Ipinaskil ni: lilmiz noong: Oktubre 11, 2008
naiinis ako sa kapatid kong mabait. kung nasa amin lang ako, nabatukan ko na yun ng bonngang bongga. hindi marunong mag-isip. akalain mo ba naman, kay bata bata pa, eh napakalandi na. sa malamang ganun din mararamdaman nyo kung kwentuhan kayo ng tulad nito:
kapatid: ate, may tanong ako
ako: ano?
kapatid: may problema kasi yung kaibigan ko na babae
ako: anong problema?
kapatid: tungkol sa period nya, normal lang ba yung white lumalabas imbes na red? counted ba yun na meron sya?
ako: huh? bakit mo naman naitanong yan?
lalaki etong kapatid ko so weird na interasado sya sa mga ganyang topic..
kapatid: kasi natatakot sya na baka.. alam mo na..
ako: alam na alin?
kapatid: na baka buntis sya.. delayed na daw kasi ng ilang linggo
medyo may hinala na ako kung san papatungo ang usapan namin pero bilang mabuting ate, di ako nagjump into conclusion..
ako: regular ba sya?
kapatid: hindi yata
ako: yun naman pala, ano kinatatakot nya?
kapatid: mahilig kasi sya makipag-*toot* hehe
ako: wait wait, timeout muna.. sino ba to pinag-uusapan natin?
kapatid: uhm..
ako: wag mo sabihing girlfriend mo yan?!
kapatid: oo, hehe
ako: what?! totoo ba to? bakit naman umabot dyan? handa na ba kayo maging magulang?! ha?
kapatid: awts.. hindi..
ako: jusko, may mga gatas pa kayo sa labi.. di ka ba nag-iisip? argh!! di mo man lang hinintay gumradweyt kayo? ang hirap pa namang ng buhay ngayon.
kapatid: sorry na.. akala ko maiintindihan mo ko
ako: wow, at inexpect mo pa na susuporta-an kita ah..
kapatid: sana wala lang talaga yun.. sorry na, ate.. mag-iingat na ako
ako: hay naku.. ewan ko sayo
hindi ako prepared sa rebelasyon nya at sa ganyang usapan kaya ganun na lang ang reaksyon ko. i just can’t believe it. my innocent little baby brother is not so innocent after all pala
akshuli, di na naman talaga sya bata, 21 na yun hehe at lalaki pa, so di talaga mapipigilan ang pagiging mapusok. pero sa paningin ko, masyado pa talaga syang bata. yung gelpren naman nya, yun ang totoong malandi lolz. ano ba naman yung maghintay sa tamang panahon? o di kaya ang mag-ingat diba? nagkakakrisis na nga sa buong mundo eh. haay, mga kabataan talaga.. lolz parang antanda ko na ano.. basta, sana false alarm lang huhu.. kung hindi man, eh ano pa magagawa ko
naku sis, ready ka na bang maging tita
hindi pa nga sis eh.. pero mommy pwede ahehe joke, bata pa ako (isip-bata lolz)
![]()
ouch! hope it was just false alarm nga. di nila iisipin ang consequences talaga ng ginagawa nila hanggang mangyari ang di kanais-nais, tapos asa huli ang pag sisisi
tumpak. sabagay, nasa huli naman talaga lagi ang pagsisi hehe.. di ko pa din alam ano balita, ayoko kausapin kapatid ko lolz
ate..ipakilala mo siya sa akin, pramis di ko siya lalandiin…ahahaha
nu ba yan sis! inuunahan ka ni baby bro ah..hehehe..namis kita pramis! tagal kong di nakadalaw…nyaaah
ahahah sayang may lumandi na kasing iba lolz.. mishu din sis
oki lang yan, pareho lang tayo pasulpot-sulpot na lang sa blogosphere ahaha
![]()
blessing yan, at least hindi baog si kapatid.
Yun nga lang, mukhang napaaga naman masyado. hehe
masaya ka pa ah ehehe.. naisip ko na ayus lang din siguro kasi masaya din naman pag may baby
aw! yun kapatid ko din mabait. gusto ko umuwi ng probinsiya tapos hambalusin siya ng bonggang-bongga. hehe
madami pala tayo may mga mababait na kapatid ahehe
hay naku sistah.. kung ako rin yan jojombagin ko yan.. hay ewan ko b s kabataan ngyon.. ang hilig gumawa ng mga ganyang anik-anik.. di nila alam kahihinatnan nila..
kaya siguro overpopulated na ang bansa natin, dami nadidisgrasya lolz
tsk tsk.. nakakatakot nga kapag nagtatanong ng mga ganyan ang nakababatang kapatid natin.. nakakatakot talaga!!!
hayii poh, padaan ha. sarap magbasa. dagdag kita blogroll ko po ha? bago se ako dito. dagdag mu na rin ako pwede?=)
sige go add mo lang ako, kahit walang update ang blog ko ehehe.. add din kita.. welkam to wordpress
![]()
sige basta add kita poh, bc lang kc sa waork eh, nakaw na sandali lang to hahaha
wala ako gana magbasa ngayon ng post nyo, katatapos ko palang magrestore ng nahack na blog ko
sis, merry christmas…hindi ka na nadadalaw sa bahay:[
namimiss na kita
ako po ay, humihingi ng konting pabor nangongolekta po ako ng mga litrato http://www.kutserongkulot.com/?p=253
Oktubre 12, 2008 Sa 12:36 umaga
sinasabi ko na nga ba. 3 paragraphs into this and i had a feeling na yun na. shucks, pareho pala tayo. buti ka nga nasermonan mo, ako hindi na, na-emotional blackmail na ko kasi nagiiiyak na. hehe. sana di nga totoo. payuhan mo kayang bumili ng pregnancy test? hahahahah