Sayt ni LilMisPasaway

Boracay! :)

Posted by: lilmiz on: Hunyo 1, 2008

ano gagawin mo kung nangyari sayo to:
nagplano kayo ng boyfriend mo na magbakasyon, kayong dalawa lang.. pumayag ka na ikaw mag-asikaso ng lahat pero sya magbabayad lolz.. naayos na lahat ilang linggo pa lang bago kayo magbakayon.. ngunit, subalit, datapwa’t .. bigla kang nakatanggap ng text galing sa kanya, “ayoko na, break muna tayo..” at sinabi nya yan mga apat na araw bago kayo umalis para sa bakasyon.. wala syang sinabi na rason, wala lang, gusto lang makipaghiwalay ng pu#@$%#$@.. ahahah..

yan ang nangyari sa kaibigan kong si gigi.. at yan din ang nagbigay sakin ng pagkakataon na makarating sa bora ahaha sinamantala ko na lolz joke.. syempre wawa naman ang friend ko kung sya lang mag-isa pupunta diba? kahit daw kasi wala sya kasama, tuloy pa rin sya dahil sayang ang trip.. ako din nasayangan, so sinamahan ko na ahehe.. ganti na rin nya sa walang kwentang lalaki, hindi na rin kasi marerefund so might as well gamitin namin .. kainis lang dahil hindi transferrable yun ticket so kelangan bumili bago, nakabayad tuloy ako (haha nainis pa eh noh) :D

pareho namin na first time makakarating ng bora at wala kaming itinerary.. bahala na lang pagdating nun lolz.. sinakyan namin na plane ay sea air, para lang syang bus, 33 passengers lang eh, mas malaki pa ata bus haha.. tapos kami pa ang nagmukhang turista dahil tatlo lang kaming pinoy versus 30 koreans ahaha amp ayoko na makakita ng koreans after nun hehe.. nakarating naman kami ng maayos, galing airport kelangan pa magshuttle/trike papuntang port, tapos sa port magbabangka naman papunta ng boracay port.. and then, magtatrike ulit galing sa bora port papuntang beach proper.. pagdating dun, wow! nawala pagod ko.. grabeh, ang ganda talaga ng beach!!! walang biro, pinakamagandang beach na nakita ko.. as in! as in! as in! ahahaha.. tumambay lang kami sa beachfront buong hapon, hinintay na mabawasan kunti ang init kasi natatakot umitim lolz, tapos nagpa-braid ako ng buhok! ahaha may dumaan kasi mga young girls na nagbibraid :D katuwa! hindi ako namroblema sa buhok ko sa tatlong araw na naka-braid sya ahehe kung pwede lang sana pumasok sa ofis na nakabraid hair, di ko na tinanggal ahaha.. anyway, mga 5pm ay sobrang init pa din amp nasobrahan ata ang pagwish ko na wag umulan hahah pero naligo na din kami.. sarap maligo! sarap ng beach! puro buhangin lang ang maapakan mo at ang linis din ng tubig, pwede inumin! lolz.. kinagabihan, hinanap namin ang sikat na “jonah’s fruit shakes”, pakshet ang layo nya sa pinag-stayhan namin, more than 30minutes na lakad haha grabeh pero sulit na din para matikman lang namin ahehe, masarap sya at ang laki nung baso, hindi namin naubos.. tas lakad na naman pabalik huhu wala kasi tricycle sa beach haha..

pangalawang araw ay island hopping at snorkeling galore ahehe.. buong araw lang naman sya, 10am to 5pm, oh diba? sino di iitim at mapapagod nun? ahaha.. di ko naman nafeel ang pagod coz i had fun ahaha at ang ganda talaga eh! :D after island hopping ay naligo pa kami sa pool ng hotel at sa beach ulit ahaha parang dun lang nakakita ng tubig lolz.. tapos nung gabi ay nag-bar kami para sa tamang inom lang hehe.. umalis na kami sa bar bago pa kami lasingin ni kuya bartender na andaming nilagay sa inumin ni gigi at nagbigay sakin ng isang shot for free haha

huling araw namin ay uwian na :( .. bumili lang ng mga pasalubong tapos pumunta na ng airport at bumalik na dito.. tapos na bakasyon waa… haay, gusto ko pa ulit bumalik dun! aylaveht!! lolz pero malabo na kung malilibre pa ako sa susunod ahehe.. syempre mawawala ba naman ang mga pictures! hehe baka sabihin nyo pa na nag-iilusyon lang ako nakarating dun ahaha :D

18 Responses to "Boracay! :)"

1 | linglingbells

Hunyo 1st, 2008 at 9:51 pm

wow! bora!! ang sarap talaga ng experience na yan, lalo’t libre!! :D

syempre! haha pero hindi to libre lahat, nagbayad pa din ako ng pamasahe.. mas masaya kung nalibre din yun no.. wahahah namili pa eh amp :D .. magplano ka na pumunta dun ;)

2 | Maldito

Hunyo 1st, 2008 at 11:12 pm

hay…sarap naman nyan bhe..ako?putah…5 hours lang away from bora ang bahay pero kahit ni minsan indi nakatapak sa buhangin ng bora…lintek…nauna pa ang bohol at cebu sa pagdeverginize saken..hay..pero indi namna ako natatakot eh….marami pa akong tym,….ahahhaa…uuwi din ako dyan!sa aking lupang sinilangan!

ahehe, oki lang bhe, mukhang hindi pa naman mawawala ang boracay :D kung may time ka, ibili mo naman ako ng resort dun oh! lolz :P tsaka ako din pala, dami pang di napuntahan dyan cebu! mga dayuhan pala tayo sa sarili nating land ahaha :D

3 | Aling Baby

Hunyo 1st, 2008 at 11:31 pm

huwaw naman, kakainggit!!! dami pictures!!! :D sarap talaga ng libre hehehe…pero ah, hindi na malulungkot talaga ang friend mo sa dami ng activities nyo. Ewan ko lang kung maalala pa nya ung bf niang….sweet. :D ang saya naman!

makakarating din ako dyan. :)

heheh! sinasabi ko nga na pasalamat sya at sumama ako kasi hindi talaga enjoy kung mag-isa lang :D may nakasabay kami sa island tour na amerikana, mag-isa lang, parang nakaka-awa hehehe at andaming couples din, madedepress lang friend ko lalo kung walang kasama :D oo, punta na dun :D

4 | Geisha

Hunyo 2nd, 2008 at 4:13 am

wow naman! sarap naman nyan!
hindi man lang kayo nagyaya! :lol:

ilang days kayo dun? tsaka magkano gastos lahat-lahat?
pakisagot mare… punta ako bukas! lol

busy ka kasi eh! ahaha :lol: .. 3 days, 2 nights lang naman :D .. hmm, di ko sure magkano lahat gastos haha basta binayaran ko lang ay yung pamasahe, mga almost 6k ang roundtrip :D mahal noh? pwede rin magbarko ata, less than 1k ang one way, pero mga 18 hours byahe wehehe.. tas hanap ka na lang ng matitirhan dun ng libre ahaha sige mare ha, go ka na bukas! :P

5 | Bacner

Hunyo 2nd, 2008 at 11:37 am

ang saya saya sa bora

apir? hehe

6 | dhez

Hunyo 2nd, 2008 at 12:36 pm

ayos ang braids mo ah! ganda talaga ng bora :)

natural talaga syang maganda.. incomparable ;)

7 | kengkay

Hunyo 2nd, 2008 at 5:09 pm

hayyyy, gusto ko bumalik dyan. una at huling punta ko dyan e nuong early 90s pa, waaa. at para dun sa bf nung prend mo, tuktukan ko kamo sya ng spartan sa ulo ng malaman kung may laman utak nya, hmp

tagal na mamakengkz ah :D ganun pa din kaganda ngayon as dati ba? hehe.. oo, amp yung lalaking yun, feeling ko nga bading eh haha

8 | rio

Hunyo 2nd, 2008 at 6:02 pm

ui..saya naman

yup :D balik ka na sis? weee :D

9 | koreanmine

Hunyo 2nd, 2008 at 6:02 pm

kainggit hays taz libre pa daw.. bukod kang pinagpala sa babaing lahat! Lols :lol:

at sissy, lumabas na nmn nga pagiging dyesebel mo, di k b tinubuan ng kaliskis? hehe buti ka pa, dunong ka swim ,

sana nag pa pic ka nung pag alis mo ng braid :D

wahaha sabi ko nga dun sa friend ko: “his loss (ng ex-bf nya), my gain” dahil nalibre ako lolz sama ba :D

hindi naman ako naging sirena, di ko kasi nadala ang magic shell ko bwahaha mag-aral ka din swim, dali lang :D

hay naku, ampanget pagtanggal ko ng braid.. kulot eh! tas umitim pa ako diba so para akong kirara! nyahaha.. buti tumuwid naman nung nakaligo na :D

10 | taroogs

Hunyo 2nd, 2008 at 6:41 pm

sayang, nung pumupunta kami ng boracay e wala pa kong anak at digicam — sarap sanang kodakan yun, kung sakali! heheh…

ahehe eh ngayon meron na so balik ka dun kuya :D .. dami ko nga nakitang families with kids dun :D

11 | neex

Hunyo 2nd, 2008 at 7:01 pm

talagang mawawala pagod natin dyan. ahaha.. inggit tuloy ako. xP

tara punta tayo, libre mo ko ha? haha jk :P

12 | Banana

Hunyo 3rd, 2008 at 12:10 am

wow i like!! kakainggit ang parelaks-relaks mo jan hhihi!

bitin nga eh :D gusto ko pa magbakasyon ulit ahaha nasanay lolz

13 | wei vines

Hunyo 3rd, 2008 at 1:41 am

parang gusto ko magpalibre..waahha

ako nga din eh! hahaha.. sino kayang mabaet dyan na manlilibre :D

14 | MisyeL

Hunyo 3rd, 2008 at 4:24 am

sarap naman ng bora adventure nyo, kailan kaya ako makakaapak sa puting buhangin na yan? ganda talaga ng lugar na iyan!

makaka-apak ka din nyan sis, dami pang time :D .. yup! walang kapantay! ahehe

15 | foobarph

Hunyo 3rd, 2008 at 9:26 am

next time sa camiguin nman!

naku foo! isa din yan sa mga pangarap ko mapuntahan! pag may makasama lang ako (at manlilibre haha), go ako for sure aheheh :D

16 | beero

Hunyo 3rd, 2008 at 10:07 am

wow naman! ka-inggit naman to. grrr..bat ba di mo ko sinama? hehe.

eh ikaw kasi eh.. ahahah.. tara, punta ka :D

17 | nanay belen

Hunyo 3rd, 2008 at 2:15 pm

hello. padalaw lang.
mukhang enjoy ka sa biglaan na pagpunta sa Bora a. mabuti pa yung hindi pinaplano,siguradong tuloy. TC!

hello po nanay belen :D ahehe nakikinanay din ako :D .. true, mas natutuloy talaga ang mga impromptu at masaya pa! :D

18 | cecille

Hunyo 4th, 2008 at 7:46 pm

ngayon lang nakatambay ulet..saya saya nyan. bora is love, di ba? wish ko lang naexperience ko din yang snorkeling stuff bilang mas matagal pa ata travel time kesa pinagstay ko jan. hehe.

balik ka dun :P yup! bora is looove! hehe ;)

Comment Form

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)