Sayt ni LilMisPasaway

Shala

Ipinaskil ni: lilmiz noong: Setyembre 18, 2008

napansin ko dito sa sg, kanya-kanyang trip mga tao.. iba ay get-up kung getup, paweirduhan kung paweirduhan, PDA kung PDA.. iba’t ibang lahi, iba’t-iba din ang trip.. oo nga, may mga ganyan din sa pinas pero ang kaibahan lang dito ay wala talagang pakialamanan, walang pansinan.. halimbawa, kung may isang babaeng napakaseksi at napakaganda na naglalakad sa daan (clarify ko lang, hindi ako to lolz), malamang sa pinas pagtitinginan na yan, may kasama pang sutsut sa mga KSP.. dito, hindi yan papansinin o titignan man lang, parang wala lang talaga.. di kaya, kung may napakapaduy o weirdo na tao, sa pinas, malamang pag-uusapan at pagchichismisan agad yan.. dito, kiver ever.. may something wrong ba sa kanila? o tayo yun? ehehe.. siguro wala lang silang panahon sa mga ganun, o baka may batas talaga na nagbabawal lolz.. kaya tuloy pag may nakita akong fafable (which is napaka-rare mangyuari, san na ba nilagay ni lord ang mga gwapo sa mundo? :( ), hindi ko na din makuhang tignan ng pangmatagalan kasi nga baka bawal ahaha

isa pa sa na-obserbahan ko ay vain sila dito masyado tsaka materialistic (haha parang ang sama ng labas) kasi mahilig sila magshopping at hindi basta-bastang brand lang, yung mga uber mamahalin talaga.  tulad na lang ng louis vuitton na yan, grabe, halos kada lingon ko may naka-bag ng LV.. kahit nasa daan lang ako, sa bus o sa mrt, meron talagang naka-mamahaling gamit.. lv, prada, chanel, burberry at kung anu-ano pang mga luxury brands.. haay, dyan ako naculture shock ahaha ambabaw.. hindi ko maimagine sa pinas na may nakaLV tas sasakay ng MRT or kahit taxi nga eh, kasi for sure de-sasakyan na yun (maliban na lang kung fake aheheh).. parang napakanormal lang sa kanila dito nyan, napapaisip na tuloy ako bumili ng fake, para i belong naman haha pero nge, panget kaya ang mga super mamahaling mga brands na yan, pangalan lang nagpamahal eh (heheh bitter na walang pambili :D ).. ika nga ng isang kaibigan, “shala” talaga ang mga tao dito.. at “shala” is from the root word “sosyal”, na ang ibig sabihin ay.. uhmm, yun na yun ahahah sa tingin ko, mahabang panahon pa bago maging tulad nila ako na mashashala, baka nga hindi na eh lolz.. oki lang noh, basta sa puso ko, mashala  na ako ahahah adik :D

10 Tugon to "Shala"

wow! ang yayaman naman nila at kahit pagsakay sa bus e naka LV…shala nga!..

ahehe shala talaga.. nakaka-inggit :( lolz

..korek! ganyan din ang chika ni kumareng lyzius about jan sa sg! walang pakundangan pa daw ang laplapan sa mrt, sa kalye…nakakaculture shock nga daw. (kilala mo nga ba si lyzius?)
…oo, pati kamo pinay nakikipagsabayan na sa kashalahan jan. kaw na next.hehehe!

hehe mahirap makipagsabayan sis, baka ipauso ko na lang ang pagiging jologs ahaha.. di ko kilala si lyzius eh, dalawa na kayo ni jeck nagsabi na andito sya.. di bale, sasabihan ko kayo pag nakita ko sya dito hehe :D

mayaman naman ata sila talaga. sabi nga binabayaran ng $5k yung mga babae para lang mag-anak (dahil tumatanda na ang populasyon nila). o, di ba, sosyal na sa ganon pa lang.
british english ba gamit nila dyan?

(sori kung feeling close ako..)

oki lang, close naman talaga tayo, diba? ahehe :P oo nga, di na-aachieve yun target nila para sa dagdag sa populasyon kaya nga ini-engganyo din yun mga tourist pumunta, pampadami haha.. puro papaganda kasi ginagawa kaya ayan nakakalimutan magpadami lolz

Ay naku kya I do not belong der,, hehehe,, I love phil. pa rin hindi ko kyang gumastos ng gnyang kamahal para sa bag dahil ala ako pambili…

ahehe apir! wala din ako pambili :D punta ka dito sis, ipauso natin ang pagiging jologs nga heheh :P

i check mo mabuti kung tunay ba yung mga branded na gamit nila. sa singapore at thailand at hongkong e dyan nagkalat ang first class ‘fake’ hehehe. atsaka may mga tindahan dyan na for rent yung mga shoes and bags na branded :D

mukhang tunay naman yung karamihan mamakengkz ahehe talagang may for rent? grabe naman, sana pinambili na lang nila… ng fake ahaha.. wish ko sana may magregalo sakin ng orig :D

uy 2 wiks na lang anjan na din ako for a short trip.
wala lang.
at lis nakakuha ako ng info sa post mo.
salamat

ahehe maganda naman dito, enjoy your trip ;)

wow naman bhe..indi mo pa ba natatangap ang LV na mga bags na binibili ko para sayo from somalia? Wait lang bhe…may bag ka din na ganyan..

tatak LV….tatak Lorna Volentino…..Tibay standard!

he he he

oo meron nga bhe.. pag may nagtatanong kung bakit kakaiba ang tatak, sinasaabi ko na lang na na-wrong spelling lang ng di sinasadya ahahah

wala po daw basagan ng trip! xp


uhm bakit? nababasag ba ang trip? ahehe :P

nyak. fragile po yun e xp

owki.. sabi mo eh :D

singaporean ka na rin pla? hehe! kaya pala amatagal naka hiatus eh! congrats! pala..late ko na nabasa to. ngyon lang nagka time para magbloghop eh

ako nga din minsan lang nakakabloghop, nagsasawa na ako humarap sa computer kasi ahahah.. yep dito na ako, mukha na din akong merlion ahehe

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)