Posted by: lilmiz on: Mayo 25, 2008
sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko din ang luneta park nung nakaraang linggo ahaha.. kaya starring sa pamagat ko yan si rizal
may mga kamag-anak kasi ako napadpad dito last week, wala ako kaalam-alam, bigla na lang ako nitext na andito na sila at sumama daw ako mamasyal sa ocean park. buti at nagkataon wala ako pasok, anlayo ko kaya sa maynila, ni hindi ko nga alam pano pumunta dun haha. sa awa ni lord, nakarating naman ako (taxi. hehe). dapat sa ocean park lang ang pasyal pero nung nalaman nila na hindi pa ako ever naka-apak sa luneta, dumaan muna kami.. masaya naman mamasyal dun lalo na at hindi mainit at wala masyadong tao, weekday kasi hehe pero sabi nila pag-sunday, puno yun, kasi madaming naka day-off
.. yung mga pinsan ko ay mga bata pa so andaming tanong tulad nung nakita nilang may nagbabantay sa statue ni rizal, tinanong nila ano daw purpose haha.. sagot naman ng tito ko, para daw hindi nakawin yung ginto na pinapatago ni rizal.. at totoo nga, may tatlong gold na stars sa tuktok haha..

pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa ocean park, sa likod sya ng quirino grandstand (sa mga gustong pumunta
).. pero sana nagtsinelas or nagflats man lang ako dahil puro lakad ginawa namin (syempre, pasyal nga eh lolz hmm di ko naisip yun haha).. medyo mahal ang entrance ha, 400 sa adults then 350 sa kids.. tatlo yung pinsan ko, 10-12yrs olds.. so dapat sa 350 sila diba? naku hindi, kasi kelangan din below 4.5 feet daw .. eh kasalanan ba ng mga kids kung matangkad sila? lolz.. buti at napakiusapan naman, niconsider yung dalawa as kids pero ang mahal pa din and to think hindi pa sya completely tapos.. ok naman sya.. hmm, ang daming isda! ahaha.. para nga lang syang minadaling i-open kahit madami pa inaayos ahehe.. pero i think, kung matapos na yun at lahat tsaka maayos na nila, sobrang maeenjoy mga tao dun esp the kids.. may effort din na maging educational, kasi may mag-eexplain sa ibang parts.. kaso sa dami ng tao, hindi na marinig
sa may entrance.. bilihan ng tickets

nakasmile sya ano ahehe..

spider crab.. magkano kaya to pag-nikilo haha

gusto ko mga isdang to.. parang ang healthy nila haha tas naka-pout pa yung lips lolz

isda ba kayo?

hindi ko sure kung bakit pero bawal ang flash photography sa loob.. eh ang dilim-dilim naman, sa loob lang ng mga nilalanguyan ng isda ang may ilaw, so kung magpapicture ka kasama ang isda, hindi ka makikita haha tulad ng nangyari sa pinsan ko.. bakit kaya bawal magflash? para hindi mabulag ang isda? lolz! .. kunti lang papakita ko pics, pumunta kayo dun para makita nyo lahat hehe
yung gusto ko na part ay yung parang sa underwater world ng sentosa.. para kang nasa ilalim ng ocean kasi, naks
.. medyo maliit nga lang yung satin pero at least meron tayong sariling atin

papasok sa underwater area

para kang nasa ilalim ng dagat talaga


kainan na! (hindi yung tao kinakain ng mga isda ah haha)

baby sharks.. naka-separate sila sa ibang isda, para walang away ahehe
tapos nitry namin yung fish spa (100 for 20 mins hehe) kung saan kinakagat ng mga maliit na isda ang mga paa mo nyahaha.

actually, ayoko sana talaga, pinilit lang ako lolz.. kaya nung nagsimula ng lumapit mga isda sa paa ko, napasigaw ako nung una.. ang weird kasi ng feeling haha tas naiisip ko pa na what if napadami ang kagat nila at magkasugat ako? ahaha.. pero hindi naman nangyari ahehe, masaya naman din, parang kinikiliti ka lang nila lolz.. sulit naman ang 100, parang antagal nga ng 20mins eh haha..
enjoy naman kahit papano
tsaka libre naman ng tito ko ang entrance ahaha.. balik ako dun kung tapos na lahat
.. punta din kayo! hindi mahaba pila pag weekdays
waaaah,, naingit nman ako, gusto ko ako yung nsa loob ng malaking aquarium. bwahha
ahaha pwede.. ikaw si dugong este dyesebel pala wehehe
![]()
wow..ako din pu gusto ko pumunta dun..my family and i wer planning..sana nga lang ilibre din nila ako..hahahaha..nice experience ate…kakaingit ka..hahaha..how i wish ako din…hehehe..;-)
uu punta kayo
palibre ka syempre hehe
![]()
bruha ka, bwahahhaha,
yoko na tuloy pumunta, lagot ka sa oceanarium. dahil sayo hindi nako pupunta, bwahahha
ahaha naku punta ka, hinahanap ka na dun! heheh
![]()
gusto ko yung mga isdang naka-pout yung lips!! hangkkyut!!!
ayokong i-try yang fish spa, kagat pa rin yun noh!
ahehe oo nga, ang landi ng mga isdang yan haha.. try mo, di mo naman mafeel ang kagat, para ka lang kinikiliti
![]()
ANG GANDA NAMAN DIYAN….BUT IM MORE INTERESTED ABOUT THE HISTORY BEHIND THE DEATH OF JOSE RIZAL AND WHY WAS HE TRANSFERRED AT LUNETA PARK
Mayo 25, 2008 Sa 4:16 hapon
waw! may fish spa pala! dusto ko nyan! buti di ka naging dyesebel ng nakagat ka ng mga isda! Lols
tagal na nga namin gus2 pumunta kaso di p nga daw maxado tapos eh mejo mahalay nga ang presyo kaya pag mejo pag ok ok na