Posted by: lilmiz on: Abril 7, 2008
hi ma!
eto na naman tayo, nagbebertdey hehe. although mas nauna ka sakin ng dalawang araw (wow, 2 days lang gap natin, how could dat be? lolz). pano ba yan ma, tumanda ka na naman. 48?? eww! pero sige lang, di ka naman mukhang matanda. impak, lagi tayo napagkakamalang magkapatid lang diba. minsan kala din nila na nag-asawa ka habang tinedyer pa lolz. isip-bata bata ka kasi tignan at alam ko ano secret mo.. at yun ay kami! haha kasi ambait-bait namin noh? (pag tulog) lolz.. wala ka talagang problema samin (pag tulog), aminin mo haha. sa dalawamput-apat na taong pagiging nanay mo sakin, masasabi ko na ginawa mo lahat-lahat at higit pa para maging isang mabuting mader. hindi ka nga perpekto pero hindi naman kami naghahanap ng perpektong magulang kasi mapipilitan din kaming maging perpekto ahehe. gusto ko malaman mo na ni minsan, hindi ko naisip na sana hindi kaw naging mama ko
at sana yun din naisip mo sakin
inaamin ko na naiinggit ako sa mga may madaming pera pero yung pera lang kina-iinggitan ko sa kanila, hindi yung buhay o pamilya nila lolz.. salamat sa mga aral at mga “tuo-tuo” (superstitious beliefs) na tinuro mo sakin. dala ko pa din sila hanggang ngayon. tulad na lang ng bawal magupit ng kuko at magwalis sa bahay kapag gabi lolz.
hindi ko alam pano kita papasalamatan *sniff sniff*. words are not enough (hehe english yan baka magnosebleed ka
). naalala ko lang, kaw nagturo sakin magsulat ng pangalan ko bago pa ako pumasok sa iskul. ang problema lang, mali tinuro mo na spelling. kala mo kasi letter ‘k’ nagstart, tas nung pasukan at kuhanan na ng bert sertepekeyt, letter ‘c’ pala start pangalan ko. kaya ayun hindi ako marunong magsulat ng letter ‘c’ nung una ahaha. tas di mo pa ako pinapasok ng nursery/prep/daycare/kinder, dretso grade 1 na. straight to da point kumbaga ahehe. proud na proud ka pa sakin dahil top 2 ako sa section 4 ng grade 1, dinalhan mo pa ng ilang kilong gulay yung titser ko nyahaha sensya na, i was only 6 yrs old eh lolz. namulat ako na nagtatrabaho kayong dalawa ni papa. kung anu-anong klaseng negosyo pinasok nyo para lang maitaguyod kaming mga sipunin nyong anak ahaha. lalo na kaw. as in. ang hirap kaya ng isang working nanay. nagtatrabaho ka na nga sa labas, pag-uwi mo kaw pa din gagawa ng mga gawaing bahay tas dagdagan pa ng mga pasaway na anak na puro laro sa labas lang alam ahehe. ilang beses mo na din ako nasabihan ng “ganda-ganda mo talaga anak!” tapos sabay kurot sa singit at palo sa pwet. ang sweet! haha. speaking of pwet, salamat pala at napamana mo sakin ang ass-et na yan. kahit ilang beses na ako na-islayd, di talaga masakit, may padding eh haha. minsan, naiisip ko na sumpa to. lam mo ba na dun sa dati ko na work, ginagawang pasttime ng mga tao ang pagpalo sa pwet ko?para ako hini-hazing. kaya nga ako umalis eh ahaha. so far, wala pa naman pumapalo sa work ko ngayon. kaso nung isang araw lang, habang nag-aabang ako ng masasakyan sa labas, may biglang pumalo ng mahina sa humps ko (lolz humps). kala ko lalake, yung landlady lang pala namin.. sayang! haha
salamat at napalaki mo kami ng maayos kahit papano. lagi mo kami sinasabihan na wag manira o manloko ng ibang tao dahil bad yun (si bunso, nanloloko ng gurlz, pagalitan mo! lolz). na kung may di kami magandang sasabihin ay wag na lang kami magsalita. kaya nga nung nasa poder nyo pa ako ay never ako natutong magmura haha. dito na ako natuto magsabi ng “pak” or “shet”
.. yung ayaw ko lang makuha sayo (na hopefully ay di ko talaga namana) ay ang pagiging.. hmm pano ba sabihin.. nagger? mo. ahahah. sorry na, pero nakakairita talaga minsan. lalo na pag umagang-umaga. lam mo naman hindi ako morning person pero yung laging sumasalubong sakin dati ay ang mga salitang “anak, ano ba! gumising ka na! naku, anong oras na.. maleleyt ka na naman.. rata-tatat-rata-tatatat..bang-bang-bang”. totoo, pakiramdam ko binabaril ako ahaha. nagbibingi-bingihan ako minsan, kunwari tulog pa din ahehe. pero lam ko na alam mo gising na ako kaya tinataas mo ang pitch. haaay, bigla ko namiss yun ah, infernez nakakamiss pala
dito kasi sa malayo, walang pumupuna sakin. di ko na tuloy alam kung tama mga pinag-gagawa ko dito ahehe. pero wag ka mag-alala, di naman ako gagawa ng bagay na ikasasama ng loob mo. teka, ano ba mga ikakasama ng loob mo? diba wala naman? ahehe.
kaya pala nasabi ko na pinakacool ka dahil ako naging anak mo ahahah.. hindi, dahil seryoso ka man na tao ay marunong ka pa rin mag-enjoy sa buhay. tipong madre in da morning tas ballroom queen at night. ahehe (annie batumbakal, isdatchu?lolz). naalala ko may point na sobrang into sa mga fellowship-fellowship at religious seminars ka. remember LSS days? sinasama mo pa ako ahehe. nashock kaya ako nung una. hiskul pa ako nun eh, pano naman ako makakarelate sa mga karanasang shinishare dun? lolz. tapos yung time na na-adik ka sa ballroom? naku, sino ba kasi nag-impluwesya sayo nun? nag-aral ka pa haha. tas pag nagna-”nightout” kayo ng mga kumare mo ay di ka pinapayagan ni papa minsan kaya sinasama mo ako para walang reklamo. waah, torture yun. habang hinhintay ko kayong matapos sa pag-aaksaya nyo ng oras sa ballroom, sobrang takot ako nun na baka may makakita sakin na klasmeyt o kakilala ahaha. compared sa ibang mga nanay, kakaiba ka talaga ahehe. tuwing nakikita ka nga ng mga friends ko, lagi nila nasasabi na “ang cool ng ina mo” lolz. naku kung alam lang nila pano mo kami pinapagalitan, hindi cool! haha. pero da best ka pa rin naman para sakn
pasensya na sa mga pagkukulang ko bilang anak ha. kulang-kulang talaga kasi ako lolz. hindi man ako masyadong showy sa feelings ko, alam mo namang lab na lab na lab kita, diba?
wish ko lang talaga sayo (sa inyo ni papa) ay good health, happiness at world peace haha. alagaan nyo lagi katawan nyo. wag ka na magpakafeeling bata, ma. ahehe. basta kelangan dito pa rin kayo kahit may apo sa talampakan na (parang si lola
), deal?
aylabyu ulit
happy happy happy birthday!
hindi naman masyadong mahaba to pabati ko sayo. parang nagkwento lang naman ako ng buong buhay natin lolz. sya, tulog na ako at alis pa ko maya. nasabihan na naman kita na may overnight activity kami ng mga friends ko at work noh? gagamitin namin yung napalunan sa isang award, pero ipapalabas ko na ako ang nanlibre sa kanila. galing ko no? mana-mana lang yan. ahahah.
P.S.
salamat pala sa nitext mo na wish sakin: “anak, sana magkaboyfriend ka ng mabait at MAY JOB na guy” .. hahaha, inemphasize mo pa ang “may job” ah .. ang hirap naman hanapin nyan, ma.. lolz! nga pala, ini-expect ko na may ganitong post ka din para sakin sa blog mo ah, entitled “para sa da best at pinakamagandang anak sa buong planeta” ahahaha
[...] happy birthday sis ‘tin !! [...]
happy birthday lilmiz….err.. fellow carolinian?! hehe
happy birthday to u hapi birtday 2 u..hapi bday hapi bday hapi bday to mama…hehehe..=)
ey
hapi na
may birthday pa!
ako din makikibati… hapi bertdey! =P
pahabol, happy bertdey
hapee bertdey sa mama mo! may blog din siya??? cool! hehe
sis…bakit k hiatus??..paramdam k na>>miss n kita…
Abril 7, 2008 Sa 6:43 umaga
apee birtdey sa iyo at sa mom mo sis tin!!!
weeeeee!
asa man ang kaon?
pungko-pungko ta?
tara?!
(wa’y barugay ha)