Sayt ni LilMisPasaway

Malapit na..

Posted by: lilmiz on: Abril 3, 2008

ambilis talaga ng panahon. nasa pang-apat na buwan na tayo ng taon ngayon. pero parang di ko man lang masyadong naramdaman. dahil ba sa wala akong magandang nagawa? ahaha or nagsayang lang ako ng oras sa mga walang kwentang bagay? naks, parang malalim sya no lolz.. sya nga pala, bago ako magproceed.. pinapaalala ko lang sa inyo na.. (baka kasi makalimutan nyo. mahirap na. sige kayo, hindi na kayo ilalab ni lord nyan ahaha).. na..

malapit na birthday ko! lolz!! :D .. sa lunes na ahehe. ayan ha, wala na kayong ekskyus na hindi ako bigyan ng regalo. ok lang talaga kahit di nyo ko greet, maiintindihan ko :) . pero yung walang regalo? di pwede! awayan na! kanya-kanya na kung sakali. ahahah biro lang peepz :P pero pwede nyo rin totohanin, i won’t mind, email ko senyo address ko ah haha. nagpapasalamat ako ke tita glow at ginawa nyang holiday yung lunes, especially for me :) hindi nyo ba nakikita sa mga kalendaryo nyo na “lilmispasaway’s day” yun? kung hindi, aba’y peke pala yang kalendaryo nyo! ahahah :P

sa totoo lang, hindi ako masyadong eksayted sa bertdey ko sa taong to, di katulad nung mga nagdaan na :( . kasi naman madadagdagan na naman ng isang taon yung edad ko waaa. sobra, ang tanda ko na pero wala man lang nagbago sa pananaw ko sa buhay, immature pa din. maniwala kayo’t sa hindi, malapit na ako magsixteen (nyahahaha) pero isip elementary pa din. fayn, aaminin ko na, 18 na ako! ahaha kulang pa din? lolz.. kk, 23 na ako ngayon, huhuhu. feeling ko kasi, yan na ang last number ng pagiging “bata”. pag umabot na ng 24, parang dapat ibang level na (yes, may leveling talaga hehe). scary na sya lolz. siguro dahil mid twenties na yun, tas magiging late twenties, tas early thirties, tas gurang na waaah. wag na lang kayo ako magbertdey noh? wala lang lolz, ang tanda ko na talaga haha. pero ano na ba ang nagawa ko sa buhay? ano ba maipagmamalaki ko kung sakaling interbyuhin ako sa tv para sa aking bertdey special (lolz)? WALA :( .. true, nakakatulong nga ako sa pamilya, kaibigan, pati na rin kay mader earth hehe, pero lahat naman tayo ganun eh. kahit nga mas bata pa sakin. so, ano ba pinagkaiba ko? wala noh? ang sad naman. bakit kasi di ko pa din alam ano gusto ko gawin ahehe. ay, parang papunta na naman ako sa pagiging purposeless ng buhay ko (quarter life crisis, isdatchu? lolz). apat na taon na ako nagtatrabaho pero hanggang ngayon di ko pa rin sigurado kung hanggang dito na lang ba talaga ako. or baka may ibang plano pa si lord sakin. pano ba kasi malalaman yan? ako pa naman na hindi marunong magdesisyon para sa sarili. kung anuman ibigay, tinatanggap ko lang. di gaya ng iba, na pinaghihirapan makamit ang gusto nila. mas magandang fulfillment siguro ang ganun. hindi ko naman sinasabi na gusto ko maghirap na parang bidang inaapi sa teleserye haha. gusto ko lang mahanap si purpose, kung san man sya nagtatago. tas gagawin ko na lahat para makamit sya (ahehe parang tao). dapat talaga tinuloy ko na lang plano ko mag-artisa. isa na sana ako sa hinahangaan nyo ngayon. ahahaha. hinahangaan sa anong larangan kaya? ala-pokwang ganun ahehe :D

posible nga kayang nagsasayang lang ako ng panahon sa mga bagay na wala namang kinalaman sa purpose ko? ika nga ni anonymous, “one thing you can’t recycle is wasted time. lost time is never found again”. agree ako sa kanya, hinding-hindi talaga natin maibabalik ang oras. tulad ngayon, sana yung niblog ko ay tinulog ko na lang, magigising pa ako ng maaga ahaha. or ikaw na nagbabasa ngayon, nasayang ang oras mo at binasa mo to lahat ahaha.. pero sus, so what? magsayangan tayo ng oras! masaya naman eh! haha. kesa magdrugs tayo diba? gastos pa yun lolz. kaya magblog na lang :D tsaka di naman tayo manghuhula para malaman ano nasa future, malay natin magugunaw na pala ang mundo. buti ng magsayang ng oras ngayon kesa huli na ang lahat. lolz parang walang sense sinabi ko :D ah basta! handa ako magsayang ng oras para sa inyo.. chos! :D .. nga pala, yung gift(s) ko ha! kahit ano lang, di naman ako choosy hahah :P

14 Responses to "Malapit na.."

1 | nickname™

Abril 3rd, 2008 at 9:14 am

ay, first honor ako? hehehe…

advance hapee beerday pasaway! hehehe… ako, inde nasayang ang oras ko.. reading blogs is worth it. hehehe..

tanda mo na pala.. jowk! ok lang yan.. :lol:

bigyan kita medal kasi first honor ka ahehe.. oo na, matanda na ako lolz.. thanks sa greeting pero mas ok sana ang regalo.. nyahaha jok.. salamat angga™ (diba bisaya na sa nickname™) :lol:

2 | MisyeL

Abril 3rd, 2008 at 11:39 am

Lapit na pala bday mo, advance happy birthday Lilmiz! Wag kana malungkot, bata ka pa marami pang mangyayaring makabuluhang bagay para sayo. Cheers! ;)

thanks sis :D sinadya ko maglungkot-lungkotan ngayon para sa bertdey ko ay masaya na ako ahaha labo ba lolz.. cheers! ;)

3 | koreanmine

Abril 3rd, 2008 at 9:33 pm

hmp! 23 nagrereklamo sa age! che! hmp! hmp! hmp!
Lols :lol:

senxa ka na, sau ko na unang naibuhos ang emote ko dahil abril na! Lols :lol:

ahahah.. hmp! hmp! lolz :P .. oki lang sis, hmm ano ba meron sa abril? ahehe bertdey mo na din? :)

4 | camilleeee

Abril 3rd, 2008 at 11:19 pm

anlakas mo pla kay ate glow! ginawang holiday pa ang 7. naks! pede ilipat sa ibang araw? waaaaa juk sis!

sa lunes na din ang gip ko saka greetings. hehe ;)

oo, tight kami ;) pero secret lang natin ah .. ahaha :D
asus sis, nag-abala ka pa.. its da tot dat counts naman :) .. pero di nga, may gip talaga ako? wahaha.. yehey!! :lol:

5 | linglingbells

Abril 4th, 2008 at 12:10 am

tsk tsk.. maiisip mo talaga yan pag malapit ka ng magbertdey..

oo nga eh hehe.. sana pwede ipapostpone yung bertdey ano hehehe

6 | Geisha

Abril 4th, 2008 at 1:20 am

tanda mo na pala ateh :D

i knew it! tatawagin mo talaga akong ate.. waaah.. oo na, oo na, matanda na ako! ahaha.. kasalanan ko bang maaga lumandi nanay ko? hahahaha :P

7 | wei vines

Abril 4th, 2008 at 2:52 am

sabi ko na nga eh..hindi ko dapat buksan to :lol:

nyahaha.. nasayang ba ang oras mo? lolz.. sorry ka na lang, di mo na maibabalik yun, bleh! :P .. oh, san na ang gip? ahahah

8 | kulot

Abril 4th, 2008 at 9:55 am

nako arian ka rin pala, siguro may topak ka rin kagaya ko

ikaw lang yun.. dinadamay mo pa ako.. ahaha :P

9 | rio

Abril 4th, 2008 at 9:20 pm

wow! sis….advance happy 24th birthday!!!….san ka ba malapit para maibigay ko gift ko sau..lols….=) flying kiss nlang sis ha..eto saluhin mo….ummmmmmwaahhhhhhhhhhhhhh=)

ahehehe.. tenks sa flying kiss sis, buti hindi sinalo ng iba ahehe.. mwaaaaahhh!! din :D

10 | cliogoddess

Abril 5th, 2008 at 9:54 pm

bwahahahaha. subra ka nman, 78 yrs nko, pero hangang nagyon di ko parin alam ang spelling ng neighbor, bwahahah. ewan nakalimutan ko na tungkol saan tong post mo, heheh at hindirin kita babatiin ng Happy birthday, kala mo,

ok lang walang greet nga, yung gips imfortant! nyahahah :P .. salamat na din.. sa pagcomment.. hmp! ahaha :P

11 | sommer

Abril 6th, 2008 at 9:18 pm

…ngek, kung gurangis ka na, ano na lang tawag sa akin?? heheheh!! pinakamasakit talagang phase ang qurter life crisis…next mid life na!haaay!!! nagstop ang edad ko 23 e..mga ilang years ago na din1nyahahha!!
…nwei happy happy birthday…enjoy your day!!=)
lumipat na pala ako sa wp…http://menemiscely.wordpress.com. =)

isastop ko na din ang age ko ngayon! ahahaha secret lang natin yan sis ah :D .. thanks sa greeting, enjoy to kasi may outing! weee! :D
wow! welkam to WP! mas masaya d2, korek? haha :P

12 | dhez

Abril 6th, 2008 at 9:23 pm

lilmiz happy 24th birthday!!! ( tlgng nilagay pa ang age noh..? hehe.. ok lng yun.. :) ) i layb u sis.. *hug*

oo nga ahaha.. tenks sis, labyu 2!! *hugz* :D

13 | batabatuta

Abril 8th, 2008 at 11:40 am

“one thing you can’t recycle is wasted time. lost time is never found again”..nice..appeee beerday po..hope your beerday was a blast..mejo late po ang greetings ko eh..hehehe..a blog like this is never a waste of time…enjoy your day!!!

14 | angel

Abril 11th, 2008 at 12:40 am

baka di kita ma greet! kaya greet na kita ngayon!!! Happy birthday!! :D

Comment Form

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)