Sayt ni LilMisPasaway

an inconvenient truth, isdatchu?

Posted by: lilmiz on: Marso 29, 2008

grabe, naramdaman nyo ba ang sobrang init lately? hindi na talaga joke ang global warming na sinasabi ni tito al gore :( last week ko nafeel ang pagsimula ng matinding init. kasi ang OA ng balat ko, napakasensitibo sa mga biglaang pagbabago ng panahon. nagpapantal at nangangati sya. pero wala na naman ngayon, nangyayari lang pag nagsisimula ang isang extreme weather. weird noh? ahehe. ang naniniwala sakin ay uto-uto lolz hindi. totoo talaga yan sinabi ko, dati ko pa napansin. sabi ni nanay naman, baka lang daw may nakakain akong allergic ako. pero hello, wala naman nag-iba sa kinakain kong unhealthy foods araw-araw lolz. kaya ako na lang nagdecide na resulta sya sa global warming ahehe. bukod sa nagloloko ang skin ko ay hindi talaga ako nakakapagtrabaho ng maayos pag mainit. pati kasi sa opis, humihina na ang effect ng aircon. kung dati ay nanginginig pa kami sa lamig, ngayon, lagi ko na naririnig ang “it’s getting hot in here” (kala ko nun may naglalandian lang, yung weather pala tinutukoy ahehe). tapos pawisin pa tong lecheng kamay ko. may magmention nga lang ng salitang “pawis” ay nababasa na sya, ano pa kaya ngayon na abnormal ang pagka-init? para na syang gripo na tumutulo lolz. impak, binabaha na yung keyboard ko dito ngayon habang nagtatype ako. ahahah joke lang. kakastart pa lang nya mag-basa lolz. dagdag pa sa init ay ang mahaba at makapal kong buhok. kaya eto, di ko napigilan, nagpakalbo na ako. ahaha sana keri ko yun, ang saya siguro.. presko na feeling mo, di pa kelangan magshampoo hehe. nagpagupit lang ako, mga isang inch lolz! sayang din sa hair eh haha biro lang. pinagupitan ko in such a way na magmumukha syang manipis pero di maiksi hehe hirap din pahaba ng buhok no. tapos sarap din maligo ng napakatagal, kung pwede lang di ako lumabas ng banyo, gagawin ko ahehe. wish ko din, may bathtub dito para dun na ako tatambay buong araw :D

dahil medyo sinipag ako, niresearch ko talaga kung bakit parang mas mainit ngayong summer kumpara sa mga nakaraan. at totoo nga, malala daw ang init this summer tapos may posibilidad pa daw umabot hanggang 40-degrees yung temperatura. basahin nyo pa dito hehe. yung 40 degrees ay sa Cagayan Valley, dito sa Manila mga 37 daw ang max (naniniwala na ako ngayon kay Abad na maaraw nga sa tuguegarao ahehe). pero waaah, mabubuhay pa ba tayo kung umabot na ng ganyan? ngayon pa nga lang na 30 degrees, nahihirapan na ako huminga lolz. mauuso na naman yung heat stroke nito, sana lang walang madedo, katakot. dito sa bahay, naka-on na lahat ng electric fan (kasama na rin ang exhaust fan sa CR hahah) pero parang wala lang din, kasi naman pati yung umiikot na hangin mainit na din, wala pa ring lusot :( . sumuko na yung isang electric fan namin kanina, bigla na lang syang namatay, wala namang umaano sa kanya lolz. siguro nahilo na sya sa kakaikot hehe or baka kelangan na nya linisan amp lolz. may aircon din naman dito, kaso kahit nasa highest level na ay kunting lamig lang nabibigay nya, sayang lang sa kurente kaya wag na lang din. ang hirap :|

hahay, bakit nga ba to nangyayari? tas palala pa sya ng palala. nakakatakot isipin na baka dahil dito ay mapapa-aga ang pagka-extinct ng mga tao. kasi what if mas iinit pa sa mga susunod na taon? hanggang sa point na hindi na natin kaya or di kaya, hanggang sa matunaw na tayo lolz (ayan pwede nyo na gamitin ang linyang “you make me melt”..literally hehe). sana magpakatino na tayong mga tao at alagaan natin ang kalikasan noh, tayo lang din naman kasi may kasalanan nito :( .. gusto ko na tuloy umuwi sa probinsya at pumunta sa “bukid”. buti pa dun, malamig ang hangin hehe. mamaya ha, 8-9pm, kung kaya nyo sumali sa earthhour, join kayo. kahit papano, makakatulong yan sa inconvenient truth ;)

21 Responses to "an inconvenient truth, isdatchu?"

1 | brath

Marso 29th, 2008 at 10:36 am

gusto ko yang documentary film ni al gore napaka educational yuhuuuu,, naku sisteret di kaya manibago ako niyan kasi uuwi ako this coming april 14, hay baka magkasakit ako niyan,,, tsktsk,,,

xiao!

weee uwi ka? pasalubong? ahaha jk :P .. naku, paghandaan mo lang sisteret para di ka mashock ahehe :D

2 | Maldito

Marso 29th, 2008 at 2:05 pm

sana nga lang din bhe mag brown out sa office para wala kaming work..ahahhaa…hmmmm….bakit iba ang nabalitaan ko?lalamig daw ang summer ngayun bhe kasi nagiging abnormal na ang earth..you know overused na..kaya pala kunting babad ko lang dun sa bantayan para na akong kuya ni kirara…mata ko lang yung pumuti..ahehhee…concern ka talaga sa earth bhe no?dont worry bhe, pag mayaman na ako, bibilhin ko ang earth..tapos rerelocate natin ang mga tao sa mars..para tayu nalang ang mag aalaga kay inang kalikasan..lols

oo bhe, abnormal talaga daw kasi magkakaron din ng pag-uulan paminsan-minsan.. mababaliw na tayo neto ahaha, sobrang init tas biglang ulan ba naman :D .. ahahah di naman ko masyadong concerned bhe, nafefeel ko lang ang effects ahehe pero sana may magawa pa akong iba kesa magreklamo lang dito sa blog nyahahah :P magkano kaya ang earth bhe no? siguro mura lang kasi sobrang abused na ahaha bilhin natin buy 1 take 1 lolz! :P

3 | Prinsipe ng Pangarap!

Marso 29th, 2008 at 2:41 pm

anak nampusang gala naman oh. ang init nga naman talaga SOBRA! as in uber-na-uber…. hindi ko na kinakaya. haiz… global Warming talaga.

uber talaga.. sarap siguro tumira ngayon sa north/south pole ahehe :D

4 | Maldito

Marso 29th, 2008 at 3:32 pm

eto lang muna mahshare ko salahat about gloabl warming..hope you enjoy the vids.

http://member.wayn.com/global_warming

thank you bhe.. pakiss nga :* .. ahehehe :P

5 | wei vines

Marso 29th, 2008 at 3:36 pm

hayy ate.. ganyan nga talaga… yung AC nga namin dito, buong araw na naman ginagamit eh…hahah!! di ko na kakayanin ang Maynila.

patay kayo pag bayaran na ng kurente ahaha oh well, mayaman ka naman ata :D .. kami mga once a wk lang mag AC, tapos isang oras lang.. para tipid! nyahaha :D

6 | cliogoddess

Marso 29th, 2008 at 9:52 pm

Hala. Highschool palang ako, nagreport nako about global warming, tapos ngayon palang ito nabibigyang pansin. (im now 79 yrs old). potaah,
lam nio ba? if our climate becomes hotter, it also becomes wetter, kc mas maraming water ang mageevaporate. yun cguro yung sinabi nila na uulan parin.

6′ degrees can change the world (palabas sa Natl geo) ibig sabihin, half eh magiging dessert and half eh masusubmerge sa tubig.

atlantis, here we come. tsk tsk tsk,

clio, patanda ka ng patanda ah ahehe :P .. oo, ang sad talaga, dati pa natin alam mangyayari to pero sige pa rin sa pagpopollute huhu.. wag naman sana tayo masubmerge sa tubig or maging desert :( .. nakita ko nga commercial nyan sa natgeo pero di ko pa napanood, mapanood nga.. nagiging serious ka din pala paminsan mare ha :D

7 | linglingbells

Marso 29th, 2008 at 11:32 pm

grabe nga eh! yung aircon din namin sa kwarto parang wala lang.. ang init!!!

pumasok ka na lang sa ref nyo ahaha.. pero umulan kanina ha, halaa.. hehe :D

8 | wei vines

Marso 30th, 2008 at 2:01 am

@ lingling- tapos nakabukas pa yung fan noh???hayyy grabe.

magtago ka na din sa ref! hehe

9 | Geisha

Marso 30th, 2008 at 6:29 am

malapit na talagang magunaw ang mundo! clio magbalik loob na tayo sa dyos! ewan na natin ang trabaho.. :lol:

ahaha.. sama ako! iwan ko din work! :lol:

10 | Prinsipe ng Pangarap!

Marso 30th, 2008 at 12:40 pm

oo nga sarap nga talaga siguro… sarap sa nagyeyelong lugar.. kanina pagkagising ko grabe nanlalagkit ako. waaaaaaaaah!

hala, bakit ka nanlagkit? lolz! :P .. sana umikot ng pavertical yung mundo para mapunta tayo sa south o north hehe

11 | sommer

Marso 30th, 2008 at 2:47 pm

…ngek, di ka pala pede dito sa dubai, ngayon pa nga lang na hindi pa full blown summer e nasa 33 degrees na kame.whaaaaa ang init!!=(

waa 33?? normal yan dyan sis? ang init naman! parang di nga ako pwede dyan ahaha.. buti at kaya nyo, galing! :D

12 | rio

Marso 30th, 2008 at 6:14 pm

wag nalang kaya ako bumalik dyan sa manila..d2 sa cotbato..malamig naman!!=)

probinsya kasi eh.. buti ka pa! gusto ko din magprobinsya! ahehe.. balik ka sis, diba may naghihintay sayo dito? hahaha! :P

13 | Lenggai

Marso 30th, 2008 at 7:46 pm

you should see yung 6 degress could change the world sa natgeo… grabe yun. as in.

hinahanap ko na nga yung vid na yan.. parang nakakatakot talaga.. sana ma-agapan pa :|

14 | Lenggai

Marso 30th, 2008 at 8:40 pm

WTF?! “degress”… lol!!!

degrees. yan. stupid keyboard!

ahahah kinorek talaga :lol:

15 | kengkay

Marso 30th, 2008 at 10:08 pm

dito naman super lamig - kung pwede lang mangapitbahay dyan e. hindi ko pa napapanood yang video na yan :(

mamakengkz! punta kami dyan, pwede? ahehe.. oo nga, sana ganun lang kadali :( .. panoorin natin yun 6 degrees, nasa link na to hehe hinanap talaga :D

16 | buffalo soldier kadeteng kalabaw

Marso 31st, 2008 at 9:04 am

Abaniko lang po gamit ko..maawa naman kayo sakin

LOL!! @ abaniko .. classic! ahehe :D .. oo nga, mas kawawa pala yung mga walang kurente :(

17 | gasti

Marso 31st, 2008 at 10:47 am

minsan nga mas gusto ko pa yung nasa opis na lang kasi mas malamig. pag nasa bahay nag iinit ako. laging nakakunot ang noo ko sa asar.

wag ka mag alala siguro naman ay mas mainit pa rin sa impyerno. parang training ground na rin natin tong earth.

wahahaha.. wait, so ibig mo sabihin sa impyerno ako mapupunta? noooo!!.. wehehe.. kung mas malala pa neto ang impyerno, magpapakabait na ako! ahahah :P

18 | einn0c

Marso 31st, 2008 at 1:32 pm

agree ako super init na nga ng panahon ngayon..di tuloy ako makatulog ng maayos kasi pati hangin ng fan mainit…dito nga sa office may feeling baywatch babe kasi ang init daw at palang walang aircon kaya bare sya ng skin….tingin ko nga umakyat na init sa ulo nya kaya tuluyan ng napraning..

ahahaha! buhusan mo ng malamig na tubig sis para matauhan.. lolz! :D .. buti nga kanina medyo malamig sa opis o baka nilakasan lang nila aircon, nakapagjacket pa kasi ako hehe :)

19 | chillidobo

Marso 31st, 2008 at 2:31 pm

kami sa bahay eh hindi lang 8-9 ang oras na pinatay ang ilaw. hanggang magdamag at mag-umaga na… kasi tulog na kami nun pero ang galing diba, di ko alam na in a way eh nakiisa kami sa advocacy na yan…while we were even sleeping

hindi ko alam kung seryoso ka ba sa comment mo or not.. ahahaha.. pero may sense naman lolz kaya okey ka kokey! wehehe :P

20 | cliogoddess

Abril 1st, 2008 at 12:06 am

uu nman noh, mejo meron nman ako inclination to protect our home, since it’s the only one we have, bwahahah. ksali ako sa earth hour. a blog entry will be posted soon regarding that, bwahahahah

21 | angel

Abril 1st, 2008 at 3:18 am

gusto ko din panoorin yan.. Nakuw ilang beses na yang nirerekumenda ng mga professors ko mula environmental science hanggang sa ecotourism..

Comment Form

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)