Posted by: lilmiz on: Mayo 25, 2008
sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko din ang luneta park nung nakaraang linggo ahaha.. kaya starring sa pamagat ko yan si rizal
may mga kamag-anak kasi ako napadpad dito last week, wala ako kaalam-alam, bigla na lang ako nitext na andito na sila at sumama daw ako mamasyal sa ocean park. buti at nagkataon wala ako pasok, anlayo ko kaya sa maynila, ni hindi ko nga alam pano pumunta dun haha. sa awa ni lord, nakarating naman ako (taxi. hehe). Read the rest of this entry »
Posted by: lilmiz on: Mayo 22, 2008
after 48 years, 10 months, 3 weeks at 4 days.. nabalik na din ang internet ko! hahaha.. ka-engotan lang ng mga taga-globe at yung service center ang problema grrrr.. heheh.. but am back! its official
.. grabe, namiss ko to.. at syempre kayo! (hello? meron bang tao? lolz).. so ayun.. hala, di na ako marunong magblog ahaha memory gap? lolz sige, mag-iisip muna ako ahehe ![]()
Posted by: lilmiz on: Abril 15, 2008
napa-hiatus na naman ang blog na to ng di sinasadya haha. musta naman kayo? nafefeel ko na namiss nyo ako ahaha feelers ba? lolz
. as usualness, naging abala kasi ako sa mga kung anu-anong bagay. pero ang pinakadahilan talaga ay dahil nasira internet ko sa bahay last week! waaah!! nasabi ko ba na nag-outing kami nung bertdey ko? di pa? Read the rest of this entry »
Posted by: lilmiz on: Abril 7, 2008
hi ma!
eto na naman tayo, nagbebertdey hehe. although mas nauna ka sakin ng dalawang araw (wow, 2 days lang gap natin, how could dat be? lolz). pano ba yan ma, tumanda ka na naman. 48?? eww! pero sige lang, di ka naman mukhang matanda. impak, lagi tayo napagkakamalang magkapatid lang diba. minsan kala din nila na nag-asawa ka habang tinedyer pa lolz. isip-bata bata ka kasi tignan at alam ko ano secret mo.. at yun ay kami! haha kasi ambait-bait namin noh? (pag tulog) lolz.. wala ka talagang problema samin (pag tulog), aminin mo haha. sa dalawamput-apat na taong pagiging nanay mo sakin, masasabi ko na ginawa mo lahat-lahat at higit pa para maging isang mabuting mader. hindi ka nga perpekto pero hindi naman kami naghahanap ng perpektong magulang kasi mapipilitan din kaming maging perpekto ahehe. gusto ko malaman mo na ni minsan, hindi ko naisip na sana hindi kaw naging mama ko
at sana yun din naisip mo sakin
inaamin ko na naiinggit ako sa mga may madaming pera pero yung pera lang kina-iinggitan ko sa kanila, hindi yung buhay o pamilya nila lolz.. salamat sa mga aral at mga “tuo-tuo” (superstitious beliefs) na tinuro mo sakin. dala ko pa din sila hanggang ngayon. tulad na lang ng bawal magupit ng kuko at magwalis sa bahay kapag gabi lolz. Read the rest of this entry »
Posted by: lilmiz on: Abril 3, 2008
ambilis talaga ng panahon. nasa pang-apat na buwan na tayo ng taon ngayon. pero parang di ko man lang masyadong naramdaman. dahil ba sa wala akong magandang nagawa? ahaha or nagsayang lang ako ng oras sa mga walang kwentang bagay? naks, parang malalim sya no lolz.. sya nga pala, bago ako magproceed.. pinapaalala ko lang sa inyo na.. (baka kasi makalimutan nyo. mahirap na. sige kayo, hindi na kayo ilalab ni lord nyan ahaha).. na.. Read the rest of this entry »
Posted by: lilmiz on: Marso 31, 2008
bago matulog, kelangan sagutan ko muna ang tag na to galing kay nickname, ewan ko lang bakit ako dinamay ng batang to, wala naman akong ginagawa sa kanya ahaha.. Read the rest of this entry »
Posted by: lilmiz on: Marso 29, 2008
grabe, naramdaman nyo ba ang sobrang init lately? hindi na talaga joke ang global warming na sinasabi ni tito al gore
last week ko nafeel ang pagsimula ng matinding init. kasi ang OA ng balat ko, napakasensitibo sa mga biglaang pagbabago ng panahon. nagpapantal at nangangati sya. pero wala na naman ngayon, nangyayari lang pag nagsisimula ang isang extreme weather. weird noh? ahehe. Read the rest of this entry »
Posted by: lilmiz on: Marso 25, 2008
sali tayo neto! masaya siguro to ahehe.. sinasadyang brown out kumbaga
.. may iba nga na may “earth hour” parteeh or get together, magkakandila lang siguro sila lolz.. pers taym to sa pilipins kaya let’s join us na ahaha
.. yung kompanya namin magpaparticipate din
.. sana yung mga malls din noh, sila yung pinaka-madaming ilaw eh lolz

ang di sasali ay…. isang malaking K at J! wahaha ![]()
Posted by: lilmiz on: Marso 23, 2008
eto na ang kauna-unahang isyu ng pinapauso kong “isalin sa bisaya” project (ISBP) ahehe.. may mga tatlo akong nautong mga willing na estyudents kaya tutuloy ko na to weeeh
.. sensya na medyo natagalan, nakatulog kasi ako lolz..
bago ko isalin yung mga nisubmit nyo (oo, kayo dalawa lingling at miss mine ahehe), magbibigay muna ako ng kaunting background ng aming dialect.. naks.. Read the rest of this entry »
Posted by: lilmiz on: Marso 21, 2008
bwahaha.. sana hindi kayo nashock sa pamagat lolz.. may kaibigan kasi ako na yan lang alam nya na sentence in bisaya hehe ewan ko sino nagturo sa kanya
.. ang ibig sabihin pala nyan ay “ang tagal mo na sa manila pero tanga ka pa rin!” .. kaya wag kayo matuwa kung sasabihan kayo nyan ha pero pwede nyo yan sabihin sa bisaya friends nyo haha.. anyway, may lightbulb na sumulpot sa utak ko nung nabasa ko comments sa previous entry ko hehe..
Mga nag-react