Sayt ni LilMisPasaway

Pahabol sa father’s day

Posted by: lilmiz on: Hunyo 25, 2008

oo na, sobrang delayed ahehe pero gusto ko lang bumati dito ng happy father’s day sa papa ko. malay natin, nagbabasa yun ng blogs ahaha. na-greet ko naman sya ng maayos nung totoong father’s day — isang simpleng text message na “happy father’s day, pa ü”, na nireplyan nya ng “hu u?” ahaha joke, nireplyan nya ng “tnx” — ganun kami ka-close lolz. bihira lang din talaga kami mag-usap kompara sa mama ko na kahit ano napag-uusapan namin, kahit mga chismis tungkol sa mga dating klasmeyts at kaibigan ko ay alam ni mama ahehe chismosa kasi sya lolz. kaya eto gagawan ko na lang ng entry si papa kasi naguiguilty ako hehe.

gaya ng most tatays, tahimik lang ang papa ko.. hindi na kasi sya makakapagsalita sa pagiging nagger ni mama ahaha.. hindi sya mabilis magalit pero hindi namin inaasam na magalit sya. hindi sya yung type na nagpapaluhod sa asin o namamalo. medyo psychological yung style nya.. na mas epektib naman talaga. nung bata ako, nahuli nya kami ng kapatid ko na kumukuha sa alkansya nya (eh kasi naman ang dali lang makakuha dun lolz), sa lahat ng ayaw nun, ang malikot na kamay pinaka-no no. buong gabing sermon inabot namin lalo na ako kasi ako daw nakakatanda. pero hindi yung sermon kinatakutan namin, kundi yung banta nya na puputulan daw kami ng daliri. hindi naman nya talaga gagawin yun pero syempre kung bata ka, papaniwalaan mo kahit ano. mula nun, hindi na namin pinapakailaman gamit nya, kay mama na lang ahaha. naku, kung nagkataon pala, kulang na yun daliri ko ngayon waaa lolz. tapos nung nauso yung mga tinedyer na naglalayas sa bahay, nagpaparinig sya samin na kung sino man daw ang maglayas sa bahay nya ay hinding-hindi na makakabalik at hindi na nya kikilalanin na anak — sino pa mag-iisip na maglayas nyan diba? ahaha.. hindi din yun sang-ayon sa mga boypren-boypren habang nag-aaral.. kaya eto, sa sobrang masunurin ko, hanggang ngayon walang boypren ahaha shox, kasalanan nya pala to lolzz..

pero kung sakali man magka-asawa ako, gusto ko yung tulad sa papa ko.. syempre minus yung mga negatib ahehe.. kahit hindi nya sabihin, alam namin na mahal nya talaga kami (wala syang choice ahaha).. chain smoker yung tatay ko dati, ako lagi napag-uutusan bumili ng isang pack ng sigarilyo nya halos araw-araw, champion yata yung brand nya (chipitits lang ahehe).. pero isang araw, huminto sya. as in yung biglaan lang, walang sabi-sabi. nalaman ko lang nung medyo matanda na ako na kaya pala sya huminto kasi may nakita syang commercial na mas nakakasama sa mga tao sa paligid ang paninigarilyo lalo na sa pamilya. grabe diba, nakayanan nya yun para lang samin :) .. minsan nung nag-away mga magulang ko, sa sobrang galit ni papa, sinuntok nya.. yung salamin, hindi nanay ko ahehe, sya tuloy nagkasugat sa kamay.. may ref na rin kaming nasira dahil sa away nila lolz.. pasaway kasi to si papa (san pa ba ako magmamana lolz), mahilig uminom at magsugal :( .. pero never nya pinagbuhatan ng kamay si mama, kahit pinoprovoke na sya o yung nanay ko nananakit sa kanya ahehe

at kung may isang leksyon man na di ko makakalimutan galing sa kanya, yun ay ang wag magtanim ng galit sa kapwa.. anak sa labas kasi tong si papa, eh sa sinaunang panahon panget talaga pag nabuntis ang babae na walang asawa (ngayon parang normal lang no tsk hehe) kaya ang nagpalaki sa kanya ay lolo’t lola nya.. nung nagkapamilya ang nanay nya (lola ko), sabihin na lang natin na parang hindi sya tanggap ng mga step at half nya hehe.. tas nung sumakabilang buhay lolo’t lola nya at pinamanahan sya, madaming kumontra.. umalis na lang tatay ko sa probinsya at nagsumikap sa syudad.. pero nagtanim ba sya ng galit sa pamilyang tumakwil sa kanya? hindi.. sa katunayan ay sa kanya sila tumatakbo kapag may kailangan at hangga’t may maitutulong tatay ko, tumutulong sya. mga hiskul ko na nalaman ang mala-teleseryeng kwento ng buhay nya, bago nun ay akala ko totoong lolo ko si lolo ahaha.. at kaya pala lagi sinasabi ni papa na dapat magpasalamat kami na kahit hindi kami kayamanan ay kumpleto naman ang pamilya :)

kahit hindi sya perpekto na ama (wala naman talagang perpektong tao), napalaki naman nya kami ng maayos (maayos nga ba? ahehe) at mga mabubuting mamamayan (daw) wehehe.. pa, sensya na kung minsan pasaway ako hehe at sobrang salamat sa lahat lahat! labyu :D

14 Responses to "Pahabol sa father’s day"

1 | tolits

Hunyo 25th, 2008 at 5:27 pm

pede pala pang maalalala mo kaya or (isumbong mo kay charo) ang wento ng buhay ng fafa mo.. benta kaya natin para magka pera tayo..

oo nga ang drama-drama kasi lolz.. sinong artista kaya gaganap sakin kung sakali no? ahahah :P

2 | MisyeL

Hunyo 26th, 2008 at 2:14 pm

sweet naman ng post na ito, namiss ko tuloy si papsy ko din. we’re blessed to have an earthly father like them. :)

i agree.. we should be grateful hehe ;)

3 | Geisha

Hunyo 26th, 2008 at 11:19 pm

huhuhuh nakakaiyak… emo ka na naman! :lol:

4 | menggay

Hunyo 27th, 2008 at 12:49 pm

ay naalala ko na naman si papa ko…nasa langit na yun ei… nag papray nga ko sana maka receive naman ako ng txt galing sa papa mula sa langit sure malaks signal doon…hehehe imposible diba…
At kong mag aasawa ko gusto ko din katulad nya …

Belated happy father’s day po sa papa mo :)

5 | ayyzzz

Hunyo 27th, 2008 at 3:04 pm

nakakatuwa nman…

hehe…

buti ka pa may papa.

ako wala..

haha :lol: bglang emote e.

nadaan langg…

6 | koreanmine

Hunyo 28th, 2008 at 12:22 pm

ahehe ako din champion din brand ng dadi ko ng ninigarilyo pa xa, ako din taga bili at minsan ,pag kinakasihan ako ng pagka pilyo, nag sisindi pa ko para sa knya, kaya madalas ako mabatukan! lols pero 2mgil na din xa kasi naatake de corazon na :D

masarap tlga pag close sa dad, parng barkada :D

7 | rio

Hunyo 28th, 2008 at 4:37 pm

tahimik din ang tatay ko. takot akong magalit sya dahil alam kong ibang magalit ang mga tatay….
sis, belated happy father’s day sa iyong ama…
busy ka din noh kaya hindi ka masyadong nagbloblog lately?? hehehe=)
miss u

8 | linglingbells

Hunyo 28th, 2008 at 4:58 pm

waw.. ang ganda ng istorya ng tatay mo.. kaya siguro siya ganyan dahil sa mga pinagdaanan niya.. belated hapi father’s day sa tatay mo! :)

9 | angel

Hunyo 28th, 2008 at 9:10 pm

ahehehe.. ako din eh super late nang nakibati.. Akchulee, buti ka pa nga nabati mo dad mo nung father’s day ako indi eh kasi umalis na sya before mag father;s day.. Ayun..

Tatay ko din sobrang dami nang napagdaanan sa buhay at ganun din sya tahimik lang din, pero kapag nagalit yon, kinikilabutan na ko.. aheheh..

10 | camilleeee

Hunyo 30th, 2008 at 9:37 am

:D ismayl lang ako… la lang, da best talaga si tatay anu? ;)

(dalaw lang kita ;) ) missyu…

11 | lilmiz

Hulyo 25th, 2008 at 2:58 pm

@geisha– hoy mare! wala lang haha, halu :P

@meggay — tenks sis :) im sure sinusubaybayan ka nya.. kaya magpakabait ka ha wehehe :P

@ayzzz — aww, oki lang yan, binabantayan ka din nun ;) sure, daan lang (sensya na at anong petsa na ako nagreply wahaha)

@mine — lolz! siguro yan yung sosyal na brand dati ano? ahaha.. meron pa ba ngayon nyan? haha.. oo, ayus talaga pag-close sa tatay :)

@ling — honga eh, tinalo pa kadramahan ko sa buhay nyahahah

@angel — kaya dapat wag galitin sila no haha pero pag-bata lang naman nakakatakot, pag lumaki ka na.. nakakatakot pa din haha :P

@camz — korek! ;) .. mishu mats din camzki :*

12 | Maldito

Hulyo 25th, 2008 at 10:34 pm

san ka ba galing bhe? ginaya mo ba si Angelina Jolie na nagpakain ng mga bata sa Africa? Ang sweet naman ng bhe ko..ahahhahaa….

ay nakalimutan mo ba bhe? ako si angie jo at kaw si brad pitt? hahahaha.. galing ako ospital kasi nanganak ako ng twins, remember? wahahah tinamad lang ako at nabusy sa mga walang kwentang stuff ahehe namiss mo ba ko bhe? kasi ikaw hindi ko namiss eh.. miss na miss! choz! heheh :P

13 | rio

Hulyo 28th, 2008 at 12:22 pm

sis, salamat sa pagdaan sa blog ko..ano na balita sau?? akala ko naman ay may bago ka ng post!!=)
ingat palagi..

14 | ronturon

Agusto 12th, 2008 at 7:16 pm

mejo huli na nga.. at ang tagal mo na ring walang posts.. hehehehe…

Comment Form

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)