Sayt ni LilMisPasaway

Datuputi at Silverswan

Ipinaskil ni: lilmiz noong: Setyembre 22, 2008

kung tatanungin ako ngayon ano ang paborito ko na pagkain, sliced bread na sagot ko haha. may bago kasi akong kina-aadikan na palaman kaya kahit di ako masyadong maka-tinapay, napapakain ako ng napakadami dahil sa palaman na to. di ko alam kung kilala nyo sya kasi nadiskubre ko lang din nung first bisita ko dito. dahil sa nasarapan ako ay nag-uwi ako sa pinas nun pero di ko rin nakain kasi nag-expire na nung naalala ko wehehe. kaya eto nagpapakasasa na ako dito, kuntento na ako kahit eto lang kinakain buong araw, pramis ahehe. ang tawag sa kanya ay “kaya”, ewan ko bakit yan nadecide nila na itawag, tanggapin na lang natin ahehe. coconut tsaka egg lang daw ang sangkap sa paggawa. so kung pinoy pala naka-imbento neto, “bukolog” ang magiging pangalan nya ahaha. para makarelate naman kayo sa pinagsasabi ko, eto ang hitsura ng kaya spread:

i know, ang weird ng kulay nya. green pala ang labas pag pinagsama ang buko at itlog ahaha. di mo aakalain na masarap pero pag nasubukan mo na, kaka-adik. yung binili ko ay paubos na, di man lang umabot ng isang linggo lolz tsaka healthy sya, no preservatives added daw eh

wala din daw trans fat.. kung anuman yun ahehe

mumurahin lang yan na brand pero yummy na, mas lalo siguro yung mamahalin. dapat sa toasted tinapay sya ilalagay sabi nung serving suggestion kaso wala kaming toaster lolz.

at least may makakain na akong sg food ahehe mahirap kasi kumain dito kung di ka marunong magluto (tulad ko haha.. huhu pala). madami ngang choices pero kakaiba pa rin yung pagkaing pinoy. wala man lang kahit isang jollibee dito :( pero sabi nila may jolly-V daw ahaha di pa ako nakatry dun, sabi parang jollibee daw talaga ang lasa kasi galing daw sa jollibee yung may-ari, nakopya nya siguro yung recipe ng chickenjoy ahaha.. sa mga nagluluto naman dito, kelangan pa nila pumunta sa pinoy store para makabili ng mga pampalasa ng pagkain tulad ng toyo, suka at patis.. wala kasing datuputi at silver swan sa groceries ahaha iba daw kasi lasa nung local products.. nung bago pa ako dito (lolz parang antagal ko na eh noh, wala pa nga akong isang buwan ahaha), naghahanap ako ng alcohol (hindi yung inumin lolz) sa kung saan saan pero wala talaga akong nakita.. weird, bakit walang alcohol? sino ba sa inyo ang walang alcohol sa bahay, diba? dun lang ako nakahanap sa pinoy store na medyo may kamahalan na kung ikompara sa presyo sa pinas pero keri na din.. parang maliit lang sila na bagay pero importante din pala, buti na lang at may mga nakaisip na magsamantala magnegosyo ng pinoy store ahaha.. hmm, marequest nga kay tito henry na magbukas sya ng SM dito, kahit yung supermarket lang aheheh :D

7 Tugon to "Datuputi at Silverswan"

kahit dito, ang mahal nga ng mga pagkaing Pilipino. ahaha.. ang hirap din kumain dahil syempre iba talaga yung Pinoy dishes.
di ko pa natitikman yang “kaya.” mukhang ewan naman, bakit kulay green? haha.. sori. pero siguro nga masarap yan. :D

hahaha try mo pag may makita ka.. masarap sya, weird nga lang talaga yung kulay :P

ano lasa nyan? sorry, pero parang hindi mukhang masarap…heheheh!
…mahal na product ng pinas jan kasi imported na ng dating.heheh! buti na alang dito..dami na pilipinoys store..=)

hahah oo nga noh, imported na pala mga pinoy stuff pagdating dito hehe pero dapat di ganun kamahal kasi malapit lang naman lolzz

buko at egg? hmm.. parang weird. haha. pero since sabi mo, masarap eh.. :D

though, im not a bread lover.

btw, bloghopping.. ;)

hehe tawagin na lang natin syang coconut jam para di weird ahehe.. sige hop lang ng hop :P

buko at itlog…

parang ang hirap isipin ang lasa. hehehe

buko pie? parang ganun?

hmm ano nga lasa ng buko pie? ahaha.. parang oo na hindi lolz labo.. basta subukan mo pag may nakita ka ah :D

huhulaan ku…

nasa singapore k noh?…

“nonya” eh…

hehehe…

korek! ahehe di ko alam ano yang nonya, buti ka pa alam mo na agad na pang-sg yan lolz :P

gnun tlga ate….unano nlng ang di tumataas…im back di ba?ang tgal kong nawala at sobra kitang namiss..hehehe…miss ko na rin ang blogging world..sau ako unang nagcomment…hahahaha..mukang masarap yan te ah..pwede humingi?????

aww tats naman ako at sakin ka pa una nagcomment :D buti at naisipan mo magbalik-loob na sa blogging ahehe.. namiss din kita *mwahugz* .. gusto mo nyan food? sige kuha ka lang lolzz

cguro healthy concious ang mga tao dyan.. buko at itlog bilang palaman ang sarap cguro nyan.. penge naman sis..

halu-halo mga tao dito sis, may sobrang conscious (like mga vegetarians) at meron din mga sobrang hindi (kumakain ng kahit ano lolzz) .. sure, kuha ka lang din, madami pa yan ahaha :P

Mag-iwan ng Tugon

i see you!! so be nice! ;))

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Sign by Dealighted - Coupons and Deals

Naghahanap ng kausap? :)