daan, nabigo ako, madami naman tao eh lolz. wala nga lang trapik. tapos sumakay ako fx papunta ng mall, nakalimutan ko na sarado pala waaah buti na lang malapit lang yung simbahan kaya dun na ako dumiretso (wag nyo isipin na 2nd choice ko lang yung simbahan hmp, talagang plano ko pumunta pero dadaan lang ako sa mall para magpa-aircon lolz). naisip ko, eto na ang chance ko mangumpisal, impromptu pa (dati kasi pinaghahandaan ko yan, nililista ko mga kasalanan para walang makalimutan, usually inde bumababa sa isang daan yun hahah inde naman, mga 99 lang lolz). pero walang kumpisalang nangyari, may mass lang. tamang-tama pagdating ko at kakasimula pa. ayus, nakapagsimba din ako after 48yrs hehe sorry lord. pero hindi ko talaga alam kung bakit, sobrang inaantok ako tuwing homily, lalo na kanina. kasi naman, pangbedroom voice yung boses ni father at parang inulit lang nya yung gospel (hehe sinisi pa yung pari). nakatulog ako ng ilang segundo (i think), buti may biglang ingay sa labas ng simbahan at napagising ako (may tinatayong building ata na malapit dun kaya may nagpu-pukpukan), kainis! lolz.. pinipilit kong makinig ng mabuti at idilat ang aking mga mata pero may sa demonyo talagang humahatak na isara sya. tumitingin na ako sa kisame para ma-open ang mga lecheng mata to its fullest kaso naduduling lang ako. ang sarap talaga itulog. para akong nakikipaglaban sa isang unknown force na tumutukso saking pumunta sa lala land ahehe. gusto ko na ngang tumayo at magjumping jack (tignan ko lang kung aantukin pa rin ako) pero baka mapagalitan ako ni father at parecite-in sa harap lolz. pumipikit-pikit nalang ako saglit pero di talaga tulog, kunwari nagrereflect hehe. tapos dahil sa kakahikab, naging teary-eyed ako, as in napaluha talaga pero di naman hagulgol lolz. siguro akala nung mga katabi ko na natamaan ako sa pinagsasabi ng pari hehe. sa wakas, natapos din sya, na wala ako masyadong naintindihan dahil sa pakikipaglaban sa demonyo lolz. ang weird lang kasi, nawala antok ko pagkatapos ng homily. lalo na nung nakalabas na ako ng simbahan at lalo na ngayon na nasa bahay na ako. mag-aalas tres na pero dilat na dilat pa din ang aking tantalizing eyeballs ahaha. sige nga ipaliwanag nyo kung bakit. lolz.
di pa tapos, may dagdag pa ako lolz.. naalala ko lang na kahit nung bata pa, may history na ako sa pagiging antukin sa simbahan. may minsan na natulog ako sa buong homily part at humiga na lang sa hita ng nanay ko tapos nung nagsitayuan sila ay humilata na ako sa pew. bwahaha. pero pagkatapos ng mass ay bumabalik ang aking lakas waaah bakit ganun.. syempre acceptable pa yun nun kasi bata pa naman, try ko kaya ngayon humilata? haha. paliwanag sakin dati ni nanay, ganun daw talaga.. kapag nasa bahay ka ni lord, tutuksuhin ka ng mga kalaban Nya at kung sino daw yung pinakamalapit ke Lord ay sila ang mas pinipilit ilayo. sabi ko “wow, so close pala kami ni lord?”. sagot ni inay “oo naman, kasi close kami, o ha”. lolz hanep sa explanation no. pero may tama naman yata si mama kahit papano, kasi sa loob ng simbahan lang yung nakakaantok.. yung labas ok naman, wag na lang kaya ako pumasok neks taym? naririnig naman sa labas eh lolz. pero depende din sa pari yun, may paborito ako na pari sa probinsya.. kasi maliban sa sobrang jolly at funny nya, kyut pa hahaha. anubayan, tumatawa ako eh biyernes santo na biyernes santo. kelangan siryus na muna lolz. sige mga friends, magmuni-muni na tayo. now na.
hala, hindi ko naintindihan mga comments dito.. pa-translate naman.. hehe
nakakaantok din kasi minsan ang ambience ng simbahan.. kaya, nasa pari nakasalalay kung panu hindi aantukin ang mga tao sa homily..
sabi nila, kyut daw ako.. yun lang yun ling ahahah
.. oo, dahil talaga sa pari yan lolz
![]()
[...] bisaya friends nyo haha.. anyway, may lightbulb na sumulpot sa utak ko nung nabasa ko comments sa previous entry ko hehe.. nagbibisaya kasi yung iba (sali na ako) tas di naintindihan ni ling at ni wei (bakit kasi [...]
Marso 21, 2008 Sa 4:47 umaga
giingnan bitaw tika nga naa ko lana diri!!! ahhaha..aw, wa pa to naabot dra?! ako man to gipa-rush delivery..hhehhehe…
makikimuni-muni ako..kasi narito ako sa work..
oo walang bakasyon dito kahit holy week!!! huhuhu